Chapter 24

1.2K 17 0
                                    

Chapter Twenty Four

BATTLE FOR LOVE

"Janice bakit ka nandito sino ang bantay ni Ruth?" Takang tanong ni Dave ng datnan si Janice sa nurse station.

"Ang sabi ng isang nurse pumunta ako dito eh, hinihintay ko nga wala pa kahit isang nurse dito. Puntahan mo na muna si Ruth dito nalang ako." Ani Janice.  Tumango na lamang si Dave at naglakad papuntang silid ng asawa.

Malapit na siya sa silid ng biglang kabahan, lalo ng marinig ang boses na tumatawa . Hindi siya maaring magkamali si Barbie iyon.

"SHIT!" BUlalas niya.

"JANICE!" Sigaw ni Dave , mabuti na lamang at nakuha niya ang atensyon ni Janice ng pagsigaw niya. Agad siyang tumakbo papasok ng silid. Nakita niyang tumatawa si Barbie na suot ay nurse uniform at may hawak na syringe sa kamay. Napalingon ito sa kanya at gulat na gulat ang mukha. Hinawakan ni Dave ang magkabilang balikat ni Barbie. Mahigpit ito.

"Anong ginawa mo Barbie?" Galit na tanong niya.

"I poison her. She's like a poison to us. Sisirain ka niya at sisirain nya tayo." Mahinahon at parang batang wika ni Barbie. Nakarating na din si Janice sa pinto gulat na gulat.

"FUCK.....YOU BITCH." Galit na itinulak niya sa sahig si Barbie na ikinatumba nito.

"JANICE call a doctor quick." Agad na saad naman ni Dave.

"Hayaan mo na siyang mamatay Dave." Umiiyak na wika ng tila nababaliw na si Barbie.

"SHUT UP!" Sigaw pa nito sa babae. Natataranta si Dave. 

"Bahala na..shit." Bulong niya sa sarili at agad na kinuha ang nakakabit na dextrose sa kamay ni Ruth.

"NO!" Sigaw ni Barbie ng tanggalin nito ang dextrose.

"Papatayin ko siya. Hayop siya Dave. Ako lang ang dapat na mahal mo at hindi siya. Akin ka lang!" Agad niyang nilapitan si Ruth at pinagtatanggal ang oxygen na nasa bibig nito.

Nagpupumiglas si Barbie ngunit mabilis naman siyang binuhat ni Dave para pigilan at pinalabas. Nagkagulo ang mga nurse at doctor dahil unti unting  tumaas ang heart rate ni ruth kaya kailangan bumalik sa normal ang blood pressure niya. Mabuti nalamang at natanggal ni dave ang dextrose bago humalo ang lason sa dugo ni ruth.

Kinulong si Barbie sa salang pagtatangka sa buhay ni Ruth.

Lumipas pa ang isang linggo dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Habang nakabantay ang magulang ni Ruth sa kanya ay gumalaw ang kanyang kamay.

"Anak, anak ko." Anang ina.

"Papa si Ruth gumalaw na ." Nakangiting saad ng ina habang di maalis ang mata sa anak niya. Lumapit ang asawa niya sa kama. Kasabay ng pagmulat ng mata ni Ruth at ang pagluha ng ina niya sa sobrang tuwa.

"Anak ko, nagising ka na." Wika ng ama.

"Papa.Mama." Mahinang sambit niya. Tumawag sila ng doctor. Sinabi nitong makakarecover na si Ruth.  Nalaman nina Dave, Jeth at Janice na nagkamalay na ito agad namang pumunta ng ospital sila.

Yakap at halik ang sinalubong ni Dave. Labis ang tuwa niya. Habang si Jeth at nakangiting nakatanaw sa kanilang mag asawa. Nginitian lamang niya si Ruth ng magtama ang kanilang paningin.

" Salamat at gumising ka na Honey. Patawarin mo ako sa nagawa ko." Hingi ng tawad ni Dave.

"Kalimutan na natin ang lahat Dave. Kasalanan ko naman ito." Mahinang tugon ni Ruth. Mula noon ay hindi na iniwan ni Dave ang asawa sa ospital hanggang sa lumipas pa ang isang buwan pinayagan na siyang umuwi ng doctor at sa bahay na tuluyang magpapagaling.

Complete: Behind the White Mask by Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon