CHAPTER 34

16 1 0
                                    

THE BOAT IS SINKING

3RD POV

"Emergency! Emergency!" Nagkagulo ang lahat sa entrada ng ospital matapos dumating ang isang ambulansya sakay ang isang babae na walang malay.

Mula sa loob ng ambulansya ay isinakay ito sa isang patient trolley at dali-daling dinaluhan ng isang doctor at dalawang nurse. Itinakbo ito sa agad sa emergency room at kinuhanan ng vital signs.

Sa kabilang banda ay may isang lalaki ang aligagang dumating sakay ng BMW sa parehong hospital at dali-daling tinakbo ang front desk.

"Miss, anong room po ni Crisha Tineox Alvarez?" tarantang tanong ng lalaki sa receptionist. Magkaibang pares pa ng tsinelas ang naisuot nito habang nakapambahay lamang na tinungo ang nasabing ospital dahil sa pagmamadali.

"Dinala siya sa ER." Walang sinayang na oras ang lalaki at agad na tinakbo ang ER. Nang marating ang ER ay agad niyang hinanap ang kinalalagakan ng babae. At nang matunton niya ito ay kasalukuyan itong inoobserbahan ng doctor at i-ch-ni-check ang vital signs. Nanlumo na parang pinipiga ang kanyang puso ng makita ang babaeng nakaratay sa hospital bed at walang malay. Maputla at tila walang buhay ang kutis nito na nagpalugmok sa kanya sa labis na pag-aalala. Nangilid ang luha nito kaya napaiwas siya ng tingin at huminga ng malalim.

Akma niya itong dadaluhan ngunit pinigilan siya ng nurse na nakabantay. Kahit na gusto niyang manatili sa tabi ng babae ay wala siyang nagawa nang palabasin siya ng nurse sa ER.

Nanonood siya ng NBA games nang may tumawag sa kanya. Number ito ni Crisha kaya agad niya itong sinagot. Agad siyang napabalikwas ng sabihin ng babaeng kanyang kausap na nagpakilalang paramedic na kasalukuyang isinusugod sa hospital ang babae dahil natagpuan itong walang malay sa dorm na kanyang tinutuluyan.

Siya raw ang nakalagay sa speed dial at emergency contact sa cellphone ng babae kaya siya ang tinawagan ng mga ito. Nang mabalitaan ang nangyari kay Crisha ay walang pag-aatubiling tinungo niya ang nasabing hospital, na hindi man lang nagawang makapagpalit ng damit.

Napasuklay na lang ng buhok gamit ang daliri si Mark habang nakaupo sa labas ng ER at hinihintay ang paglabas ng doctor.

Magkahalong takot at pag-aalala ang dominanteng emosyon ang kanyang nararamdaman habang tumatagal ang doktor sa loob ng ER. Wala pa siyang ideya kung ano na ang kalagayan ng babae. Ngunit, nagbabakasakali siya na sana'y ayos lang ang lahat dito.

Makalipas ang tatlumpong minuto ay lumabas na rin ang doktor sa ER. Agad niya itong dinaluhan.

"Doc, kumusta po ang kalagayan ni Crisha? 'Yon pong isinugod dito na walang malay," panunukoy ni Mark kay Crisha.

Huminga muna ng malalim ang doktor bago nagsalita.

"Kapamilya ka ba ng pasyente o guardian?" the doctor asked. Mark taken back because of the question.

"Hindi po. Kaibigan niya lang po ako." Humina ang kanyang boses nang banggitin niya ang salitang kaibigan lang. May tila maliit na patalim ang tumusok sa kanyang puso habang binabanggit ang mga katagang iyon. 'Oo nga pala, kaibigan lang pala ako,' ungot niya sa kanyang isip. Ngunit agad niyang iwinaksi ang ganitong pag-iisip at nag-pokus sa kalagayan ni Crisha.

"Pero tanging ako lang po ang nakakaalam sa tunay niyang kalagayan. Tyaka po, wala po siyang nababangit kahit kanino kung asan ang pamilya niya o kung ulila na ba siya. Wala rin po siyang guardian. Tanging sarili lang po niya ang kasama niya. Mag-isa lang po siyang naninirahan dito sa Manila," he explained. Realizing Crisha's situation  on the past 2 years brought torn in his heart. The day whenever she was alone, the day whenever she was sick and no one could take care at her, and the day whenever she need someone to lean on whenever she was sad. All alone, she face it on her own. This realization was a great torture to him.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now