Chapter 2

1.9K 31 0
                                    

Chapter Two

J.S. Prom

 

 

"Anak ibinilin ko na kay Jeth na ihatid ka mamaya. Ikaw na ang bahala ha? Tumawag ka pag may kailangan ka. Ang cellphone mo fully charged na din yan nilagay ko na sa bag mo. Si Jeth parating na." Anang mama ni Ruth.

 "Mama naman para naman akong bata niyan. Don't worry kaya ko na po ang sarili ko. Hindi naman nap o kailangang ibilin niyo pa ako kay Jeth mama." Natatawa at naiinis na wika ng dalaga. Kahit kailan talaga masyado siyang binibeybi ng ina dahil sa nag-iisang anak lamang siya.

 "Princess huwag kang magreklamo sa pag-aalaga ni mama sayo dahil  siguradong mamimiss mo ako pag nasa manila ka na para mag-aral." Anito habang abala parin sa pag aayos ng buhok ng anak.

 "Opo mama, mamimiss ko naman talaga kayo. Hindi po ako nagrereklamo natutuwa nga po ako." Ani Ruth. Natuwa naman ang ina sa kanyang sagot.

Nakasuot si Ruth ng long red gown na hapit sa kanyang magandang katawan. Nakalabas ang makinis na likod at magagandang braso. Nakatali ang mga buhok , simple ang make up. Suot niya ang itim na sapatos na binili pa ng kanyang ina at bag na binigay ng kanyang tiya.

Isang simple at masayang pamilya ang mayroon sina Ruth. Ang pangarap din niyang magkaroon sa takdang panahon, Masaya at simple kasama ni Jeth.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang kanyang escort. Napakagwapo nito sa kanyang suot na white long sleeve shirt , black pants at black shoes. Simple ang get up pero hindi maitatago ang kakisigan ng binata, maganda ang katawan dahil alaga sa ehersisyo , gwapo ang mukha niya at higit sa lahat matangkad.

 "Wow ang gwapo naman ng boyfriend ko.!" Puring totoo ni Ruth sa nobyo.

Hindi naman makapagsalita si Jeth ng Makita ang magandang si Ruth. Nakatitig lamang ito at nakangiti.

 "Hey hijo ang bibig mo isara mo papasukan ng bangaw yan." Biro ng ama ni Ruth sa binata. Natawa naman ang mag-ina dahil tinapik pa nito sa balikat si Jeth.

 "Ay sorry ho, masyado pong maganda ang anak ninyo eh." Kamot ulong wika naman ni Jeth.

 "Siempre nasa lahi namin yan..Masanay ka na. Ingatan mo ang prinsesa namin ha?" Sabad ng ina ni Ruth.

 "I will tita."ginagap ni Jet hang kamay ng dalaga. Sabay silang nagpaalam sa magulang ng dalaga at nakangiting kumaway ang mga ito sa kanila.

 "Bagay silang dalawa ano Hon?" anang babae.

 "OO, nakita natin kung ano sila noon at ngayon. Masaya ang anak natin kay Jeth kaya hindi natin hahadlangan yun." Nagyakap silang dalawa, parehong Masaya sa relasyon ng magnobyo.

Tahimik na nakasakay ng kotse sina Jeth at Ruth.

"Sir tama po kayo sobrang ganda naman ni Ma'am Ruth." Saad ng driver ng dalawa ilang minuto ang lumipas ng makasakay sila ng sasakyan.

Bumaling ang binata sa nobya at ngumingiti lamang.

"Salamat ho kuya. Hindi naman po yata nagagandahan si Jeth sa akin eh. Walang sinasabi." Biro ni Ruth.

 "Nagagandahan po yan ma'am kaya nga ho speechless." Tumawa pa ang driver nito.

 "Ikaw kuya ha binubuking niyo ako." Ani Jeth. "Gandang ganda nga ako sayo baby, kung pwede lang takpan kita para wag ng Makita ng iba." Anang binata.

 "Hahaha ang OA naman nun babe. Ikaw nga eh tatakpan ko din mamaya. Masyado kang gwapo madami na namang maiinggit na girls sa akin." Birong totoo naman ng dalaga.

Complete: Behind the White Mask by Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon