Chapter Ten
Memories to Cherish
Nawala sa isip ni Ruth na siya ay may asawa sa pagkakataong iyon. Nadadarang siya sa hatid na halik ni Jeth. They can't really deny the fact that after a long long ten years they still love each other that much.
"I love you Ruth." Hinihingal na wika ni Jeth. Kapwa magkadikit ang kanilang mga noo. Hawak ni Jeth ang magkabilang pisngi ni Ruth. Habang ang mga kamay ni Ruth naman ay nasa balikat ng lalaki.
"It's wrong." Ani Ruth.
" I know. I know it's really wrong. Pero mas maling pakawalan kita. Mahal na mahal kita." Buong pagsuyong saad ni Jeth. Nais matunaw ni Ruth ng oras na iyon. Labis labis ang kanyang kaligayahan sa piling ng lalaking ito.
"Mahal na mahal din kita. Mahal parin kita." Mahinang tugon ni Ruth.
"I know. Sa buong buhay ko ayaw kong may kahati lalo na sayo. Pero ngayon ako ang makikihati. Masakit pero mas pipiliin kong masaktan makasama ka lang. Pipiliin kong magkamali ."
"Jeth." Tanging nabigkas nalang ni Ruth habang nakatitig sa isa't isa. Nasasaktan si Ruth triple sa sakit na nararamdaman ng kanyang mahal.
"Doon sa London ang mga kasamahan ko ang may mga kabit, pero ngayon ako.. Handang maging kabit. Handang makihati sa pagmamahal sayo." Nilayo ni Jeth ang kanyang mukha sa babae. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito. Halos madurog naman ang puso ni Ruth sa mga pahayag ng binata.
"I can't." Umiwas ng tingin si Ruth ngunit mabilis na pinigil ni Jet hang kanyang pagkilos ng muli nitong mapangahas na halikan sa labi ang babae.
Pilitin mang kumawala ni Ruth sa mainit at nag aalab na halik ng binata ay hindi niya magawa. Tila isa itong gayumang unti unting kumakain sa kanyang katinuan, gayumang unti unting kinukuha ang kanyang kabuuan. Ang bawat galaw ng mga labi ni Jeth ay katumbas ng isang libong tamis, sarap at pag aanyaya sa kanyang mga labi, katawan o kalamnan.
Bawat haplos ng mga kamay nito sa kanyang balat ay naghahatid ng mga boltaheng nagbibigay ng kiliti , bawat pagbigkas ng binata sa kanyang pangalan ay may hatid na kilig.
Bawal na pag ibig. Bawal na pagtitinginan. Bawal sa mata ng Diyos at ng tao. Ngunit minsan mahirap labanan ang tukso, lalo pa't mahal na mahal ang isa't isa.
Ilang sandali lang ay muling naghiwalay ang kanilang mga labi. Malalim na ang gabi at malamig ang simoy ng hangin. Sa ilalim ng buwan, sumasayaw ang mga halaman maging ang dahon ng mga puno sa saliw ng musikang likha ng hangin.
"Kung sarili ko lang ang aking iisipin gustong gusto ko. Gustong gusto kong makasama ka talaga. PEro you don't deserve someone like me. Marami pang iba diyan, hindi ko kayang dungisan ang iyong pangalan." Ani Ruth. Kahit ang totoo gusto niyang angkinin at ariin ang binata, kahit nais na niya itong itali sa kanyang sarili at huwag ng pakawalan.
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015