Chapter 11

1K 13 0
                                    

Chapter  Eleven

Start of an Affair

"Hello Honey." Sagot ni Ruth sa telepono ng makitang tumatawag si Dave.

 "Honey, good morning. I missed you. How's the reunion?" Tanong ng asawa sa kabilang linya.

Pupungas pungas pa si Ruth. Alas Dyes na ng umaga. "Okay naman Masaya, ang iba mag uuwian na at ang iba naman magstay pa dito to enjoy the vacation sa resort." Sagot niya.

Hindi alam ni Dave ang tungkol sa kanila ni Jeth, hindi naman ito matanong sa kanyang nakaraan.

 "I'm going to Hong Kong for business trip kaya mag enjoy ka din sa vacation mo." Kaswal na turan ng asawa.

 "Mag-ingat ka doon ha? See you next week Hon."

 "I will, ikaw din. I will be busy in this coming days but I will try to call or text you parin. I love you. I gotta go now maaga pa ang meeting ko."  Nagmamadaling wika ni Dave.

 "Okay take care. Just call me if you've time." Okay lamang ang narinig ni Ruth ng agad na pinatay ni Dave ang kabilang linya.  'As always.' Wika sa isip ni Ruth, isang malalim na paghinga muna ang pinakawalan bago nagpasyang bumangon at tumungo sa banyo. Pinagmasdan ang sarili sa salamin. Kanyang hinawakan ang mga labi at dinama ito. Napapikit siya habang inaalala ang matamis na paghalik ng mga labi ni Jeth sa kanya. Napailing siya sa iniisip.

"Hindi maaari. Ruth wake up ,you're insane." Giit sa sarili. Ipinilig ang ulo saka naghilamos. Ayaw pa niyang maligo mukhang masarap magswimming. Nagbihis lamang at lumabas. Naroon pa sina Gio sa may dining area.

 "Hey Ruthy. Good morning." Bati ni Gio. Binalewala na lamang niya ang tawag ng lalaki. Ngumiti na lamang,

 "Good morning. Nasaan na ang iba?" tanong niya.

 "Ang iba umuwi na. Bale lima nalang tayo ang natira dito. Ikaw, si Janice, Ako, si Arthur at si Jeth." Ani Gio.

 "Oh I see. Mabuti nakaya pa nilang bumangon ng maaga karamihan lasing kagabi ah." Umupo siya sa tapat ni Gio kumuha ng tinapay na nakahain. At pasimpleng inilinga ang mata sa paligid hinahanap si Jeth.

 "Sinong hinahanap mo? Si Jeth ba?" Tanong ni Gio.

 "Ah..Hindi ah. Si Janice at Arthur." Binalik niya ang tingin sa kinakain. Nakita sa gilid ng kanyang mata ang pag ngiti naman ni Gio.

 "Naku, kung alam ko lang si Jeth talaga ang hinahanap mo." Anito. Kinabahan siya. Pano kung nakita nila na magkasama silang dalawa kagabi?

 "Anong ibig mong sabihin?" Mataray na tanong ni Ruth.

 "Namimiss mo siya. Yun lang yun." Giit ni Gio.

 "Hi , gising ka na. Mabuti naman tamang tama itong food luto na." Napasiklot si Ruth ng marinig mula sa lukuran niya si Jeth. Matamis na nakangiti sa kanya at kakaiba ang kislap ng mga mata. Kasunod nito ang isang babae na may dala ng kanilang mga pagkain.

 "Wow, mukhang masarap ah." Tumayo si Gio at lumapit sa pagkain.

 "Oo naman, ako pa nagluto niyan para sa inyo." Pagyayabang ni Jeth.

 "Hmm.. Lets see kung masarap nga at kung papasa sa panlasa ko." Sagot naman ni Ruth.

 "Hey, Janice, Arthur kakain na mamaya na kayo magligawan diyan." Sigaw ni Gio sa dalawa na patungo na rin naman sa kinaroroonan nila.

Complete: Behind the White Mask by Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon