Chapter Thirteen
Ruth's life.
Vacation is over. It's the day that Ruth needs to go back to manila and go home. Nauna ng umalis sina Arthur at Gio kaya sila na lamang ni Janice ang hinatid ni Jeth. Nag-usap na sila hindi nila alam kung ano at saan sila dadalhin ng namagitan sa kanila.
"Janice hihiramin ko muna si Ruth kung pwede bago man lang kayo umalis." Ani Jeth.
"Sure. Naiintindihan ko naman kayo. " Ani Janice. Nakapagcheck in na ng gamit sina Janice at mahaba pa ang oras na ilalagi nila sa airport bago ang flight.
"Salamat." Nginitian ng dalawa si Janice.
"Bibili lang ako ng makakain nagugutom talaga ko." Ani Janice. Pinagmasdan nilang papalayo si Janice. At umupo lamang sa waiting area. Kokonte lang naman ang tao ng oras na iyon.
"So is this good bye?" Jeth asked.
"I don't want to say good bye, but for now baka ganun na nga. But good bye is not forever." Saad ni Ruth. Nakayuko ito bakas sa mukha ang lungkot.
Jeth took her hand.
"Don't be sad. Tandaan mo mahal na mahal kita. Hindi ko lang alam kung ano tayo." Wika ni Jeth. Natawa si Ruth.
"Maging ako hindi ko alam. Basta ako mahal kita at patuloy na mamahalin Jeth. Mali ang namagitan sa atin pero hinding hindi ko pagsisisihan. Kung walang nangyari baka yun ang pagsisihan ko."
"Hindi ko din pagsisisihan ang naganap Ruth. I will forever remember that day. I love you." Hinagkan ni Jeth ang kanyang kamay.
"Tawagan at textsan nalang tayo? " Ruth.
"I will call you always. Pero baka mag away kayo ni Dave ng dahil sa akin." Saad ni Jeth.
Biglang nalungkot ang mata ni Ruth.
" Mag-iingat ako. Ikaw lang nagpapasaya sa akin Jeth. Hindi kita oobligahing mahalin ako , kung ano man ang relasyon natin, kung ano man ang tawag sa atin wala na akong pakialam. Masaya ako na magkaibigan tayo." Malungkot na wika ni Ruth.
"Ruth hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, hindi ko naman kayang mawala ka sa buhay ko sa pangalawang pagkakataon. Mahirap itong pinapasok ko pero bahala na. Mahalaga kahit kalahati masasabi kong akin ka."
"I'M sorry kung pati ikaw nahihirapan. Ako na lang sana, ako naman kasi ang may kasalanan ng lahat. I want you to move on Jeth, I want you to find love. Hindi ako. Basta sapat na sa akin na magkaibigan tayo." Ruth.
"Bahala na. Basta huwag mo akong pagbawalang mahalin ka. Tatanggapin ko lahat, gagawin ko lahat para hanggang sa huli hindi man kita mabawi maging bahagi ka parin ng buhay ko." Jeth.
"Salamat Jeth. I will always cherish the memories with you. Especially that day. I will miss it for sure." Nakangiting wika ni Ruth. Ngumiti din si Jeth at niyakap siya.
"I love you." Ruth.
"I love you more baby." Sagot ni Jeth.
Hindi na nag isip si Jeth ng kanyang siilin ng halik ang babae. Hindi komontra si Ruth sa ginawa ng binata. They both kissed sweetly like there is no tomorrow. Na tipong ito na ang magiging huli. Naghiwalay ang kanilang mga labi, kapwa nakangiti. Muling niyakap ni Jeth si Ruth.
"Mamimiss ko ito." Nakatawang saad ni Ruth.
"Ang yakap?" Jeth.
"Yup.. Mamimiss ko ang humiga sa dibdib mo." Wika ni Ruth na hindi parin umaalis sa pagkakayakap. Mahigpit na yakap ang ganti ni Jeth.
"Yakap lang ba?" Tudyo nito. Lumayo si Ruth saka hinampas si Jeth sa dibdib.
" Ang ingay mo. Hahahaha.. siyempre lahat na pwedeng mamiss mamimiss ko. Ang mabuti pa papasok na ako sa loob." Nakatawang wika ni Ruth.
"Mabuti pa nga siguro, dahil baka magbago ang isip ko at hindi na kita mapakawalan pa. Basta keep in touch." Jeth.
