CHAPTER 27

13 2 0
                                    

PEACE BE WITH YOU


Kumakaway na ang paparating naming hell week. Linggo ngayon at naisipan naming magsimba ni Zach. Akala ko noong una ay hindi ito papayag ng yayain ko siya. Ngunit nabigla ako ng tumango ito. Si Zach kasi ang tipo ng isang lalaki na hindi mahilig magsimba. Hindi siya kukhang relihiyoso. Mas mukha siyang istrekto at seryoso.

Nauuna akong maglakad sa kanya dahil baka maubusan kami ng upuan.

"Dali na, baka maubusan tayo ng upuan," pagpapadali ko kay Zach. Inililibot niya ang kanyang paningin na animo'y ngayon lang ito nakapunta sa isang simbahan. Napabuntong-hininga ako. Expected ko na. Guwapo nga't matalino pero mukhang hindi alam ang salitang simba.

Lumapit na ako dito at hinila. Nagsisimula mula na kasing dumami ang mga taong papasok. Ang iba pa ay napapalingon talaga kay Zach. I can't blame them. Agaw-pansin kasi ang tangkad niya at ang pormahan nito. Simpleng white v-neck t-shirt na iti-nuck-in sa beige nitong pantalon pagkatapos ay tinernuhan ng isang mapamatay na belt at branded na puting sapatos. Nakababa ang buhok nito at medyo may siwang sa malapit na gitnang bahagi. Suot niya rin ang nakakapagdagdag appeal na bilog na salamin. Kung tutuusin simple lang naman talaga ang suot at walang kakaiba. Ngunit ang nagsusuot ay talaga namang kakaiba talaga, kaya mapapalingon ka talaga.

Hinila ko siya hanggang sa pinakadulong upuan ng simbahan. Buti na lang at wala pang nakaupo. Umupo ako pagkatapos ay umupo rin siya sa tabi ko. Medyo mahaba pa ang espasyo ng upuan kaya mga tatlo pa ang maaaring umupo rito. Nag-sign of the cross ako at ganoon din ang ginawa ni Zach.

Tahimik kami pareho nang may grupo ng mga dalagita ang tila nagbubulong-bulungan sa aming likuran. Walang pakialam si Zach dito kaya ako na lang ang tumingin sa likuran. Doon nakita ko ang limang babae na nagtutulakan.

"Ikaw na sabi ang maunang umupo tapos susunod ako," rinig kong bulong ng isang babae at itinutulak ang isa nilang kasamahan. Mga pawang nasa kinse anyos ang mga ito. Napangiwi ako sa mga suot nila.

Tatlo sa kanila ay nakasuot ng fitted short skirt at kunting tuwad mo na lang ay makikita na ang kaluluwa. Tinernuhan pa ito ng crop top. Kita ang mga pusod na 'sing itim ng uling. Samantalang ang dalawa naman ay naka-highwaisted short na short at crop top din. Tapos putok pa sa liptint ang pisngi at mga labi nito na animo'y sinapak.

Magsisimba ba sila o maghahanap ng kostumer?

Nagtutulakan pa rin ang mga ito at itinuturo ang may espasyo pang upuan sa tabi ni Zach.

Padabog akong tumayo kaya napatingin sa akin si Zach.

"Mas gusto ko na pala roon sa unahan. Mas maririnig ko ang sermon ni father," walang emosyon kong saad habang nakatingin doon sa mga dalagita. Natigilan ang mga ito at napalunok.

"But. . ." Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Zach. Hinila ko na ang kamay niya at tinungo ang unahang upuan.

"Possessive si ate, amp*ta." Napairap na lang ako dahil sa narinig ko. Ngunit huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili.

Crisha, narito ka para mabawasan ang kasalanan, hindi para dagdagan.

Matiwasay na kaming nakaupo sa ikatlong upuan hanggang sa magsimula ang mesa.

May dalawang matandang babae kaming katabi ni Zach. Hindi ko rin naman ito alintana dahil katabi ko ito. Nasa may dulo si Zach sunod ako tapos 'yong dalawang matanda.

Nang-mag-our father na ay itinaas ko ang aking kamay at ipinatihaya sa hangin. Ginaya rin ni Zach ang aking ginawa. Hinawakan ng matandang babae ang kaliwang kamay ko kaya napangiti ako dito at tumungo. Noong una'y akala ko mas gusto ni Zach nang hindi hinahawakan habang nag-a-ama namin ngunit nanlaki ang mga mata ko nang kunin niya ang kamay ko at hinawakan.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now