Chapter Twenty three
Revelations
Kinabukasan agad na nag undergo ng surgery si Ruth. Lahat at nagdadasal na maging maayos ang lahat, Patuloy na ding hinahanap si Barbie ng kapulisan dahil napag alamang sa kanya ang kotseng bumangga kay Ruth. Mukhang magaling sa taguan si Barbie kaya wala paring balita tungkol dito.
Pumunta si Dave sa chapel at doon nagdasal at nasa kabilang sulok naman si Jeth. Hindi nila napansin ang isa't isa dahil parehong nakatuon ang pansin sa pagdarasal.
"God, I know that this is my fault kung bakit ngayon nandito sa Ruth. Napabayaan ko siya noon, nasaktan ko naman siya ngayon. Kung hindi dahil sa pagmamahal ni Barbie sa akin hindi din sana siya nasa operating room. Minahal ko si Ruth ng totoo, tao ako nasaktan dahil nalaman kong ako ang pinakasalan kahit na hindi ako ang mas mahal. Pero nakita ko din naman ang pagmamahal niya sa akin, hindi siya nagkulang sa pag aalaga sa akin kahit na binabalewala ko siya noon. Pinakasalan ako at pinili sa kabila ng kaligayan na mabibigay sa kanya kung si Jeth ang pinili niya . Masakit po talaga pero pag gising niya hindi ko din naman alam kung sa akin parin siya. God, heal her and I will let her choose her happiness. Alam ko pong malabong sa akin siya pero hindi ko tatanggalin ang pag asa na baka sakali bumalik siya sa akin. Mahal na mahal ko po si Ruth. Ibigay niyo po sa kanya ang kaligayahan na para sa kanya. Pagalingin niyo po ang asawa ko pangako hindi ko na siya sasaktan pang muli." Taimtim na panalangin ni Dave. Pinahid ang mga luhang lumabas sa kanyang mga mata.
Kay bigat naman kasi sa pakiramdam ng lahat ngunit ito lamang ang naisip niya. Kung lumayo si Ruth sa kanya kagagawan niya din naman. Oo alam niyang mali si Ruth sa pagpili sa kanya ngunit dapat parin siyang pagpasalamat dahil siya ang piniling pakasalan.
"Bumalik ako sa buhay niya naging magulo ang lahat. Mahal na mahal ko po si Ruth alam po ninyo yan. Halos namatay na ako ng mawala siya sa buhay ko pero kinaya ko naman po hindi ba? Siguro naman makakaya kong muling mawala siya sa buhay ko. Pero sana huwag mo siyang kunin, tama na po ang paghihirap na dinanas niya. Ibigay mo ang kaligayahan na nararapat hindi na po ako umaasang siya at ako sa huli pero umaasa akong magiging maligaya siya. Please panginoon maging maayos lang ang surgery at makarecover siya lalayo na ako sa kanilang mag asawa. Mahal ni Dave si Ruth mali man sinaktan niya ito alam ko hindi na niya uulitin pa lalo kung wala na ako sa buhay nila. Opo ang hirap naman talagang magpaubaya at magparaya dahil ang sakit. Mahal na mahal ko si Ruth higit sa buhay ko sana maging maayos ang lahat." Taimtim na dalangin din ni Jeth. Pinahid ng kamay ang luhang dumaloy sa kanyang mukha.
Nag angat ng tingin ang dalawa at nagtama ang mga mata. Tumayo si dave at lumapit kay Jeth umupo siya sa tabi nito.
"Mahal mo talaga si Ruth." Naisatinig ni Dave. Mahinahon ito.
"Mahal mo din siya." Ani Jeth.
"Oo, ayoko ng may kahati Jeth. Kahit sino naman ayaw ng may kahati o nakikihati." Si Dave.
"Naiintindihan ko. Sorry kung ginulo ko ang buhay niyo." Sagot ni Jeth.
"Gaano mo siya kamahal?" Tanong niya kay Jeth. Masakit sa kanya ito dahil parang kumukuha siya ng batong ipupukpok sa ulo niya. Tahimik ng nakinig si Dave sa sasabihin ni Jeth.
"She left me and chooses you. Mahal na mahal ko siya kaya nasaktan ako ng iwan niya ako. Sinubukan kong pigilan siya bago kayo ikasal ngunit mas pinili ka niya iniisip ko talagang mahal ka nya para talikuran ako. Lumayo ako Dave para mag move on. Natatakot akong magkita kami dahil baka mahal ko parin siya, natatakot akong masaktan ulit. Pero hinarap ko, magdadalawang taon na ng magkita kami ulit sa reunion ang kinakatakutan ko hindi ko naiwasan. Siya parin. Mahal ko parin siya. I am so sorry Dave." Yumuko si Jeth. "Pero lalayo na ako sa inyo, ayoko ng maging dahilan para pag awayan niyo." Ani Jeth.
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomantikBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015