Chapter 1

4.8K 52 0
                                    

Chapter one

Just you and me

 

 

"I promise to love you 'til the end of forever Jeth." Masuyong saad ni Ruth sa kasintahan.

Sa ilalim ng puno ng mangga sa gitna ng patag na lupain nakahiga ang magkasintahan. Sa berdeng damuhan. Nakaunan si Ruth sa braso ni Jeth ng hapon na iyon.

 "I promise to love you too Ruth. Kahit sa kabilang buhay pa, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito." Humarap ang dalaga sa binata. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanilang mga labi. Pareho nilang hinarap ang isa't isa.

 "You have the most beautiful face in this world, the sweetest smile I've ever seen. Ruth, sana hindi mo ako iiwan." Pahayag ni Jeth habang 'di maialis ang mga mata sa mukha ng nobya. Hinaplos ni Jeth ang mukha ng dalaga.

 "Thanks babe. I love you so much and I can't imagine life without you." Sa sinabi ng dalaga ay nagalak ng husto si Jeth. "You are my yesterday, today and tomorrow. God knows how much I love you babe." Dugtong pa ng dalaga.

 "And God knows how much I want you, how much I need and I love you baby. Ikaw lang ang buhay ko Ruth." Sincere na wika ni Jeth.

They both smiled, unti unting inilapit ni Jeth ang mukha sa kasintahan. Marahang pumikit ang dalaga kasabay ng paglapat ng kanilang mga labi. Pinagsaluhan ang matamis na halik.

Dalawang taon ng magkasintahan ang dalawa. Mula ng sila ay Second year high school.

Matibay ang kanilang pagmamahalan, nangako sa isa't isa na sila ang magkakatuluyan hanggang sa huli.

Lumipas pa ang mga araw, nakapag-usap na ang dalawa na mag-aaral sa parehong unibersidad sa maynila, at kahit na kukuha ng magkaibang kurso ay magsasama paring mag-aral para sa kanilang kinabukasan.

 "Jeth nasabi mo na kay Ruth ?" Isang hapon, tanong ni Gio sa kaibigan.

 "Hindi pa pare, sigurado akong magagalit siya. Pero sa tingin mo dapat sabihin ko na agad sa kanya?" Tanong niya sa kaibigan.

 "Kailangan sabihin mo na kaysa sa iba pa niya malaman. Nandito naman kaming mga barkada niyo nakahandang tulungan kayo kung sakaling magkaproblema." Anito.

 "Thanks Gio, salamat talaga." Ani Jeth.

 "Maswerte ka talaga kay Ruth pare, noon ilang taon kong sinuyo siya pero hindi ko napaibig. Hindi naman sa nagrereklamo ako pare. Masaya naman ako na sa mabuting lalaki siya napunta. She is an extraordinary girl pre kaya sana ingatan mo ang puso niya." Hindi naman lingid sa kaalaman ni Jeth na mahal din ni Gio si Ruth. Mas unang nanligaw ang kaibigan niya kesa sa kanya.

Hindi man sinasadya ay talagang si Jet hang nakabingwit ng mailap na pag ibig ng dalaga.

 "Pare." Malungkot na segunda naman ni Arthur ng makarating sa mesa nilang magbabarkada sa canteen.

 "Oh bakit ganyan ang itsura mo?" Si Gio.

 "Kasi itong si Jeth naman kasi iiwan naman tayo." Ani Arthur. Agad namang hinatak ni Gio si Arthur paupo sa upuan.

 "Shhhh!! Huwag ka ngang maingay baka marinig ni Ruth." Banta ni Gio.

 "Ibig sabihin hindi pa niya alam? Aba lahat na ata alam pero ang nobya mo hindi mo pa nasasabihan? Dalawang buwan nalang matatapos na ang school year ibig sabihin graduate na tayo, ang ibig sabihin nun college na tayo!" Gulat na baling ni Arthur kay Jeth.

 "Oo, kumukuha pa ako ng tiempo. Nasaan na ba ang mga girls?" Tanong niya.

 "Nasa bath room pa naliligo sila katatapos lang ng P.E. class." Sabat ni Arthur na halatang kinakabahan na rin.

Complete: Behind the White Mask by Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon