Chapter 7

1K 20 0
                                    

Chapter Seven

Life must go on and The wedding

Itinuloy ni Jeth ang buhay kahit na sobrang nasaktan dahil sa pag ibig para kay Ruth. Binalewala ni Ruth ang lahat ng kanilang pangarap. Pero ano pa nga ba ang magagawa ni Jeth kung sa kanilang dalawa siya lang ang nais lumaban at kumapit? Kaya't hahayaan niyang pakawalan na lamang ang minamahal na babae.

Bumalik siya ng London upang magpatuloy at magtrabaho na lamang. Umaasa na makakatagpo ng babaeng iibigin at tatanggap sa kanya ng buo.

Pilit namang kinalimutan ni Ruth ang nangyari sa pagitan nila ni Jeth. Siguro naman sapat na ang dalawang taon para sa kanila at matanggap ang nakaraan . In two years siguro magiging maayos na ang lahat sa kanila at handa na nilang harapin ang isa't isa pag dumating  ang  araw na iyon. Dalawang taon. Sana matagpuan na ni Jeth ang kaligayahan. Kaligayahang hindi kailanman maibibigay ni Ruth.

Kasabay ng pagtalikod ni Ruth sa nakaraan at pagpilit na kalimutan ang lahat ay ang pagyakap niya sa buhay kasama si Dave. Isang linggo matapos ang pag alis ni Jeth hindi na muling sumagi sa isipan ni Ruth ang binata.

Inihanda ng mabuti ang kanilang kasal. Nais ni Ruth ng simpleng kasalan ngunit naging mapilit si Dave. Walang magawa si Ruth tungkol dito. Dumating ang araw ng kasal. Kasalukuyang nasa loob ng bridal car si Ruth.

Ang mga nakaraang araw ay kinakabahan talaga siya. Hindi niya alam kung bakit pero ang sabi ng iba iyon daw ang tinatawag na cold feet. Ganun daw talaga pag ikakasal kakabahan.  Natatanaw na niya ang mga kaibigan sa labas ng simbahan. Ang iba naman ay nasa loob na.

Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang matapos na.. Hindi alam ni Ruth ang  dapat maramdaman ng oras na iyon. Dahil ang totoo wala siyang ibang nararamdaman. Walang kaba o excitement. Na dapat nararamdaman ng taong ikakasal. Iwinaksi niya sa sarili ang isiping iyon. Ang mahalaga maikasal na sila ni Dave. Ang lalaking mahal niya at mahal na mahal siya.

            "Be ready Ruth. Magsisimula na tayo in 5 minutes." Saad ng baklang organizer.

 "Yes. Thanks you." Kiming sagot at tipid na ngiti ang itinugon niya dito.

Maya maya na ay nagsimula na ang entourage.  Lumapit na din ang organizer sa kanya at inalalayan siya pababa ng bridal car. Nakasara ang pintuan ng simbahan. Bago sumenyas ang organizer ay isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ruth. Pagbukas ng pintuan ay saka na lamang siya ngumiti.

Dahan dahan ang kanyang pagpasok sa simbahan ang daming dumalo pero hindi niya ito pinansin. Nakangiti siyang nakatingin sa magulang nila at kay Dave malapit sa altar.

Habang pumapailanlang ang kantang BEAUTIFUL ON MY EYES..

You're my piece of mind, in this crazy world

You're every thing I've tried to find

Your love is a pearl

You're my Mona Lisa

You're my rainbow skies

And my only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes... 

Nakikita ni Ruth ang masiyang mukha ni Dave. Labis labis ang tuwang makikita sa mukha ng mapapangasawa. Maging ang kanilang mga magulang ganoon na lamang ang tuwa sa kanilang mga mata.

The world will turn

And the seasons will change

And all the lessons we will learn

Will be beautiful and strange

We'll have our fell of tears

Our share of sight

My only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes... 

Malapit na siya sa altar ng sandaling iyon. Hindi na din maitago ni ruth ang kaligahan niya. Halos lahat sa paligid ay nakangiti. Ang gwapong tingnan ni Dave sa suot na tuxedo. Habang si Ruth naman ay napakaganda din sa suot na mermaid style na wedding dress. Simple ngunit elegante rin ang make up at ayos ng buhok. Maya maya ay nagsimula na ang seremonya.

"We are gathered here today to celebrate one of life's greatest moments, The Joining of 2 hearts and to give recognition to the worth and beauty of love, and to add our best wishes to the words which shall unite this couple in marriage." Pagsisimula ng pari.

 "Should there be anyone who has cause why this couple should not be united in marriage?" tanong nito.

Ilang Segundo ding katahimikan.

Hanggang sa walang tumutol sa kasalan ng dalawa.  Bakas sa mukha ni Dave ang labis na kasiyahan ng oras na iyon, nakita pa ni Ruth na nais nitong maluha marahil pinipigil din ng lalaki ang umiyak. Tuloy tuloy ang naging kasal. Matapos ang seremonya ay ang pagkuha naman ng mga litrato ng bagong kasal at mga bisita. Saka sila pumunta sa venue .

Maganda ang garden kung saan ang venue ng kainan.  Madami ang mga tao. Madami ang bisitang nakiisa sa kanila.

 "I am happy for you Ruth. Congratulations ang best wishes sayo." Niyakap siya ng matalik na kaibigang si Janice.

 "Salamat Janice." Nakangiti ding tugon nito. Ilan lamang ang mga barkadang nakapunta sa kanyang kasal maliban sa malalayo ang mga ito ay busy din. Napuno ng kasiyahan ang lahat, lalo na si Dave.

 "I thank you for this day Ruth, You don't know how happy I am of having you as my wife. I love you and I promise to love you always. Lagi kong ipaparamdam na mahal na mahal kita." Wika ni Dave. Hawak niya ang kamay ni Ruth.

 "Thanks Dave. I love you too. Every woman dreamed to have a wedding like this, to marry the man they love in front of the altar. Thank you , natupad din ang pangarap ko." Niyakap niya ang asawa.

Isang mainit na halik ang pinagsaluha nila. Saka lang nila narealize na madami pang tao sa lugar. Lahat ay kinikilig sa nasasaksihang halikan ng bagong kasal. Maya maya ay nag ingay na ang mga ito kanya kanyang hawak ng kutsara at baso..

 "Kiss, Kiss" lahat ay naririnig nilang naghihiyawan upang sila ay muling maghalikan

Pinaunlakan ng dalawa ang mga request. Masuyong hinalikan ni Dave ang asawa sa labi, ilang Segundo din ang itinagal inawat na ni Ruth ang asawa.

 "Dave, kalma lang .. hahahaha.. Ang daming tao." Bulong niya sa asawa. Natawa naman si Dave.

 "I am sorry Mrs. Constantino  hindi ko lang napigil." Nakangiting tugon nito.

Naging maayos ang pagsasama ng dalawa. Naging maganda ang buhay nilang mag asawa. Kapwa nagtatrabaho ngunit may sapat namang oras para sa isa't isa.

Mapagmahal na asawa si Dave, maalaga at talaga dedicated sa trabaho. Kaya wala ng mahihiling pa si Ruth. He has Dave. He has everything that any other woman dreamt to have.

Almost perfect life. Happy and contented.


>>>>

Complete: Behind the White Mask by Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon