FINALE

2.7K 44 8
                                    

FINAL CHAPTER

FOREVER AFTER

AFTER 2 YEARS.

Kilala na ang bake shop nina Janice at Ruth. Nakilala sa mga kakaiba at masasarap na bread and pastries. Naging maayos ang buhay nila ng pamilya niya maging si Janice gumanda na din ang buhay dahil sa pagsisikap nilang magkaibigan.

Wala ng balita si Ruth tungkol kay Jeth. Paminsan minsan ay nagkakausap naman si Dave at Ruth nagkakamustahan.  Si Dave ay nagtayo ng sariling kumpanya sa states. Wala parin daw siyang love life dahil busy sa trabaho. Naging magkaibigan ang dating mag asawa.

"Magpayaman ka ng husto  Dave para pag nakita mo na ang babaeng para sayo bigyan mo na siya ng sapat na oras at huwag puro trabaho." Bilin ni Ruth.

"Yes honey. Natuto na ako, mahirap lang maghanap ng kagaya mo eh." Biro nito. Natawa na lamang si Ruth, honey parin ang tawag nito sa kanya hinayaan na lamang niya ito.

"Mabuti naman kung natuto ka na . Nga pala may opening ng bagong branch namin sa Davao sa susunod na linggo." Ika ni Ruth.

"Good for you for only 2 years magwawalo na ang branch ng bakeshop mo. Very successful ka na ha." Si Dave.

"Oo nga eh, masayang Masaya ako dahil kahit paano nagbubunga ang pagsisikap namin ni Janice." Ani Ruth.

"Kamusta kayo ni Jeth?" Tanong nito. Natigilan si Ruth sa tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Wala pa akong balita sa kanya. Hindi ko din alam kung makakadalo siya sa reunion next month." Ani Ruth.

"Bakit ba kasi hindi mo pa pinigilan noon ." Wika ni Dave.

" Dahil ayoko, nasaktan na nga kita masasaktan pa kita kung ginawa ko yun. May tamang panahon at oras ang lahat. Kung mahal parin niya ako hanggang ngayon siguro this time magwowork na." Kaswal na wika ni Ruth.

"Naku kailangang bilisan ni Jeth ha pag hindi pa kayo magkabalikan niyan sige ka kukunin kita ulit at pakakasalan." Nakatawang sabat ni Dave. Natawa naman si Ruth sa sinabi nito. Ang totoo nahihirapan at nasasaktan siya sa bawat araw na nagdaan dahil parang hindi na siya naaalala ni Jeth.

"Ruth nakapag move on na ako sa ating dalawa. Ang hiling ko naman maging Masaya ka. Yun lang at matatahimik ako, basta kung kailangan mo ako huwag kang mag atubiling lumapit sa akin."

"Salamat Dave. Maraming salamat sa lahat lahat." Sincere na saad ng dalaga.

Mahalaga parin siya kay Dave maging para sa kanya mahalaga din ito.

Nagpaalam na din si Janice sa kay Ruth na magpapakasal sila ng matagal na nitong kasintahan Masaya siya para dito. Dumating ang araw ng reunion at gaganapin sa Davao sa eskwelahan na kanilang pinanggalingan. Nakatulog si Ruth sa byahe mula sa airport hanggang makarating sa hotel na kanilang tutuluyan ni Janice.

"Girl gising na." Saad ni janice.

"Nandito na pala tayo. Nakatulog ako dapat kanina mo pa ako ginising." Reklamo niya.

"Hay naku Ruth kung alam ko lang lagi kang puyat no, puyat sa gabi kaiisip sa reunion slash kay Jeth." Nakatawang wika ni janice.

"Ewan ko sayo. Mahirap umasa naman kasi. Baka wala siya." Ani Ruth.

"Hay naku kung kayo, kayo. Sa dami ng pinagdaanan nyo I am sure kayo talaga." Binaba nila ang mga gamit.

Ang  staff hotel  ang nagbitbit ng kanilang mga gamit. Nasa harap na sila ng kanilang hotel room ng matigilan si Ruth.

Complete: Behind the White Mask by Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon