Chapter 22

958 12 0
                                    

Chapter Twenty two

LIFE OR DEATH

Halos himatayin ang ina ni Ruth ng makarating sa ospital. Galit na galit ang lahat kay Dave, inabot siya ng suntok ng ama ng asawa at nasigundahan pa ng panununtok ni Jeth dito. Inawat na lamang sila ng mga tao sa paligid sa ospital. Umiiyak halos sila sa sinapit ng babae.

Pansamantalang idiniteni si Dave sa presinto sa salang pambubugbog sa kanyang asawa. Nakapagreport na din si Jeth sa mga pulis ukol sa plate number ng sasakyang nakita niyang sadyang binangga si Ruth. Halos isang oras ng nasa loob ng operating room si Ruth. Hinihintay nila na lumabas ang doctor at malaman ang lagay ng babae. Matapos pa ang ilang minuto ay lumabas din ang doctor.

"Sino po ang kamag anak ng pasyente?" Tanong ng doctor.

"Ako po. Ako ang ina niya. Kamusta na po ang anak ko?" Umiiyak na wika ng ginang.

"Tatapatin ko na po kayo. Malubha ang lagay niya, she is in coma. May maliit na basag ang kanyang ulo dahil sa pagkabagok, dadaan muna sa CT scan upang malaman kung may brain damage,  nagkaroon din ng fracture ang balikat dahil sa pagkabangga.  Madami ang pasa niya sa katawan maliban sa mga sugat na natamo niya. " Malungkot na pahayag ng doctor.

Hindi napigilan ni Jeth na masuntok ang pader dahil sa nararamdamang galit sa puso niya.

"Diyos ko, ang kawawa kong anak.!" Bulalas lamang ng ama..

"Kailan po siya magigising?" Umiiyak ding tanong ni Janice.

"Honestly hindi po sigurado kung kailan siya magigising. Hintayin nalang natin ang result ng CT scan. Maiwan ko na po muna kayo. Hintayin nalang ang iba pang updates." Saad ng doctor. Pinayagan silang pumasok ng ICU ng ilipat si Ruth. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya. Umuwi muna si Janice upang makakuha ng damit ni Ruth. Nagpahinga lamang ang mag asawa at si Jeth ang naiwan sa ospital para magbantay ng gabing iyon.

Saglit lamang na pumunta ng nurse station si Jeth.

Agad na pinuntahan ni Dave ang hide out ni Barbie. Galit na galit niya itong sinugod. Kabadong umiinom ng alak si Barbie ng oras na iyon.

"Bakit mo siya sinagasaan ha? Ang usapan natin sundan mo lang kung saan pupunta hindi mo sasaktan." Galit na giit ni Dave. Humithit muna ng sigarilyo si Barbie.

 "Come on Dave huwag kang magalit sa akin. Mabuti nga tinulungan ka ng abugado mo na makalabas pansamantala. Kung hindi ko binundol yun sa tingin mo ba makakalabas ka sa kulungan? Sa ginawa mong pambubugbog sa asawa mo? Hahahaha." Tumatawang saad ni Barbie.

Isang malakas na suntok sa lamesa ang kasunod ng sinabi niya. Galit na hinawi ni Dave ang mga bote ng alak kaya nahulog at nabasag ang mga iyon sa sahig.

"BARBIE mahal ko siya at hindi ko gugustuhing saktan siya." Sabi ni dave

"Hindi mo gusting saktan but you did it.! Ganun mo siya kamahal para magkaganyan ka? Palayain mo na ang asawa mo, sila ni Jeth ang dapat at ikaw ang sa akin. Baka nakakalimutan mo Dave ako at ako lang ang kakampi mo mula noon pa, ang hirap sayo masyado kang manhid, hindi mo ko nakikita noon pa. Si Ruth, may ginawa bang maganda sayo ngayon? Diba wala? Nakaganti ka na sa ginawa nya sayo, nabugbug mo na." Saad ni barbie habang pigil ang luha.

"Ang sakit makitang sobra kang nasasaktan ng dahil sa kanya pero ang mas masakit na kahit anong gawin ko para sayo hindi mo man lang kayang pasalamatan ako!" Sumbat pa niya.

Complete: Behind the White Mask by Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon