Chapter Three
Hello to his Goodbye
Natapos ang gabi ng Masaya ang lahat lalo na ang magkasintahan. Lahat bumabati sa kanilang dalawa, kinilig lahat ng nakasaksi sa ginawa ni Jeth. Kahit ang mga member ng kanilang grupo ay kinilig at natuwa din sa dalawa. Isang makahulugang pagtapik ang iniwan ng mga boys sa balikat ni Jeth.
"Salamat mga pare." Wika ni Jeth.
"Ihahatid na kita baby." Ani Jeth hawak ang kamay ng kasintahan.
"Okay lets go babe." Sagot naman ni Ruth.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawa papunta sa tahanan nina Ruth.
"Baby bukas pwede ba tayong magkita sa tambayan nating dalawa?" Tanong ni Jeth kay Ruth. Tinutukoy nito ang park kung saan sila madalas tumatambay.
"Sure. Thanks for everything Jeth. I am so happy di ko inexpect na may gagawin kang kasweetan kanina. Kaya naman pala parang may kakaiba at talagang kasabwat mo sila." Nangingiting wika ng dalaga. Inihinto ni Jeth ang sasakyan sa gilid ng daan.
"Don't thank me baby, ako ang dapat magpasalamat sayo. Mas malinaw ang daan na tinatahak ko para sa kinabuksan natin ng dahil sayo. Mas malinaw sa akin kung ano ang gusto ko dahil nandiyan ka. At lalong mas malinaw sa akin na ikaw at ako LANG ang dapat magsama. Wala ng iba pa. I love you with all my heart. I will love you until the end of time." Madamdaming turan ni Jeth. Naluha na naman si Ruth sa tinuran ng kasintahan.
Pinunasan ni Jet hang mga luha niya. "Don't cry, alam na alam mong ayaw na ayaw kong umiiyak ka." Ani Jeth.
"Masaya lang ako. Sobrang saya. I love you more babe Niyakap niya ang nobyo. Nakangiti kahit na hilam ng luha ang mga mata.
Kinabukasan ng tanghali ..
RUTH's POV
Alas onse ng tanghali ng dumating na ako ... Medyo naiinip na nga lang dahil mahigit isang oras na ay hindi pa dumadating si Jeth.
Nasaan na kaya siya? Kanina ko pa tinatawagan hindi naman sinasagot ang cellphone niya. Nag aalala na ako. Kaya I dialed his mom's number.
"Hello po tita?" Bungad ko ng sumagot ang mama niya.
"Oh Ruth napatawag ka?" Tanong nito.
"May usapan po kasi kami ni Jeth na magkikita sa park ngayong tanghali kaso isang oras na mahigit hindi pa dumadating." Nag-aalala kong saad.
"Ay magkikita ba kayo? Naku namang bata yun, naiwan niya dito sa kwarto niya ang phone niya kapapasok ko lang para maglinis dito. Baka may dinaanan lang Hija." Anito. Di ko maiwasang 'di mag-alala.
"Sige po tatawagan ko nalang si Gio baka magkasama sila." Matamlay kong sagot. Nagpaalam muna ako kay tita.
I am about to dialed Gio's number ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Nagulat ako pero alam kong si Jeth iyon. Amoy ko ang pabangong gamit niya.
"I am so sorry I am late. Naipit kasi ako sa traffic.!" Paliwanag niya. Agad akong pumihit paharap sa kanya. He is holding a Pink teddy bear maybe three feet tall.
"For you." Nakangiti man ang kanyang labi nakikita ko sa kanyang mata ang pagiging sorry sa pagiging late niya. I wear a smile, I'm worried kanina pero I am happy to see him now. Hindi ko na maramdaman ang pagod na paghihintay sa kanya.
"Nagworry ako sayo baby!" Pagkuwan ay niyakap ko siyang ulit. "Thanks for the gift. Ano ba ang meron?" Takang tanong ko. Yes, mahilig naman siyang magbigay ng presents pero this time may nararamdaman akong kakaiba.
Nabura ang ngiti niya . Hinawakan niya ang aking kamay matapos ilapag sa mesa ang dalang teady bear.
"I have something to tell you Baby." I know him so well. Nababasa ko sa mata niya, and I don't like the feeling. I know there's something wrong.
