Chapter Twenty
Upside-Down
Nadatnan ni Dave na nasa sasakyan na si Ruth. Pinagpasyahan niyang sasakyan na lamang nito ang gamitin, nakasunod naman si Jeth sa kanila. Naging maayos naman ang business meeting kasama ng ama ni Jeth .Hanggang ng gabi ay niyaya ni Mr. Dela Vega ang mag asawa na saluhan sila sa hapunan.Tahimik at hindi umiimik si Ruth hanggang sa matapos ang pagkain nila. Sumasagot lamang siya sa tuwing tatanungin siya ng ginoo.Maya maya ay may nilapitang kakilala si Dave at sinama nito si Jeth upang ipakilala din. Naiwan si Ruth at si Mr. Anton.
"Hija kamusta ka?" Tanong nito.
"Okay lang naman po tito." Sagot niya.
"Sana nga okay ka lang. Siguro nagtataka ka kung bakit bigla nalang ako nakipagpartner sa asawa mo. I will be direct to the point Ruth. I still like you for my son. Hindi biro ang dinaanan niya sayo na dapat ilayo ko na kayo sa isa't isa. But I am hoping that one day ikaw at siya parin. It's sounds funny but its true. Hanggang ngayon hindi nyo man aminin sa akin alam kong mahal niyo parin ang isa't isa." Pormal at seryosong wika ng matanda.
"Tito?!" Gulat na bulalas ni Ruth. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
"You don't need to speak Ruth. Kung kayo, ay kayo parin hanggang sa huli. Nahihirapan ka alam ko, nang una galit ako sayo dahil sa pang-iiwan mo sa kanya pero tapos na iyon at hindi na maibabalik pa. Gusto ko lang na matanggap niyo ang katotohanan na wala na kayo o gusto ko lang na magkabalikan kayo. Diyan lang naman pupunta ang nangyayari hindi ba? Kayo ang makakpagdisisyon. " Saad pa ng lalaki.
"Tito, hindi na po pwede. Okay na po kami bilang magkaibigan. Hindi namin ipinipilit ang bawal at lalong hindi namin sisirain ang pangalan na iniingatan nating lahat." Ani Ruth.
"Ang pangalan kapalit ng kaligayahan? Oo madami ang nahihirapan sa ganyan. Pero mahalaga parin ang maging Masaya Ruth. I cant see happiness in your eyes right now." Anito.
Napayuko si Ruth sa sinabi ng lalaki.
"Tito pasensya na po kayo, sa mga nagawa kong mali noon at sa pananakit ng damdamin ng anak nyo. Pinagsisisihan ko na po iyon. Sa ngayon hindi ko kayang talikuran ang buhay ko. Paninindigan ko ang naging disisyon ko kahit mahirap dahil ginusto ko ito." Malungkot na wika ni Ruth.
Napangiti na lamang si Anton sa sinabi ng babae.
"Tama ka Ruth. Sana Makita ko ulit ang masigla at masiyahing babae katulad noon, ang Ruth na minahal namin." Wika pa nito. Napangiti din si Ruth. Maya maya ay bumalik na ang dalawa sa kanilang mesa.
"Ruth sinabi ko na kay Jeth na tayo na ang maghohost ng Reunion niyong magbabarkada.!" Nakangiting saad ni Dave.
"Pero ang alam ko si Gio ang maghohost diba Jeth?" Takang tanong nito.
"Pero baka pumayag naman siyang ikaw muna." Turan ni Jeth.
"Okay. Sige." Maikling tugon ni Ruth. Limang buwan bago ang itinakdang araw ng reunion nila kaya may panahon pa para masabihan ang lahat. Kaya hindi na siya humarang pa. Ayaw niyang kalabanin si Dave ayaw na niya ng gulo. Natapos ang gabi na puno ng mga katanungan ang isip ni Ruth. Takot, kaba, pag aalala ang kanyang nararamdaman sa oras na iyon. Nagpaalam sila sa mag ama.
Lulan ng sasakyan sina Ruth at Dave. Natatakot si Ruth kung ano na ang mangyayari tahimik lamang ang kanyang asawa at hindi man lang kumikibo mula kanina. Ng makarating sa bahay tahimik silang pumunta sa kwarto at nagbihis.
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015