Jessie's POV
" Please.. Stay.. "
Napatigil ako sa paghakbang ng marinig ang sinabi nya.. Dalawang salita lang yun.. Dalawang salita na nagpabaliw sa tibok ng aking puso.. Damang dama ko ang kalungkutan sa boses nya.. Na para bang kahit ang presensya ko ay makakatulong para lang maibsan ng konti ang nararamdaman nya.. Nilingon ko sya kaya nagtama ang mga paningin namin.. Naaninag ko yun dahil maliwanag naman ang buwan..
" Kung hindi lang naman ako nakakaabala sayo.. " dagdag pa niya.. Napakurap kurap ako.. Bakit naman sya magiging abala? Tuluyan na akong humarap sa kanya..
" Okay lang naman.. " saka ako bumalik sa upuan ko kanina.. Mahabang katahimikan ang lumukob sa aming dalawa.. Ayoko din naman na unang magsalita.. Siguro nga gusto lang nya ng may kasama..
Napalunok ako ng lumakad ito papunta sa kinauupuan ko.. Umupo ito sa pinakadulo..
" Kumusta naman ang paglibot libot mo kanina sa buong hacienda? " nagulat pa ako ng bahagya ng magsalita ito.. Napatingin pa ako para lang siguradohing ako ang kinakausap nito.. Syempre naman kami lang namang dalawa rito.. Unless may nakikita syang iba na hindi ko nakikita.. Ipinilig ko nalang ang ulo ko sa naisip ko.. Nilingon nya ako kaya nagkunwari akong humihikad.. Hayst ang awkward naman nito..
" A-ahm ok lang naman.. M-maganda ho ang Catalins Farm.. " napangiwi pa ako pagkatapos kong sumagot.. Nauutal talaga? Hindi ka naman nyan obvious no..
" Mabuti naman.. " natahimik na naman ito.. Tiningnan ko ulit sya at alam kong may problema talaga sya..
" Okay lang ho yan Sir.. Kung ano man ho ang problema nyu maaayos nyu rin yan.. " sabi ko.. Nilingon nya ako kaya ngumiti ako.. Ngumiti din ito saka umiling iling..
" Ganun naba ako ka'obvious para isipin mo na may problema ako? " tanong nya saka nya ako tiningnan.. Nagkibit balikat ako..
" Hindi ho naman siguro kayo mapapa buntong hininga ng paulit ulit kung wala kayong problema Sir eh.. " sabi ko..
" Drop the Sir.. Don't be too formal Jessie.. " gosh pati boses nito nakakababae.. Napabuntong hininga na naman ito..
" Pang'anim mo na yan.. " sabi ko.. Napatawa naman ito na ikinabigla ko.. At hindi ko maiwasang mamangha sa pagtawa lang nya.. Ang sarap sa tainga ng tawa nya.. Kung ganito ba naman sya araw araw magiging makulay ang mundo.. Mundo ko.. Asa.. Napailing nalang ako sa naisip ko.. Kung ano ano nalang talaga ang sumasagi sa isip ko..
" You amused me so much Jessie.. " sabi pa nya.. Ngumiti lang ako.. Masaya din ako dahil napasaya ko sya.. " Bakit nga pala hindi kapa natutulog? " maya maya'y tanong niya..
" Naninibago lang.. Ikaw bakit hindi ka parin natutulog? " tanong ko sa kanya.. Parang palagay na din ang loob ko sa kanya.. Wala na yung awkwardness kanina.. Ewan ko lang sa kanya..
" Marami lang akong naiisip.. " sagot niya.. Hindi na ako nagsalita pa.. Baka lang gusto nyang sarilinin muna ang problema nya.. Nagkasya nalang ako sa pagtingala sa langit para tingnan ang mga bituin.. Parang mas lalo yatang lumiwanag ang mga bituin kisa kanina.. O guni guni ko na naman yun?..
" Saan ka pala sa maynila nakatira? " maya maya'y tanong nito bahagya pa nyang kinagulat..
" Sa Quezon City.. " maikli kong sagot.. Kung bakit naman kasi kinakabahan ako..
" Writer ka raw sabi ni Nay Maming.. " sabi pa nito.. Nakangiti akong tumango..
" Nai'chismis na pala ako ni Nay Maming sayo.. " sabi ko.. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.. Bakit ba kahit pagtawa sexy parin?.. Shit lang talaga..
" Romance writer? " tanong pa nito.. Tumingin ako sa kanya sabay tango.. Nagpatango tango din ito.. Ang hirap basahin ng nasa isip nya.. Para kasing sinasadya nya talagang itago kung ano man ang iniisip nya..
" Naniniwala ka sa love? " tanong ulit nito.. Matagal bago ako nakasagot.. Hindi lang kasi ako handa na magigibg kasali ang love sa pag'uusapan namin.. Nirelax ko muna ang sarili ko bago sumagot..
" Oo naman.. Imposible namang may taong hindi naniniwala sa love.. "
" I Am.. " awtomatikong napatingin ako sa kanya ng magsalita ito.. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang sakit na rumehistro sa mga mata nito.. Para bang nababasa ko iyon.. Parang nararamdaman ko ang nararamdaman nya sa pagtitig ko lang sa mga mata nya.. May mga nalalaman ako tungkol sa past nya pero alam kong may mas malalim pang dahilan kaya sya nagkakaganito ngayon.. Ito ang umiwas ng tingin at napabuntong hininga na naman..
" Noon naniniwala ako.. Pero.. Ngayon hindi na.. Nang mamatay ang mga magulang ko narealize kong walang nagiging permaninte sa mundo at mas napatunayan ko yun ng iwan ako ng babaeng nilaanan ko ng buhay ko.. " dama ko ang hinanakit sa bawat salita na lumalabas sa bibig nya.. Parang gusto ko syang lapitan at yakapin.. Masaya ako dahil alam kong hindi madali rito na maging open sa akin lalo pa at bago lang naman nya ako nakilala.. Pero mas lamang ang kalungkutan sa nalaman kong hindi na ito naniniwala sa pagmamahal.. Papano mabubuhay ng masaya ang mga tao kung walang pagmamahal? Iniwas ko nalang sa kanya ang aking paningin.. Tumingin ulit ako sa langit..
" Namatay din ang mga magulang ko.. Pati mga kapatid ko namatay din.. " nakita kong napatingin sya sa akin.. " Masakit lalo na kung biglaan silang nawala sa atin.. " saka ko sya binalingan kaya nagtama na naman ang mga mata namin.. " Pero hindi naman yun sapat na dahilan para mawalan na tayo ng paniniwala sa pagmamahal.. Mas masarap parin ang magmahal.. " sabi ko habang nakatingin kami sa isa't isa.. Hindi agad ito nakapagsalita.. At ng makahuma ito ay iniwas agad ang tingin sa akin..
" Bakit naranasan mo naba ang magmahal? " tanong nya.. Hindi naman ako nakasagot agad..
" H-hindi pa.. " sabi ko sabay yuko.. Totoo naman talagang hindi pa ako nakaranas.. May mga nanligaw sa akin sa maynila.. Pero sadyang nakatuon ang atensyon ko sa pamilya ko.. Kung papano ko sila maiahon sa hirap.. Narinig kong tumawa ito ng pagak..
" Then bakit sure na sure ka about sa love kung wala ka naman palang experience? Hindi mo pa nararanasan.. Wala ka pang idea kung gaano kasakit.. Kung gaano kasakit ang lokohin.. Fiction lang ang alam mo Jessie.. Hindi mo pa alam ang reyalidad " mahaba nitong sabi.. Napapailing pa ito.. Bakit kung wala nabang experience meaning wala na talagang alam?.. May alam din ako dahil hindi lang naman ako nagsusulat.. Nagreresearch din ako.. Nakikipag'usap sa mga may karanasan na.. Ano bang akala ng lalakeng 'to na basta basta nalang ako nagsusulat ng walang nalalaman sa reyalidad?.. Tiningnan ko sya mata sa mata..
" Then let me in.. " hindi ko alam kong saan ako kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon.. Pero nacha'challenge talaga ako sa pananaw nya sa buhay ngayon.. Gusto kong bagohin ang pananaw nya sa pagmamahal.. Gusto kong ipaintindi sa kanya na natural lang masaktan dahil nagmamahal ka..
" What do you mean? " tanong nito na kunot noo pa.. Humugot muna ako ng hininga bago nagsalita..
" Hayaan mo akong patunayan sayo na mali ka sa pananaw mo sa pagmamahal.. Hayaan mong patunayan sayo na natural lang ang masaktan.. " unti unting nawala ang pagkakakunot ng noo nya at napalitan iyon ng pagkagulat.. Namilog ang mga mata nito.. Na para bang hindi sya makapaniwala sa mga sinasabi ko.. Kahit ako hindi ko narin alam ang pinagsasabi ko.. Basta sinusunod ko lang ang nasa puso ko.. At mas lalo pang namilog ang mga mata nya at napanganga pa sya sa huli kong sinabi..
" Hayaan mo akong mahalin ka.. Illos.. "
BINABASA MO ANG
Somebody's Me (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series I The Aguilos Monreal and Jessie Dantes Story