"Sit down." Mahinahong saad niya. I followed him, matapos kong umupo ay umupo na din siya sa aking harap. Ang isang tuhod ay nakaluhod sa damuhan. Hawak ang aking dalawang kamay. Ang aming mga mata ay nagtama, kasabay ng pagkabog ng aking puso ay ang pagkawala niya ng buntong hininga. Maganda ang panahon, katamtaman lamang ang init dahil medyo maulap pero hindi naman mukhang uulan. Wala masyadong tao sa lugar.
"Ruth, my baby.. Malapit na ang graduation natin. " simula niya. Isang buntong hininga pa ang narinig kong pinakawalan niya.
"Just direct to the point Jeth. 'Wag mo ng patagalin dahil nahihirapan ako at kinakabahan." Wika ko. I am trying to control my emotions dahil hindi ko alam ang pupuntahan ng usapan.
"Okay, sasabihin ko na ng straight. Mom wants me to go with dad sa London. Para doon mag aral." Parang pinunit ang puso ko sa narinig. Parang may bombang sumabog na siyang nagpabingi sa aking pandinig.
Nakatitig lamang sa kanya habang inaasborb ang salitang binitiwan niya. Aalis siya. Sa London. Mag-aaral.
Hindi ako umimik. Dahan dahan kong ikinuyom ang aking kamay na nakakulong sa kanyang mga palad. Nilamukos ang panyong hawak.
"I am so sorry, alam kong nagpromise na tayo na sabay mag aaral sa maynila. Pero mapilit sina mommy eh. That's why I decided na gawin ang ginawa ko kagabi. This ring." Tumingin siya sa aking kamay kung saan nakasuot ang gold ring na ibinigay niya. "This promise ring... Paninindigan ko yan, paninindigan kita sana panghawakan mo ang pangako ko, gaya ko panghahawakan ko . At ang pagseal mo sa pangakong ito ng isuot mo ang singsing." Bakas sa boses niyang nais na niyang maiyak. But still, I hold my tears, trying not to let the tears fell.
"I love you Ruth. Huwag ka sanang magalit sa akin. Babalik naman ako pagkatapos mag aral. Just give me four years, babalikan kita. Susubukan kong magbakasyon kung hindi mahirap ang magiging schedule ng klase ko. Pangako." He stood up and I saw his face clearly, umiiyak na siya. I was stunned. I feel so numb. Hindi ko maintindihan pero parang wala akong maramdaman sa aking katawan. Ang puso ko lamang ang nakakaramdam. Ang sakit. Kabaliktaran ng nararamdaman ko kagabing kaligayahan. Nabura lamang ng dahil sa isang katotohanan. Katotohanang iiwan niya ako, lalayo siya. Pero sino ba ako para pigilan siya at harangan ang kinabukasang naghihintay sa kanya.
"Speak up Baby please." Narinig kong saad niya, sa higpit ng kanyang yakap doon ko na naramdaman ang pag alpas ng mga luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigil ang paghikbi . Ang bigat sa pakiramdam. Mahigit dalawang taon ko siyang kasama, karamay sa saya at lungkot, pero ito na ang katotohanang di ko pwedeng baguhin pa.
"Promise maghihintay ako, pero ipangako mo sa akin na babalik ka in 2 years kahit saglit na bakasyon. Thinking na isang linggo nga lang kitang di Makita halos mamatay na ako. Dalawang taon pa?" Sa gitna ng aking paghikbi ay nakuha ko pang ngumiti ng maghiwalay kami ng yakap.
"I Promise baby. Babalik ako, kahit ako nahihirapan na lalayo sayo. Pero para sa kinabukasan natin kailangan kong mag aral doon." Aniya.
"Mahal na mahal kita Jeth. Kahit na ayaw kong lumayo ka sa akin wala akong magagawa sino ba naman ako para harangan ka sa pangarap mo. Basta huwag mo akong ipagpapalit sa mga puti ha?" Nakuha ko pang magbiro sa kanya. Natawa siya sa gitna ng pag iyak.
"Ikaw talaga , hinding hindi ko ipagpapalit ang pinakamagandang babae sa mundo sa ibang babae kahit na siya pa ang pinakamaputi ." Natawa naman ako sa sinabi niya. Kahit na nais kong umiyak ng umiyak sa sakit pilit kong pinatatag ang aking sarili upang di na rin siya mahirapan pa.
>>>>
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015