Chapter 21

926 14 0
                                    

Chapter  Twenty One

Tasting the Bitterness of LOVE

Ang marinig mula sa lalaking mahal na kasinungalingan lamang ang lahat? Parang sasabog ang puso ni Ruth. Hindi niya maisip na magagawa ni Jeth ito sa kanya.  Pagkatapos ng lahat ng sakit at pahirap sa damdamin nya malalaman niyang laro lang ang lahat at paghihiganti. Ano nga ba ang aasahan niya consequence  sa lahat ng nagawa niyang mali? Ang maling nagawa ay magbubunga din ng hindi maganda. Hilam ang mga luha..Masakit man ang loob ay pilit nagpakatatag.

"Sinungaling ka Jeth. Ang sama mo!" Sigaw ni Ruth . pinagsusuntok man niya si Jeth, pinipigil niya ang kamay ng babae. Unti unting huminahon si Ruth. Napapailing siya.

"Siya nga ba ang lalaking minahal ko?" Sa isip niya. Lumayo siya kay Jeth, hindi makapaniwala. Kagat niya ang ibabang labi naghihintay na bawiin nito ang sasabihin.

 "Masama? Oo masama ako Ruth ng dahil sayo. Naghihirapan ka at nasasaktan pero kagagawan mo yan."  Sasampalin niya sana si Jeth ngunit piligil niya ang sarili. Tumango tango siya.

"Oo nga naman, wala akong karapatang magreklamo at masaktan dahil lahat ng to kagagawan ko. Dito ka Masaya ang sirain ang buhay ko diba?" huminga siya ng malalim at ngumiti. Pumalakpak.

"Congratulations Jeth, you won."Mabilis na tumalima si Ruth at mabilis na lumabas ng shop. Mabilis ang pangyayari ng may rumaragasang sasakyan ang papalapit at sadya yatang sasagasaan siya. Napasigaw si Ruth.

 "AAAAAAHHHHHHHHHHHHHH..............."

Napabalikwas ng bangon si Ruth .. Isang masamang panaginip. Ngunit sariwang sariwa ang mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata.

"Panaginip lamang ba? Paano kung totoo?" Tanong niya sa sarili. Napaigtad siya ng malakas na kalabog ang narinig. Nilingon niya ang pintuan si Dave susuray suray at lasing na lasing.

"Dave." Agad na bumangon si Ruth. Agad na tumalima at inalalayan si Dave. Mabigat ito kaya parang matutumba siya.

 "Ang....ang magaling kong ashawa..! ahahaha..  Ang ashawa ko..!" Turan nito.

 "Bitiwan mo ako.." Reklamo niya.

 "Ano ka ba Dave.. Bakit ka pa naglasing kasi." Aniya habang inihiga si Dave sa kama.

Hindi kumibo si Dave, halata sa mukha nito na umiyak siya. Nais mahabag ni Ruth sa asawa. Hinubad niya ang damit nito ngunit hinila siya ni Dave papalapit sa katawan niya. Marahas siyang hinawakan at hinalikan.

 "Dave ano ba nasasaktan ako..! Dave." Sigaw niya.

 "Hmmm..Bakit ayaw mo na ng halik ko gusto mo si Jeth lang ha?" Saad ni Dave sa pagitan ng marahas niyang paghalik sa asawa.

 "Dave ano ba lasing ka lang.. Nasasaktan ako." Wika ni Ruth. Isang malakas pang paghatak sa kanya upang ihiga sa kama. Kahit na lasing ang asawa niya ay malakas parin ito. Pumaibabaw si dave kay Ruth. Bawat galaw ni Dave ay katumbas na bigat at sakit naman natatamo ng babae.

 "Dave. Please nasasaktan ako. Maawa ka." Nagmamakaawa si Ruth. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisnge niya, bakas sa mata ni Dave ang matinding galit.

"Maawa? Ikaw naawa ka ba o naisip mong maawa sa akin bago mo ako paglaruan?" Tanong nito habang ana dalawang kamay ni Ruth ay gapos niya.

 "Tapos na ang sa amin ni Jeth, Dave please. Look at me lasing ka lang , look at me!" Sigaw niya...Tumitig si Dave sa kanyang mga mata. "Dave, mahal mo ako diba don't hurt me." Pagsusumamo pa ng babae.

Complete: Behind the White Mask by Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon