Chapter Fifteen
Move Forward
Dumaan ang marami pang mga araw, bumalik na sa pagtatrabaho si Ruth. Madalas paring mag usap sina Jeth at Ruth sa telepono. Naging normal ang pagsasama ng mag asawa. Tulad ng dati.
"Hi." Bati ni Jeth sa kabilang linya.
"You missed me agad?" Nakangiting tanong nito.
"Always missing you baby." Sagot ni Jeth, for all the days na nagkakausap sila hindi pumapalya si Jeth sa pagpapangiti at pagpapakilig sa kanya. Ang tipong teenager lang kung kiligin?
"Puro ka pacute. Miss din naman kita . "
"I love you."
"I love you too Jeth. "
"Ruth ano ba tayo?" seryosong tanong ng binata. Naguguluhan si Ruth sa tanong nito. Oo nga ano nga ba sila? Ayaw niyang tawaging kabit niya si Jeth. Pero ano nga ba sila?
"Hindi ko alam, basta ang alam ko mahal kita. Magkaibigan tayo. Oo yun nga." Naguguluhang tugon niya.
"Yeah magkaibigan lang tayo. Pero paano kung malaman ni Dave?"
"Malamang magkaibigan tayo? Wala siyang ibang malalaman dahil wala tayong ginagawang masama." Kaila nito.
"Ruth, mag iingat ka. Ayokong mapahamak ka. Lets make this formal and clear between us Ruth. Oo masakit pero kailangan klaro sa atin na magkaibigan lang tayo. Walang special relationship. No more no less." Si Jeth. Masakit pakinggan ang sinabi ng binata ngunit iyun ang tama at iyun ang dapat.
"Yes clear. Basta mahalaga okay tayo. No strings attached just plain friends. Ang nangyari sa atin hanggang dun nalang iyun. I am happy ." Malungkot nitong saad. Nag-usap ang dalawa sa mga bagay na dapat at di dapat. Hindi nila dapat ipush ang sarili sa isa't isa dahil mahihirapan lamang sila sa huli. Sapat ng mahalin ang isa't isa, ang alagaan ang magandang alaala. Ang magpatuloy sa buhay na meron sila.
ONE YEAR LATER
"CRISCAN INNOVATIVE DESIGNS . - C.I.D. "
"Sir, nagkakaproblema po tayo sa suppliers. Baka hindi natin ma-meet ang productions ng bags and shoes para sa Singrapore client." Bungad ng sekretarya kay Dave.
"Akala ko ba naayos na yan ni Barbie? Contact the other suppliers." Utos ni Dave.
"But Sir lahat karamihan nag back out na. We don't know the reason behind the issue sa pag back out ng ibang suppliers. Siguro dapat si Miss Barbie ang kausapin niyo about dito." Saad ng Sekretarya niya.
"Okay I'll call her." Agad na idinial ang numero ni Barbie.
"Barbie akala ko ba ayos na ang suppliers ng materials natin? Bakit hindi pa naayos ito?" Pagalit na turan ni Dave sa babae mula sa kabilang linya.
"Dave inaayos ko na, actually nandito ako Davao to meet Mr. Dela Vega ang magiging bago nating supplier he is direct from London magaganda ang quality ng leather nila compare sa kinukuhaan natin sa U.S. And the good news is magbibigay sila ng proposal." Natutuwang wika ni Barbie. Parang nabuhayan naman ng loob si Dave.
"Proposal? Hindi ba dapat tayo ang magbibigay ng proposal sa kanila?" Takang tanong nito.
"Gusto nilang magkaroon ng branch sa Maynila at tayo ang napili nilang partner.What do you think?" Si Barbie.
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015