CHAPTER 13

11 4 0
                                    

THE VERDICT


"Zach. . ." usal ko sa kanyang pangalan.

Humarap ito sa akin at nagsalita. "I've been looking for you to tell you that we still have a schedule at shelter. But you're still here chitchatting with nonsense people? Ridiculous." Tinarayan ako nito.

Umurong ang aking mga luha at 'di siya makapaniwalang tinignan. Naguguluhan ko itong binalingan.

"A-anong pinagsasabi mo d'yan? Kita mo ng seryoso kami dito tapos walang habas kang papasok para lang sabihin 'yan sa 'kin? Sabog ka ba?" bulong ko sa kanya. Hindi ko alam kong magpapasalamat ako sa kanya o maiinis.

"Tsk," tugon niya pagkatapos ay hinawakan ang aking palapulsuhan. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Let's go. We're still have a carload of physical work at the shelter– and don't you dare stop us," turo niya kay dean nang akma siyang pipigilan nito. Natigilan ang dean at hindi makapaniwala kay Zach.

"You permit us to go there when they ask for help, don't you remember?" Hindi ko alam kong sarkastiko ito o normal na tanong. Pagkatapos ay peke itong ngumiti sa lahat.

"Please excuse us," paalam niya bago ako hinila palabas.


"WHAT'S with the staring?" Muling nabalik ang aking ulirat sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Zach.

"Huh?"

"I said, what's with the staring?"

"Staring sa 'yo. . . natulala lang ako at saktong sa may mukha mo. 'Wag ka ngang assuming diyan."

"Tsk, if I know. . . you always like staring at my pretty face," preskong usal ng lalaki.

Sarkastiko ako tumawa at nagpanggap na nilalamig. "Grabe sobrang hangin sa loob–tinatangay ako."

"Tinatangay ka dahil para kang bangkay," parinig nito.

"Ayy, grabe! Ako bangkay? Ano ka sa tingin mo?" hamon ko.

Nanlaki ang mata ko at napalunok ako ng 'di sa oras dahil sa biglaang paglapit nito sa akin ng sobra. Halos maduling na ako sa sobra namang lapat. Isang dangkal lang layo ng mukha namin. Kung hindi lang ako nakakapit ay baka nahulog na ako sa aking kinauupuan.

"Gwapo," titig na titig nitong saad. Natulala ako sa aking nasaksihan. His dark and seems like deep web of eyes, his pointed nose, his furrowed and thick eyebrows, his enticing curl eyelashes, and his sizzling hot thin pinkish lip. It was a perfect scenery. My favorite view.

Wait– what's with this feeling? Bakit parang may estampide na nagaganap sa loob ng aking dibdib? Kailan ba nagkaroon ng mga hayop sa loob ng dibdib ko? At tyaka, bakit tila tumigil ang pag-supply ng hangin ang aking lungs dahil kinapusan bigla ako ng paghinga.

"Staring is rude, babe." Nabalik ako sa ulirat ng pitikin niya ang noo. Agad ako napahawak sa aking noo.

"Namumuro ka na, ah! Hindi na ako nasisiyahan sa pitik mo," reklamo ko. 

Tapos na ito sa paggamot sa 'kin kaya't tinatago niya na ang binili niyang pang-gamot.

Teka. . . na-mali lang ba ako ng dinig kanina? Na-mali ba ako ng dinig ng tawagin niya akong. . .babe? Pero  bakit niya naman ako tatawaging babe? Siguro nabingi lang ako. Tama, nabingi talaga ako.

Nakatalikod ito sa akin kaya't malaya kong napagmamasdan ang malapad niyang likod. Teka– ano ba itong nangyayari sa akin? Kanina lang nasasaktan ako dahil 'yong Marguax na iyon ang kinampihan ni Mark tapos ngayon naghuhuramentado ako dahil sa sobrang paglapit ni Zach. Baliw na ba talaga ako?

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now