CHAPTER 22

7 2 0
                                    

ONE SMILE, ONE CRY



"Kasya ba sa akin 'yan?"

"Will try it." Napalunok ako dahil sa biglang sumeryoso ang kaninang pilyo niyang mukha.

Unti-unti itong lumapit sa akin. "Teka lang," bulong ko dahil baka marinig kami ng librarian.

Tinaasan niya ako ng kilay. "B-baka masakit."

"Of course. It will be your first time," sagot niya. "Do you still have something to say?" Tila naiinip niyang tanong.

Kinakabahan akong umiling.

"I will insert it. Be ready," bulong niya malapit sa aking tenga kaya nagsitaasan ang balahibo sa aking likod.

"Dahan-dahan lang, please," pikit-matang saad ko. Kinagat ko pa ang aking ibabang labi para hindi mapahiyaw sa sakit.

"I'll be gentle."

Walang-pasintabi niyang ipinasok iyon kaya napaimpit ako sa sakit. Halos masapak ko siya dahil ang hapdi. Tila ba may napunit na balat.

"Shuta! Sabi kong dahan-dahan lang e," reklamo ko. Halos maiyak na ako sa sakit. Gusto ko siyang bulyawan kaso hindi ko magawa dahil nasa loob pa kami ng library.

"I am," pigil na tawang saad ni Zach kaya hindi napigilang hampasin siya sa braso.

"Ahh! Aray!" daing ko dahil sa aking paggalaw.

"O ayan. Masakit? Sinabi na kasing 'wag munang gumalaw e," sermon sa akin ni Zach.

"May sinabi ka?"singhal ko dito kaya mas lalo itong nagpigil ng tawa.

"Pwedeng hugutin mo muna? Masakit talaga e. Mali ata ang pagpasok mo. Pakiramdam ko namamaga siya."

"Stop moving. Huhugutin ko na." Parang nangilo ako nang hugutin niya iyon.

"Hala! Dumugo," hysterical kong saad nang hawakan ko ang pinasukan niya.

"Malamang! First time mo e. Ang likot mo kasi."

"Sige. . . Ikaw kaya butasan ko diyan, hindi masakit?" I paused. "Masakit kaya," nakanguso kong saad.

"Tsk. Ikaw na ngang hinihikawan, ikaw pa 'tong nagrereklamo." Ngumuso ito pagkatapos ay tinalikuran ako. Napakamot na lang ako ng ulo habang tinitignan si Zach na nagtatampo. Nakatalikod ito sa akin at naka-cross arm. Para siyang batang hindi pinagbigyan sa gusto.

Kanina kasi, nang tanungin ko siya kung ano ang gusto niyang gawin namin, ang sagot niya gusto niya raw akong hikawan. Pansin niya kasing walang butas ang tainga ko at wala akong hikaw. Bumili raw siya ng hikaw at gusto niyang subukan na butasan ako. Ang saya-saya niya habang sinasabi sa akin 'yon. Samantalang gusto ko ng kumaripas ng takbo paalis ng library kanina. Takot ako sa matutulis na bagay. Isa 'yan sa mga dahilan kung bakit wala akong hikaw dahil walang butas ang tainga ko.

Sinabi ko sa kanyang ayoko. Halos maiyak na ako kapipilit sa kanya na ayaw ko, pero iba ata talaga ang tama niya ngayon. Bigla na lang siyang tumalikod sa akin at hindi na ako pinansin. Sabi niya pa kanina, hindi niya raw ako mapipilit kaya okay lang daw na umalis na ako.

Ayaw ko talagang pumayag kaso hindi niya na ako kinikibuan. Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Aniya, marunong naman daw talaga siyang bumutas ng tainga. Trabaho kasi dati ng yumao niyang lola ang pag-pi-piercing kaya natuto siya dito. Kaso hindi talaga mawawala sa akin ang kaba.

Isa pa lang ang nabubutasan niya. Pakiramdam ko nga namamaga.

"Hoy! 'Wag ka na ngang magtampo diyan. Ipagpatuloy mo 'tong ginagawa mo." Sinundot ko siya ngunit hindi niya naman ako pinapansin.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now