CHAPTER 23

7 2 0
                                    

RESENTMENT




Pasado alas dose na ng madaling araw akong nakauwi. Matapos naming mag-usap ni Mark ay dumiretso na ako sa aking trabaho dahil wala naman na akong klase.

Nag-ot kasi ako sa lomihan na pinasukan ko. Kailangan ko kasing pera dahil paubos na ang savings ko. Nangangamba naman ako na maubusan ako ng ipon lalo pa't wala naman akong mauutangan. Tyaka, pambawi na rin sa mga araw na nawala ako. Mabuti na lang talaga napakabait ng amo ko. Maunawain siya at mapagkumbaba. Kaya palagi siyang pinagpapala ng Maykapal e.

Pagod ako ngunit hindi agad ako dinadalaw ng antok. Nakaiba-iba na akong posisyon sa pagtulog ngunit hindi ko pa rin mahanap ang komportableng posisyon para makatulog ako. Natapos ko na rin ang storya sa aking imahinasyon ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sinubukan ko ring magbasa ngunit wala talagang nangyayari. Wala atang naka-schedule na dumalaw sa aking antok.

"Aysst! Bakit hindi ako makatulog? Sino ba kasing nag-iisip sa akin?" parang baliw na asik ko habang nakahiga.

Tumalukbong na ako. Nag-multiply na ako't lahat, hindi pa rin ako inaantok pero ramdam ko na gusto ng magpahinga ng katawan ko, ngunit paano?

Napatingin ako sa aking cellphone na naka-patong sa aking maliit na side table. May kung anong nagtulak sa akin na kunin ito. Nabigla na lang ako ng mapadpad ako sa aking message. Puro mga previous message lang sa akin ni Zach ang nandoon. Bumabati ng magandang umaga, hapon, at gabi. Nagtatanong tulad ng kong kumain na ba ako, asan ako at iba pa. Hindi ko napigilang mapangiti. Ganito pala ang pakiramdam ng may nag-aalala. Ang saya sa pakiramdam.

Nag-back read pa ako ng conversation namin. Last message niya sa akin ay nagtatanong kung asan ako. Syempre, english 'yon. Si Zach kaya ang kausap ko. Ito 'yong kanina. Hinanap niya ako dahil sabay na daw kaming mag-me-meryenda ngunit hindi iyon natuloy dahil dumating si Mark.

Nangunot ang aking noo ng ma-realize na hindi siya nag-message sa akin kahit na good evening man lang. Wala kasi siyang palya sa pag-text sa akin. Karaniwang tini-text niya pagkatapos naming maghiwalay ay 'good evening', 'did you already got home?','How's the work?' Ngunit ngayon, nakakapanibago lang. Ni-good evening hindi niya nagawang mag-text.

I shrugged my immature thoughts.

Siguro naubusan lang siya ng load. O 'di kaya nama'y busy o pagod kaya 'di nakapag-text. Anyway, wala namang kami. Ba't ba ako nag-e-expect ng update? Hayysst!

Dahil sa pag-iisip at pakikipagbuno sa aking sarili, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak ang aking cellphone. Nagising na lang ako dahil sa pag-vibrate ng aking cellphone. Naalimpungatan ako.

Kinuha ko ang aking cellphone at sinagot ang akala kong tawag.

"Hello, Zach," antok kong saad ngunit walang nagsasalita. Naniningkit na mga mata kong binalingan ang screen ng cellphone. Muntik ko ng mabalibag ang cellphone kung hindi ko lang naisip na wala pala akong pampalit na cellphone. Buong akala ko kasi tumatawang si Zach, alarm lang pala. Nasanay na kasi akong magigising dahil sa tawag ni Zach. Mas nauuna pa ito sa alarm ko.

Nalukot ang mukha ko ng makitang wala na namang siyang tawag o text man lang.

"Aysst! Ba't ba ako nagkakaganito?"


ALAS-NUWEBE ang klase namin. Kaya pasado alas otso y medya ay nagtungo na ako sa school. Bagot akong naglakad habang patingin-tingin sa aking cellphone. Wala pa rin siyang text. Teka! Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya?

Napahinto ako at tinungo ang pinakamalapit na pa-load-an. Nag-pa-load ako ng UTP15. Nang pumasok ito ay agad akong nag-text kay Zach.

Zach? Text ko ngunit wala akong natanggap na reply.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now