Chapter Eight
Eye to eye encounter
AFTER 4 YEARS
Reunion na ng magbabarkada. This time ang nag organize nito ay si Jeth. Si Ruth ay nagpasyang dumalo. Apat na taon na din ang lumipas. Matagal na at wala siyang naging balita kay Jeth. Hindi niya alam kung nag-asawa na ba ito. Ang dating narinig niya ay may nobya ito. She didn't bother to ask Janice the details. Ang mahalaga okay sila at magiging okay sila.
Nasa eroplano na sila ni Janice patungong Davao kinakabahan siya sa maaring mangyari, kinakabahan na makumpirmang mahal parin niya ang lalaki matapos ang apat taon. Hindi na maaari iyon. Tahimik na ang buhay niya. Hindi man siya ganun kasaya, kuntento naman siya sa buhay niya ngayon.
"We're Here Ruth." Anunsyo ni Janice saka na lamang bumalik sa kasalukuyan si Ruth.
"Are you sure Janice na dito ang place ng reunion natin?" Biglang tanong ni Ruth. Kinakabahan siya lalo makikita niya si Jeth.
"Yes, dito nakaaddress ang invitations hindi ba? Oh well it's nice in here ha! Mukhang maganda ang naging buhay ni Jeth after high school at mukhang nakapag move on na yung tao, hihihihi. Sayang lang no hindi kayo nagkatuluyan." Walang prenong saad ni Janice. Lalong kinabahan si Ruth sa sinabi nito.
"Past is past Jan. Saka isa pa wala na sa amin iyon. Isa pa baka nag asawa na yun" Wala na nga ba?-Sabad ng isip ni Ruth.
"Okay sige pumasok na tayo mukhang madami ng tao sa loob." Ani Janice.
Ruth is wearing a simple above the knee velvet red dress. Namangha siya sa ambiance ng resort. Malamlam sa mata ang kabuuan dahil puro kulay puti ang pintura . Ang mga kasangkapan na puro asul naman ang kulay. May sumalubong namang crew ng hotel upang dalhin ang kanilang mga gamit sa kanilang room.
Pagpasok mula sa gate makikita ang kulay berdeng mga halaman at damo. Mayroong naglalakihang vase na mukhang sa ibang bansa pa nanggaling. Hotel pala ang naroon, maganda at modern ang mga disenyo. Nagsasalita si Janice pero ni isa sa mga sinasabi nito ay hindi narinig ni Ruth , nakaramdam ng pagtapik si Ruth sa kanyang kamay.
"Ah...Bakit?" Gulat na tanong nito.
"Wala ka na naman sa sarili kanina ka pa. May problema ba? Kanina pa ako nagdadaldal wala kang sinasabi." Ani Janice habang nakalabi pa na kunway nagtatampo.
"I am sorry madami lang iniisip." Aniya. "Saka huwag ka ngang ganyan hindi bagay di ka na baby..Damulag ka na." Dagdag pang asar sa kaibigan. Magsasalita pa sana si Janice ng may grupo na lumapit sa kanila.. Halos mapatalon naman sa tuwa si Janice ng makilala ang mga ito.
"Oh my God... Kayo na ba yan Arthur, Selena at Jovi? Ang gaganda at gwapo niyo parin." Halos mabulabog ang buong lobby sa tili ni Janice. Natawa na rin si Ruth. Nagkakwentuhan ang magbabarkada at nakipaghalubilo sila . reunion lamang ito ng grupo nila. Humigit kumulang 20 na katao na ang naroon .
"Mukhang kumpleto na tayo guys pero ang nag-imbita wala pa." Ani Art. Ang pinakamakulit sa grupo nila noong high school.
"Oo nga bakit wala pa dito ang gwapong yun? Nabalitaan niyo ba ikakasal na dapat si Jeth 2 months ago pero di ko alam ano ang dahilan bakit hindi natuloy." Sabad naman ni Gio.
"Oo nga kawawa naman si Jeth laging broken hearted." Ani Jovi.
Di malaman ni Ruth kung ano ang dapat maramdaman ng oras na iyon. Binundol ng matinding kaba ang puso niya sa pagkakataong iyon. Patay malisya na lamang ang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015