CHAPTER 35

32 1 0
                                    

I LOVE YOU 'TIL OUR UNIVERSE CONVERGE AGAIN

3RD POV

Ilang araw na nakaratay si Crisha sa ICU bed. Halos tatlong araw itong tulog matapos turukan ng kung ano-anong gamot.

"Ate, gusto mong kumain ng prutas?"

"Crisha, may masakit ba sa 'yo?"

"Crisha. . . anak? May gusto ka bang kainin o gawin?" Nakatulala lamang si Crisha sa kalawakan at pinipigilan ang sariling maluha nang makita ang ama't ina pati ang kapatid niya sa loob ng kuwartong kanyang kinalalagakan. Nagising na lang siya sa isang purong puting kuwarto at maraming apparatus ang nakakabit sa kanyang katawan. Nang umayos ang kanyang kalagayan ay agad siyang inilipat sa private room at doon pinagpa-recover ng doktor.

Ngunit nang magising siya ay labis na lamang ang kanyang pagkamuhi ng makita ang pamilyang tumakwil sa kanya na tila alalang-alala at di-magkamayaw sa pag-asikaso sa kanya.

Hindi niya tinignan ni isa sa pamilyang na nasa loob ng kuwarto. Patuloy pa rin ang mga ito sa pagtanong at pursigidong kausapin siya.

"P-puwede po ba. . ." panimula niya. Natigil ang tatlo na aligaga sa kanilang mga ginagawa at napatingin kay Crisha. "P-puwede po ba i-iwan ninyo muna ako? Gusto ko pong mapag-isa." Hindi man lang binalingan ng tingin ni Crisha ang kanyang pamilya habang inuusal ito. Tanging pagkuyom lang ng kanyang kamay at pag-tiim bagang ang kanyang ginawa.

Natigil ang tatlo at sabay-sabay na yumuko bago tumango. Pagkatapos ay may magkakasunod na tinungo ang pintuan.

Nang makalabas ang mga ito ay nagsimulang magbagsakan ang kanyang mga luha. After a years, her family appeared right in front of her as if nothing happen between them. As if everything was alright between them. As if, they didn't threw her away. She was a damsel in distress for past almost 3 years, and now her family appeared in her life again as if they cared for her. . . as if they are looking for her.

"Masaya na akong wala kayo sa buhay ko. Bakit nagawa n'yo pang bumalik?" puno ng pait at puot niyang bulong sa hangin habang naglalandasan ang kanyang mga luha. "Bakit kailangan n'yo pang magpakita sa akin? Para ano? Saksihan ang pagkamatay ko? Nakaka-touch naman."

Agad niyang pinalis ang kanyang luha at inayos ang kanyang sarili nang pumasok si Mark. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang kasunod na pumasok nito ang lalaking lubos niyang ipinagdasal noon pa man na samahan siya sa kanyang paghihirap ngunit hindi nito nagawa dahil ibang babae ang inaruga. Ang lalaki kong bakit nalugmok siya sa matinding kalungkutan at nawalan siya ng malay ng dahil doon. Hindi kinaya ng utak at puso niya ang labis na kalungkutan kaya sumuko ang kanyang katawan.

Agad siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, sleeping beauty?" Mark light up the heavy atmosphere by asking her state in a jested way. Umupo ito sa couch at nagpapalit-palit ng tingin sa kanya at kay Zach.

"I didn't tell him, okay? Nabigla na lang ako noong nalaman niya. And your family? Hindi ako ang may kagagawan no'n." Nakataas ang dalawang kamay ni Mark na para bang sumu-surrender ito. Pinasadahan niya ng tingin si Zach na nakayuko lamang sa kanila.

"Ahm. . . Sige, labas muna ako. Usap muna kayo," paalam ni Mark pagkatapos ay lumabas ito sa kuwarto.

Nabalot sa matinding katahimikan ang apat na sulok ng kuwarto. Nakatingin lamang siya sa ceiling habang ramdam niya ang mga titig ni Zach.

"Why. . . you didn't t-told me?" Nabasag ang boses nito ngunit hindi ito naging rason para pukulan niya ng tingin. Narinig niyang humakbang ito papalapit sa kanya at naupo sa upuang malapit sa kanyang kanang bahagi.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now