Chapter Nine
Knowing his story
Halos numipis ang hangin at hininga ng maramdaman ko ang magaan na pag akbay ni Jeth.
"Okay naman ako Jovi. Balita ko kilalang professor ka na ah. Good job." Ngumiti lamang ako sa sinabi nya at nagkunwaring hindi ako apektado sa kanyang presenya.
"Hi lady. Namiss kita ah." Bumaling naman siya sa akin. Kasabay ng pagtama ng aming paningin ay ang pagbalik ng alaala ng nakalipas.
Ang alaalang ako lamang ang nakikita niya at siya lang ang nakikita ko. Magkasama sa iisang mundo.
"Hindi naman masyado Jeth." Ani Jovi saka nagkamay at yakap sila ni Jeth pagkatapos noon ay muli siyang bumalik sa aking tabi.
"Mabuti pa maupo muna tayo para makapag-usap ng maayos. Napansin kong kanina ka pa yata nakatayo Ruth." Yaya ni Jeth sa amin ni Jovi. He is still gentleman, sweet and caring. Ano ba naman itong naiisip ko. Pinapakalma ko parin ang aking puso dahil balak yata nitong tumalon mula sa aking dibdib.
"Mabuti pa nga siguro." Ani Jovi. Inakay ako ni Jeth papunta sa pinakamalapit na table hawak ang aking siko. Mumunting boltahe ang naramdaman ko, ang pamilyar na pakiramdam na noong kami ay magkasintahan pa. Nag-usap kami tungkol sa mga negosyo at mga nangyari sa kanya sa London. Maya maya ay nagpaalam na si Jovi. Hanggang sa nagkaroon ng grupo sa aming mesa.
"Bagay parin kayong dalawa." Pasimula ng nakakabwisit na si Gio. Malakas talaga siyang mang asar lalo sa akin.
"Oo nga eh. Sayang bakit pa kayo naghiwalay." Dagdag pa ni Arthur.
"Hoy naku pagtitigilan niyo nga kami ni Jeth. Kaya ayaw kong siputin kayo eh palagi ako ang pinagtitripan niyo lalo ka na Gio ah." May halong pagbabanta kong saad.
"Hahaha.. Hanggang ngayon pikon ka parin Ruthy." Ani Gio. Naningkit ang mata ko sa tawag niya sa akin. Sobrang asar na asar ako sa palayaw na binibigay sa akin. Alaskador kasi ito.
"Gio, stop it. Sige ka pag iyan nainis walk out-an kayo niyan." Narinig kong sabi ni Janice. Ang babaeng yan lagi akong iniinis pareho sila ni Gio. Inirapan ko si Janice. Saka ko narinig ang tawanan nilang lahat.
"Tama na yan baka magkapikunan na. Let us start the partly guys." Tumayo si Jeth at itinaas ang hawak na wine glass.
"Let's cheers, for our friendship, for our career and for our future together." Ani Jeth. Lahat ay sumigaw din ng CHEERS. Nagsimula na ang pa-raffle ng appliances, gift checks at mga games. Pagod na pagod ang lahat matapos ang hating gabi. Masaya ang bawat isa. Lahat ay may kanya kanyang silid na inilaan sa resort na ito ni Jeth.
Masaya din naman ako at nag-enjoy. Ang iba ay nag-iinuman pa samantala ang ibang mga gilrs ay tulog na. Share kami ng room ni Janice na nasa third floor. At ayun tulog na tulog dahil sa dami ng ininom. Naglalakad ako sa bandang likuran ng resort, malawak pala talaga ang lupang kinatitirikan ng resort. Naglalakad lakad ako hanggang sa di ko na namalayang napapalayo na ako ng husto, maraming upuang kahoy, lights sa paligid, at kung ano ano pang bulaklak.
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015