Chapter Five
Painful News
Jeth's POV
She left me with nothing. She left me like she never loved me. Pakiramdam ko pinaglaruan niya ang damdamin ko. Natuto akong uminom. Buong araw naglalasing o naglalakwatsa. Buhay ako pero parang patay. Tinapos ko ang second year level ko sa kursong Mechanical Engineering pero pasang awa lang.
Pumasok ako sa seminary. My life was meaningless. Isang buwan na ako sa loob ngunit pilit akong pinatigil ni Lola. Ayaw niyang magpari ako. Wala akong magawa. Hanggang sa dumating ang araw na nakapag isip ako ng matino.
"Kailangan kong mag aral ng mabuti. Ruth aayusin ko ang buhay ko. Babalikan kita pangako ko sayo iyan." I studied so hard, bumawi ako. I made it. I graduated with flying colors. Masaya ang lahat. Pumunta ng London sina Mommy at ate para lang makadalo sa graduation ko.
Konte nalang pwede na akong bumalik. Matatapos na ang paghihintay. Pagkumuha na ako ng board exam at makapasa babalikan kita Ruth. Pero ang hirap...Lalo na ng......
"Ate kamusta ang Pilipinas? Si Ruth may balita ka ba?" Tanong k okay ate.
Ang Masaya niyang ngiti at naglaho ng dahil sa tanong ko.
"Kalimutan mo na si Ruth . Tapos na kayo diba? Iniwan ka niya." May bahid ng galit ang boses niya. Oo nagalit siya dahil sa nangyari di ko siya masisi.
"Mahal ko parin siya." Totoo at maiksi kong tugon.
"Ikakasal na siya. Yun ang balita ko." Yun ang sinabi niya sabay talikod sa akin.
"Ate linawin mo. Ikakasal?" Pahabol na tanong ko.
"Engage na siya so ibig sabihin ikakasal. Huwag kang tanga tama na" Pabalang na sagot ng kapatid.
Ang sakit pakinggan. Ang hirap paniwalaan. Ikakasal? Ilang taon na ba ang nakalipas? Mahigit limang taon na I mean mahigit limang taon palang.
Para akong sinaluban ng langit at lupa. Hindi maaari akin lang si Ruth sa akin lang siya bakit ganun? Bakit ang sakit sakit namang magbiro ang tadhana? Ginawa ko ang lahat para sa pangako ko. Mahal ko parin siya. Pero kailangan kong maging matatag.
Isang araw nakatanggap ako ng imbitasyon mula kay Gio. Oo nga pala every two years ang magiging reunion ng barkada at sa susunod na mga buwan ay magaganap ang pangatlong reunion.
I need to go back. I need to see her, I need to talk to her.
RUTH's POV
I can't believe it. In just three years of our relationship Dave decided to marry me. SOON.. Hindi ko pa alam ang soon na iyan. I am happy with him. I love him. Hindi maiwasang magkaproblema kami dahil sa conflict ng aming schedule at magkaiba ang ibang pananaw naming ni Dave. He is hard working to the point na hindi na kami nagkikita at nag uusap madalas. I tried to understand him because I love him.
One time I want our relation to end. I cant take it anymore. Pero hindi eh, ayaw niyang pumayag. My parents always telling me not to make him for granted. I need to follow them, ayoko masira ang pangalan ng aking pamilya. Business partners na din ang aming mga pamilya kaya kailangan kong ayusin ang bawat galaw ko.
I love Dave because he loves my family. I am doing my best for them. Working so hard for them. Isang taon palang ako bilang head ng marketing sa isang kilalang kumpanya. Masaya ako sa trabaho ko. Madalas naman kaming magkita ni Janice. Dahil magkalapit an gaming pinagtatrabahuhan sa aming magbabarkada siya lamang ang naging superbest friend ko.
Isang araw
"Ruth we have an invitation from GIO.. Sa kanila gaganapin ang 3rd reunion natin. Magpapabook na ako ng tiket ko, ikaw sasama ka ba?" Tanong niya.
"Oo naman sasama ako." Sagot ko naman.
"Isama mo kaya si Dave para mapakilala mo na rin?" I looked at her and rolled my eyes.
"You think sasama yun? No need, tayong dalawa nalang hindi tayo makakapag enjoy pag sumama pa siya. And remember halos karamihan ng barkada ay guys ayaw na ayaw nyang nakikita ako with other guys." Mahabang pahayag ni Ruth.
"As usual, the KJ King Dave. Always busy, walang ibang inatupag kundi ang negosyo. Yayaman ka na talaga girl." Ani Janice.
"Yeah right." Sabay tinalikuran ang kaibigan.
"Hoy tatalikod ka na? Balita ko uuwi si Jeth." Aniya.
Ilang taon ko ng hindi naririnig ang pangalan niya at wala na akong balita sa kanya. How is he? Oh I don't need to know. Maybe he is fine now, may girlfriend na ba siya? Do I care? I hate this feeling of mine bakit parang kinakabahan ako?
"Hoy natigilan ka diyan baka gusto mo akong harapin?" Natauhan ako ng muling magsalita si Janice. Oo nga pala hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. I gathered my self and face her.
"That's good. Maganda yun para magkita kita na.Baka sakali kompleto na ang barkada." Yun na lamang ang lumabas sa aking labi. Hindi ko alam kung ngumiti ba ako sa harap ni Janice o halatang kabado. I don't care what do I look like.
Bahala na.
Ilang araw lang ang lumipas ay nakabili na ng plane ticket si Janice Pauwi ng Davao . Ang aming probinsya. Panay na din ang tawag ng barkada para sa pagconfirm n gaming numero kung sino sino ang makakadalo.
Nakapagpaalam na rin ako kay Dave at pumayag siya. Wala naman siyang choice kundi ang pumayag dahil meron na kaming plane ticket.
Pagdating sa aking kwarto hindi ko alam bakit nanghihina ako. Parang may kakaiba akong nararamdaman. I lay down in my bed. Nakatingin lang sa ceiling, hanggang sa naalala ko ang nakaraan. Si Jeth. Ako. At ang masasakit na alaala kasama ng masasaya. Napabaling ang aking paningin sa cabinet. Bumangon ako para kunin ang lumang shoe box.
I opened it. Madaming letters ang nakatago mula sa mga barkada at kay Jeth, maraming pictures. Isa isa kong tinignan ang mga larawan. Luma na sila pero mababakas parin ang ligaya sa mga larawang iyon. Ang mga payat na katawan, mga batang mukha at bawal ngiti sa labi. Tanda ng maligayang nakaraan. Hanggang sa Makita ko ang litrato naming dalawa. Anim na taon na ang lumipas. Anim na taon ko din palang kinalimutan itong box ni hindi ko na sinilip.
Jeth and me wearing our couple shirt before. Both smiling. Nakayakap siya mula sa aking likod at yakap ko ang malaking pink teddy bear na bigay nya. Again I saw another picture of us lying on the green grass holding hands. Kuha iyon ni Janice ng nasa park kami nagpicnic kasama ang barkada.
I felt something in my heart. The familiar feeling but so hard to recall kung ano iyon. Kinapa ko ang aking dibdib. I don't know pero parang may mali.
>>>>
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015