Chapter Seventeen
Jealousy
"Barbie stop playing with me. !" Asik ni Dave isang umaga. Nagsisimula na namang mambwisit sa kanya ang babaeng ito.
"Kailanman di ko inasahang magmamahal ako, magmamahal ng isang tulad mong manhid." Litanya ng babae.
"Ano ba ang nangyayari sayo Barbie? Hindi pa matagal na natin itong pinag usapan? Akala ko ba tapos na?" Tanong ng lalaki.
"Mahal kita Dave alam mo yun matagal na hindi ba? Nauna akong dumating sa buhay mo pero mas pinili mo si Ruth over me. Can't you feel it? Hindi ka naman mahal ng asawa mo." Giit nito. Matamang tinignan ni Dave ang mata ni Barbie.
"Wala kang pakialam sa amin Barbie. Now please get out at doon ka sa office mo, pwede?" taboy niya sa dalaga.
"Hindi ko alam paano ka minahal ni Ruth sa ganyang ugali mo.!" Asik nito saka nag walk out. Napailing na lamang si Dave. Hindi nab ago sa kanya ang ganito .
Naging school mate dati ni Dave si Barbie sa pinapasukan nito. Nagkaroon ng pagkakataon na maging magpartner sila sa negosyo. Bag and shoes designer si Barbie kaya ito napunta sa CID. Si Barbie noon ang nagtapat ng pagmamahal kay Dave ngunit hindi ito umubra. Mabait ang dalaga kaya marahil ng magpakasal si Dave kay Ruth ay hindi ito tumutol pa. Itinago na lamang sa sarili ang pagmamahal niya sa lalaki.
Ang akala noon ni Dave ay nakapag move on na ang dalaga ngunit hindi pa pala. He is not worried about it dahil alam niyang hindi gagawa si Barbie ng ikasisira lalo ng pangalan niya at ng kumpanya kaya kampante ito. Napailing na lamang at nagtataka sa kinikilos ng babae after a long time mula ng kinasal sila ni Ruth ngayon nalang ulit ito nagsabi ng kanyang damdamin.
Sa kabilang banda
"I know that there is something between Ruth and that Jeth. I saw it in their eyes that night ng magharap sila." Sa isip ni Barbie habang nagdadrive.
"Magkaibigan nga lang kaya? Malalaman ko din yan, Ruth imposibleng perpekto ka kaya hahanap ako ng butas sayo. Ilang taon ko ng pinaubaya sayo si Dave this time magkakaroon na ako ng rason upang bawiin ang tunay na sa akin. Huhubarin ko ang suot mong mascara at kung wala kang mascara gagawa ako ng paraan upang paniwalain ang lahat na isa kang mapagpanggap. Hindi ko naman nakikitang mahal mo si Dave." She grinned.
KRINGGG.....KRINNGGGG....
Kinuha niya ang cellphone.
"Hello.!" Sagot niya sa kabilang linya.
"Hi Miss Fuentes nasa Singapore na po ang shipment natanggap na ng client." Balita ng kausap.
"Good. Make sure that everthing went well. May meeting akong pupuntahan , reschedule my appointment for tomorrow noon I have important thing to do." Bilin niya sa sekretarya.
"Yes ma'am." Tugon nito saka nagpaalam sa dalaga. Kinuha niya ang kanyang bag saka kinuha ang calling card ni Jeth na ibinigay ng gabi ng event. Agad niyang tinawagan ito.
"Hi this is Barbie." Pakilala niya ng sumagot si Jeth sa kabilang linya.
"Hello, Yes natatandaan ko Miss Fuentes. Napatawag ka?" Tanong ni Jeth.
"Ah, kasi hindi ko makontak si Mr. Dela Vega ang father mo kaya ikaw nalang ang tinawagan ko." Pagdahilan nito.
"What can I do for you?" Tanong pa ng sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015