Chapter Nineteen
Past Vs. Present
Ruth's POV
I can sense something. Dave, si Dave he is acting weird lately. Palagi niyang gustong kasama ako kahit saan man siya pumunta. Hindi niya ako pinapayagang pumunta sa shop mag isa. I don't understand him, nang una ay okay lang pero hindi ko na nagugustuhan.
"Dave I have to go back to the shop, hindi kakayanin ni Janice doon." Paalam ko sa kanya.
"Kaya ka nga nag-hire ng tao diba para may katuwang si Janice? " Sagot niya habang nakatutok sa laptop niya. Wala naman akong ginagawa sa opisina niya ayaw niyang umalis ako ng araw na iyon.
"Dave I am not liking this. Anong gusto mo ikulong ako dito?" Nagsisimula ng mainis ako sa kanya.
"May meeting ako sa DCU sasamahan mo ako. Nandoon si Jeth." Maikling tugon niya. So what kung nandoon si Jeth? "So?" nakataas na ang kilay ko.
"So, so you can see each other. Tama? " Tumayo siya, naramdaman kong may kaunting galit sa tono niya.
"Ano ba ang nangyayari sayo Dave, hindi na kita maintindihan. Halos ikulong mo nalang ako sa lugar kung saan ka. Hindi na ako makahinga sa ginagawa mo. Ano ba ang gusto mo ha?" Tumaas na ng tuluyan ang boses ko.
"Malaman ang totoo. Gusto kong malaman ang totoo Ruth!" Aniya. Kumunot ang noo ko sa tinuran niya.
"Ano bang totoo ang gusto mong malaman? Bakit hindi mo na itanong ng maayos kung gusto mong masagot kita ng maayos?! Bakit ba sarili mo lang ang iniisip mo. Napapagod na akong intindihin ka. Bakit kailangan mong gawin sa akin to?" Kaunti na lamang ay lalabas na ang luha sa aking mga mata. Nasasaktan na ako.Masyado ng masakit.
"Tinanong kita noon pero kasinungalingan ang sagot mo. Kaya ayaw ko ng magtanong sana. Kaso hindi eh, masyado na akong naaapektuhan ng dahil sa nakaraan mo. Ng dahil sa nakaraan NIYO." May pagdiin ang huling salitang binitawan niya. "Napapagod kang intindihin ako? Oo siguro, natuto ka ng napagod ng bumalik si Jeth sa buhay mo. Tama?" Aniya.
Saglit kong naramdaman na parang nagfroze ang katawan ko. Hindi ko inaasahang ganito ang sasabihin niya. May alam na siya sa amin ni Jeth? Pero paano? Kinakabahan ako.
"Bakit hindi ka makasagot? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Kaya ba kita nakikitang umiiyak minsan ng dahil sa kanya? Huh?" Galit ang nakikita ko sa kanyang mata.
"Iyon ba? Ito ba ang dahilan ng paghihigpit mo sa akin? Na halos sakalin mo na ako? GOD , Dave naman. Yes you asked me about Jeth sinagot kita magkaibigan kami. Magkaibigan naman talaga kami ngayon."
"BUT HE IS YOUR EX!" Pasigaw na saad niya.
"Don't raise your voice Dave!" Hindi ako natatakot sa kanya. "Ikaw na ang nagsabi he is my ex.. Ex means past. And Past is Past! You're being so childish Dave. Kung hindi ko man sinabi big deal ba yun? Besides magkaibigan naman kami so what is wrong with that? Hindi ba pwedeng maging kaibigan ang ex?!" Giit ko.
"But do you still love him?!" Paniniguro niyang tanong. I don't know how to answer him
"Oh come on Dave.Ano ba ang problema mo? Mag asawa na tayo hindi ba? Stop this bullshit.!" Tinalikuran ko siya, gusto kong lumayo. Ngunit napatigil ako ng hawakan niya ako sa braso.
"Take your hands off me Dave.!" Galit kong saad. Pinipilit kong kumawala sa kanyang kamay ngunit mahigpit niya itong hinihawakan.
"You can't go away from me Ruth. You're mine.!" Bahagya akong natakot sa sinabi niya. I can feel his anger.
BINABASA MO ANG
Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monster
RomanceBehind the White Mask by Beautiful Monster. No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS 2015