"Girl tayo na." Narinig na tawag ni Janice sa kanya.
"Susunod na ako." Sagot niya kay Janice.
"Oh pano .. Aalis na ako." Paalam ni Ruth.
"Pwede ba kitang halikan ?" Paalam nito.
"Hoy bilisan niyo na.. Kiss na ano pa hinihintay nyo ng makauwi na kami." Nakatawang sagot ni Janice sabay tumalikod.
"Oh ayan na nakatalikod na ako pwede na." Dagdag pa nito. Natawa naman ang dalawa. Muling hinalikan ni Jeth si Ruth. Parehong natutuwa at nalulungkot. Natutuwa dahil sa pagkakataong ito at nalulungkot dahil magkakalayo sila. Pumasok na ang dalawa dahil boarding time na nila. Nakatanaw si Jeth habang papalayo ang dalawa. Muling lumingon si Ruth sa kanya saka kumaway bilang paalam. Matamis na ngiti ang nakalarawan sa kanilang mukha.
"Masarap ba ang kiss?" Tanong ni Janice ng makaupo na sila sa loob ng eroplano. Pinamulahan naman si Ruth sa tanong ni Janice.
"Ano ka ba kiss lang naman yun huwag kang mahiya girl. Ramdam ko naman na mahal niyo pa ang isa't isa. Just cherish the memories . " Seryosong wika nito. Pumatak ang mga luha ni Ruth.
"I will cherish the memories Janice, that kiss will always be remembered. I love him so much. I am so stupid for letting this happened. It's my fault." Umiiyak niyang wika.
"Ruth hindi na natin maibabalik ang dati, at lalong hindi na natin pwedeng ipilit ang hindi pwede dahil masasaktan ka lang. Maging magkaibigan kayo siguradong kahit papano mas magiging maayos na yun." Ani Janice.
"Oo janice , yun ang hiling namin sa isa't isa. Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko sa lahat ng nangyari." Ruth.
"Kailangan mong bitawan na ang nakaraan, huwag na umasa pa Ruth. Patawarin mo ang sarili mo para gumaan ang dinadala mo. Alam ko kahit hindi mo sabihin may problema kayo ni Dave. I know you Ruth. I know you so much." Giit pa ni Janice.
"Wala kaming problema Jan. Huwag kang magi sip niyan. Okay lang ako, okay kami." Aniya.
"Kung handa ka ng magsabi just tell me I am always here to listen." Ngumiti ito sa kanya.
"Salamat. Huwag kang mag alala kung magkaproblema ikaw naman agad tatakbuhan ko eh." Sagot ni Ruth. Ramdam ni Janice na may tinatago ang kaibigan sa kanya.
"Oo ba basta may kapalit. Isang buong chocolate cake." Biro nito na siyang nagpatawa kay Ruth.
"Oo siya sige basta kaya mo ubusin ang malaking size. " Umiiling nitong wika.
Constantino's Residence
RUTH'S POV
Alas singko na nga hapon ng makarating ako sa bahay. I cooked food for dinner dahil ang sabi ni Dave uuwi siya at sabay kaming kakain ng hapunan. Alas otso pasado na ngunit hindi parin umuuwi. Ni hindi tumawag. Ayaw niyang tinatawagan ko siya, siya daw ang dapat tumatawag sa akin. I decided to text him kung nasaan na siya. He didn't reply.
Inikot ko ang aking mata sa kabuuan ng 2 storey house. Sa loob ng ilang taon dito ako tumira. Ng simula Masaya naman kami, hanggang sa madami na ang nagbago mula ng makunan ako mahigit isang taon na ang nakakaraan.
Hindi man niya sabihin ramdam kong ako ang sinisisi ni Dave sa pagkawala ng aming anak. Lahat ng ginagawa ko para sa pamilya ko, lahat iningatan ko. Ang negosyo ng pamilya, pangalan ng magulang ko at ng asawa ko. Kelan ba ako naging tunay na Masaya?
Hindi ko napansin ang pagtulo ng aking luha. Dito sa loob ng bahay na ito nakatago ang isang Ruth. Ang Ruth na kilala nila ay nakikita lang nila pag nasa labas hindi nila alam ang hirap ng loob na nararanasan ko sa piling ni Dave.
>>>>
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomansaBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015