CHAPTER 18

16 3 0
                                    

WIN ME BACK

Dalawang linggo na ang lumipas at nalalapit na ang aming competition ngunit hindi pa rin ako kinikibuan ni Zach. Tuwing nag-re-review kami ay sa malayo ito umuupo. Hindi siya tumatabi kanino man. Self-study lang palagi siya. Sinabi niya kay ma'am na mas effective sa kanya na mag-isa lang siyang nag-aaral kaysa group study kaya hinayaan na siya ni ma'am na mag-solo-solo. Lumalapit lang siya sa amin kapag mag-qui-quiz si ma'am. Tulad ng inaasahan, perfect palagi siya.

Gumawa ako ng di-sa oras na Facebook account para lang ma-message siya. Matagal na kasi akong 'di gumagamit ng kahit na anong social media account. When I left my home town, I delete all my social accounts that could possibly make communication with me. I shutdown my world to my past.

Nakailang compose ng message para kay Zach ngunit palagi na lang nauuwi sa pag-de-delete. Actually, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Kahit ata sa chat nahihiya pa rin ako eh.

Sa huli'y tanging, 'Zach, I'm sorry. Balik ka na please. . .' ang na-send ko. Pinagkatitigan ko ang na-send kong chat pagkatapos ay pumunta ako sa profile niya. Ang dp niya ay stolen shot sa labas ng isang café. Nakatingin siya sa malayo at may suot na round glasses. Dahil sa pag-side view niyang iyon, nahalata ang pagkatangos ng ilong niya.

Nang mag-scroll ako, lubos na lang ang panlulumo ko ng makita na naka-lock ang profile. Tanging friends niya lang sa fb ang maaring makakita ng laman ng fb wall niya. Ayaw ko namang mag-send ng friend request. Tama na ang paglunok ko ng pride at nag-first move sa kanya. Mag-so-sorry na nga ako.

Muli kong binalikan ang message ko kay Zach. Hindi niya pa ito ina-accept. Hindi ko kasi siya friend sa FB kaya panigurado sa message request mapupunta ang message ko. Baka mamaya nga niyan sa spam message pa. Saklap naman.

Akma na akong mag-lo-log out nang mapagtanto kong parang may mali sa na-send ko. Natigilan ako at inisip kong alin doon ang mali. 'Zach, I'm sorry. Balik ka na please. . .' Tama naman ang grammar ko. Ano bang mali dito? Pakiramdam ko kasi may mali–

Biglang nanlaki ang aking mga mata at napabalikwas ako ng ma-realize na mali 'yong na-type ko. Nagkaroon ng typo. Imbes na usap tayo please na suggested words sa clipboard ay balik ka na please ang napindot. Agad-agad akong bumalik sa message ko at pinindot ang convo namin ni Zach na hindi mo namang matatawag na convo dahil ako lang ang nag-message. There's no interaction yet.

Ngunit laking panlulumo ko na lang ng makita na in-accept na ito ni Zach at na-seen na ito. Ni-remove message ko na lang kahit useless na at agad-agad na nag-log out. Hindi ako nakontento, de-ni-activate ko pa ang bago kong gawa na account.

Napapikit ako at pinag-uumpog ko ang aking ulo sa unan. Frustrated din akong nagpagulong-gulong sa aking maliit na kama kaya't lumagapak ako sa sahig. Nakakahiya! Gusto ko ng bumuka ang lupa at kainin ako ng buo.

Balik ka na please. . . The heck! Ano na lang ang iisipin n'on? Ano na lang ang mukhang maihaharap ko?

Teka? Hindi niya naman ata ako makikilala. Name Less ang ginamit kong username sa Facebook. Ayaw ko kasing gamitin ang pangalan ko baka kasi mahanap ako ng mga taong iniiwasan kung makasalubong ulit.

Napahinga ako ng maluwag ng ma-realize na hindi naman agad-agad ma-a-identify na ako 'yon eh. Puwede niya namang isipin na isa ako sa mga nagpapantasya sa kanya at mi-ne-ssage siya ng ganoon. Nasusuka tuloy ako sa iniisip ko. Admire, amp.  Panigurado si-neen lang ako n'on. Buti naman.


"IT is a propaganda technique of convincing the subjects of propaganda to join the majority of people who have accepted the viewpoint or products proposed by the propagandist?"

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now