Chapter Four
Broken Promises
Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Habang papalapit ang araw ng pag alis ni Jeth ay pahirap at pabigat ng pabigat na din ang kanilang mga kalooban. Ngunit pilit na pinanlalabanan ang lungkot.
Sinulit nila ang bawat oras at araw na sila ang magkakasama. Bawat sandali ay napuno ng tawanan at kasiyahan. Gumawa ng alaala na babaunin nila sa paglayo sa isa't isa. Kasama ng mga barkada at pamilya ay hinarap ang mga araw na magkakasama. Walang tigil ang pagkuha ng mga litrato.
Dumating ang araw ng graduation ng batch nila. Masaya at may halong lungkot dahil magkakalayo na silang lahat. Lumipas pa ang ilang mga araw, at dumating ang oras na kailangan ng umalis ni Jeth patunong London upang mag-aral doon mag aral at sumama sa kanyang ama.
"Stop crying babe please?" Hawak ni Jet hang palad ng nobya. Nasa sasakyan sila patunong airport.
"How can I stop crying knowing that you're going to leave me na?" Maarteng tugon ng dalaga.
"I am not leaving you..Walang magbabago sa atin Ruth. We will love each other still. Kung may magbago man iyon ay magkakalayo lang tayo. Distance lang malalampasan natin iyan. Nakapag-usap na tayo diba?" Saad naman ni Jeth.
"I know. Please promise me to come back. Okay? Please?" Parang batang nakikiusap si Ruth.
Jeth raised his right hand and said "Yes I promise." Ngumiti si Ruth , at pinahid ni Jet hang mga luha sa pisnge ng dalaga.
"It's really hard to go away from you babe pero kailangan natin to for our future. Tandaan mong mahal na mahal kita." He kissed Ruth's forehead.
"I love you too baby." Turan ng dalaga, at pilit na pinakalma ang sarili. Ayaw din naman niyang mahirapan ang nobyo sa pag alis ng dahil sa kanyang pag-iyak. Kailanman hindi nais ni Jeth makitang lumuluha ang kasintahan.
Nag-uusap sila hanggang sa makarating na ng airport. Pilit na pinatatatag ang isa't isa. The hardest good bye..but they are holding on.. Nang kailangan ng pumasok ni Jeth sa loob hindi nito napigil ang pagluha.
"Anak kailangan na nating pumasok baka mahuli na tayo at maiwan ng eroplano." Sabad ng daddy niya.
"Yes dad susunod na ako." Ani Jeth.
"Bye baby. I love you so much..Pumasok ka na please. Sige na baby I will be okay. Go now, bago pa magbago ang isip ko at din a kita pakawalan." Hirap na hirap ang loob ni Ruth ng sabihin iyon.
"I promise hintayin mo ako babalikan kita . Akin ka lang." Wika ni Jeth. They hugged each other tight. They kiss passionately.
Hinagkan ni Jeth ang mga labi ni Ruth, Mapusok ngunit ramdam ang pag iingat. Parehong sabik man sa isa't isa ngunit kailangan na nilang maghiwalay. Parehong may mga luha ang mga mata.
"I love you. " Ruth
"I love you more." Ani Jeth.
Tinungo na ni Jeth ang daan papasok sa airport. Hilam ang luha ni Ruth na nilisan ang lugar dahil hindi niya kayang makitang lumipad pa ang eroplano lulan ang kanyang mahal.
Naging maganda at mahirap din ang simula ng kanilang paglayo o long distance relationship. Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Madami ang nagbabago at nagbago. Madalang na ang palitan ng text o emails ng magkasintahan. Mahal man nila ang isa't isa marahil naaapektuhan na rin ng dahil time differences at parehong abala sa kanilang pag aaral.
Hanggang sa dumating ang point na nawawalan na ng bilib si Ruth sa kanilang long distance relationship. Ng dahil sa mga nasasaksihan niya sa paligid. Nahihirapan na siyang magtiwala. Wala namang dahilan upang pagdudahan niya si Jeth ngunit natatakot siya. Takot siyang lokohin siya.
"Magiging maayos din lahat." Madalas na sinasabi ni Jeth sa kanya.
Hanggang sa nagbago na at bumaliktad ang lahat.
TWO YEARS LATER
Pinanghahawakan ni Ruth ang pangako ni Jeth na babalikan siya nito. Ngunit tuluyan ng nagbago ang lahat.
"Babe I am sorry hindi ako pwedeng magbakasyon. Next year nalang please? Sobrang busy sa school saka mahirap ang schedule ko sa part time job ko." Isang araw na sinabi ni Jeth sa kasintahan.
"You promised me! Kung hindi mo kayang tuparin yun wala akong magagawa.!" Galit na saad ng dalaga.
Hindi na niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag pa si Jeth. Nabulag siya , sarili lamang ang iniisip. Katwiran niya na hindi tinupad ng binata ang pangako niya kaya hindi na niya dapat asahan pang babalikan siya nito. She was so hurt, hindi na siya nakinig pa kahit kanino.
Until Ruth decided to end their relationship. Nang una ay ayaw ni Jeth pumayag ngunit wala naman itong magawa. Natapos ang kanilang relasyon ngunit nagpatuloy ang kanilang buhay. Hanggang sa Dumating din sa buhay ni ruth si Dave Constantino. Kilala sa business industry, nakilala niya ito ng minsan naisama siya ng isang kaibigan at kaklase sa isang seminar.
Dahil na rin siguro sa kanyang kagandahan ay inibig siya ng binatang si Dave kahit na ito ay walong taon ang tanda niya dito. Mabait at masipag si Dave kaya hindi naman nahirapang makisama si Ruth. Naging malapit sila sa isa't isa. Lumipas pa ang ilang at mga buwan ay nanligaw ang binata kay Ruth. Inaamin ni Ruth na malapit na sa puso niya ang lalaki. Hindi siya nito pinabayaan. Tuwing siya ay may problema lagi itong nakaalalay. Nakalimutan na ni Ruth ang binatang si Jeth. Naibuhos niya ang atensyon sa bagong pag ibig.
Marahil nanibago siya sa malaprinsesang turing sa kanya ni Dave. Sinagot niya si Dave isang araw. Tuwang tuwa naman ang binata dahil doon. Naging maganda ang takbo ng kanilang relasyon. Patuloy ang buhay at pag aaral ni Ruth. Nasa 3rd year college na siya sa kursong B.S. business administration major in marketing.
Lingid sa kaalaman ni Ruth ang mga pinagdadaanan ni Jeth ng dahil sa pang iiwan nito sa kanya. Sa kabilang dako, si Jeth ay natutong maglasing, magbulakbol at huminto sa pag aaral. Hindi na siya nag aral pagtuntong ng 3rd year dahil nagpalit ito ng kurso. At iyon ay ang pagpapari. Nabuhay siya na parang patay. Wala ng dahilan upang siya ay magpatuloy. Nasira ang buhay ng dahil sa nabigong pag ibig. Bumitaw si Ruth sa pangako, binitawan ang isa't isa. Ang hirap ng pinagdaanan ni Jeth ngunit naisip niyang hindi siya maaring sumuko.
>>>>
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015