CHAPTER 30

12 2 0
                                    

OUR SKY TURN TO GREY


"Hindi ka na talaga nakuntento, ano?" Napakunot ang aking noo at naguguluhan tinignan ang babaeng sopistikada at mataray na naupo sa katapat kong upuan.

Inaya ako nito sa isang 5 star hotel matapos pumunta sa pinagtatrabahuhan ko. Gusto niya daw akong makausap. Naging palaisipan sa akin ang pag-uusapan namin at kung bakit ganito ang bungad niya sa akin.

I gulped.

She was different from what I first saw her. Unang kita ko sa kanya para siyang isang butihing ina at napakabait na may bahay. Subalit ngayon, para siyang napakabangis na tigre at handang manlapa kapag may kumuha sa pag-aari niya.

"H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo?" kinakabahan kong usal sa ginang.

Her fierce eyes met mine. Biglang sumikdo ang aking dibdib at unti-unting pinagpawisan ang aking mga kamay.

"M-mrs. Clifford, wala po akong maintindihan sa sinasabi ninyo."

"I don't like you anyone for sons," diretsahang saad nito niya siyang nagpagulo sa akin. Sons? E, si Mark lang naman ang alam kong kaisa-isahan niyang anak na lalaki.

"Po?"

"Pinakisamahan lang kita noong una tayong magkita dahil nandoon ang anak kong si Mark, pero unang tingin ko pa lang sa 'yo, hindi na kita gusto." Nanghahamak itong tumingin sa akin mula ulo hanggang paa kahit na nakaupo ako.  "Hindi ka na nakuntento, matapos mong patusin ang bunso kong anak na si Mark, sinunod mo naman si panganay kong lalaki na si Zach." Nanlaki ang aking mata kasabay ng paglalag ng aking panga. The revelation made me dumbfounded.

"Layuan mo ang mga anak ko kung ayaw mong sirain ko ang buhay mo. Can't you see? Simula ng dumating ka sa buhay nila, nagkadalitse-litse na ang buhay nila. Mark was a Dean Lister, pero tignan mo ang nangyari ng makilala ka niya, nasira ang buhay. He didn't even passed the battery exam. And now my Zachary? Hindi niya magawang makaalis dahil iniisip ka niya. He don't want to leave you. How hypocrite is that! Bukod pa roon,  magkakaayos na sana ang relasyon nilang dalawa pero ng umeksena ka malabo ng mangyari iyon. They despise each other! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko bilang isang ina? My two sons fight over a girl? Pathetic!" mahabang lintaya ni Mrs. Clifford. Napatingin na sa amin ang ilang customer at nagsimulang magbulung-bulungan.

My eyes started to sting. I don't know what to say. I just stared at my sweaty hands and scratch my nails against each other.

Umayos ng postura ang ginang at matapang na tumingin sa akin. "Kaya ko ulit kayong paglayuing dalawa ni Zach kung gugustuhin ko. Nagawa ko na nga kayong paglayuin ni Mark e, ano pa ba kay Zach na sunod-sunuran sa akin? That will be a piece of cake!" tila aliw na aliw na usal ng ginang sa akin.

I blinked my eyes many times. Ngayon, walang duda, ina ito ng dalawang taong minsan ko ng ginusto at ang kasalukuyan kong gusto. Nakuha ni Zach at Mark ang walang emosyon at nakakatindig-balahibo nilang mga mata. Napakalalim at napakadilim.

"Pero bibigyan kita ng pagpipilian. Lalayuan mo ng kusa ang anak ko o ako ang maglalayo sa inyong dalawa?" nakangiti nitong saad na para bang nagbibigay lang ng option sa isang business meeting. "You choose." Ngumisi pa ito ng nakakaloko na nagpakilabot sa bago tumalima paalis.

Kung kailan maayos na ang lahat saka naman may darating na problema. Kung saan masaya na ang lahat, saka naman kakaway ang lungkot. Hindi pa puwedeng masaya na lang palagi? Hindi ba puwedeng nakangiti lang kami palagi? Bakit sa tuwing, may magandang nangyayari, may kasunod na hapdi?

Nakatulala ako ngayon sa lalaking may popular na bilog na salamin, matangos ang ilong at may nakakaakit na lalagukan na abala sa pagbabasa ng libro.

Huminga ako ng malalim at umangat ng tingin dahil hindi ko mapigilang tumulo ang aking luha. I even bitted my lips to suppress myself from crying out loud. Tumalikod ako at nagpunas ng ilang butil na tumulo sa aking pisngi.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now