It's Over

21.6K 572 30
                                    

Jessie's POV

Unang tumambad sa akin ang puting kisame.. Inilibot ko ang paningin sa paligid at nasalubong ko ang nagtatanong na mga mata ni Illos.. Nang marealize ko kung bakit ako nandito agad gumuhit ang pag'aalala sa mukha ko at hinawakan agad ang puson ko..

" A-ang baby ko.. Anong nangyari sa baby ko? " tanong ko agad.. Nakita ko ang paghinga nya ng malalim..

" The baby is okay.. Why didn't you tell me about this Jessie? " seryuso niyang tanong.. Nagkatitigan kami.. Pero ako din ang unang umiwas.. Pero tiningnan ko ulit sya..

" Para saan pa?.. Para gawin mo lang dahilan na hindi ako iwan?.. Tama ng hindi mo ako kayang mahalin Illos wag mo ng idamay pati ang anak ko.. " mahinang sabi ko pero may diin ang bawat salita.. Oo mahal ko sya pero sagad na sagad na ako.. Kung gusto nya talagang makasama ang babae nya hindi ako magiging hadlang sa kanila..

" Anak ko rin ang batang yan! " napakunot noo ako.. Bakit sya pa ang may ganang magalit ngayon?

" Wag mo akong sigawan!.. Wala kang anak sa akin Illos dahil unang una hindi ito nabuo dahil nagmamahalan tayo!.. Ako lang ang nagmamahal kaya akin ang batang ito!.. Ako lang ang magulang nya! " nakita ko na bigla syang natigilan.. Alam kong nasaktan ko sya sa mga sinabi ko pero wala na akong pakialam.. Wala pa yun sa kalahati ng sakit na nararamdaman ko sa ginawa nila..

" If only you could hear me out Jessie.. Magpapaliwanag ako.. " nag'iba na ang tuno niya.. Hindi na sya galit kundi para na syang nagmamakaawa.. Pero tama na ang minsang pagpapakatanga.. Isinugal ko na ang lahat.. Binigyan ko na sya ng pagkakataon pero sinayang nya lang.. Huminga ako ng malalim dahil anytime tutulo na ang luha ko.. Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako..

" The damage has been done Illos.. Wala na akong maibibigay na pagkakataon sayo.. Sinayang mo lang ang tiwala na binigay ko.. Kung nagawa mo ito sa akin ngayon magagawa mo rin ito ng paulit ulit.. " hindi ako nakatingin sa kanya habang sinasabi iyon.. Ayokong makita ang mukha nya habang sinasabi ko ang mga masasakit na mga salita.. Ayokong maawa na naman sa kanya.. Ayokong mas lumamang na naman ang pagmamahal ko sa kanya..

" I'm sorry.. Aaminin kong nakamali ako.. Aaminin kong naakit ako.. Wag mo lang akong iwan.. " hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko sa mga mata.. Pero ipinalis ko lang agad iyon.. Ayokong isipin nya na naapektohan pa ako sa kanya..

" Kung pwede lang mabura ng sorry mo ang sakit na dulot ng pagtataksil mo Illos.. Pero hindi.. Nakita ng dalawa kong mata na pinagtaksilan mo ako.. Daig ko pa ang sinaksak patalikod.. Mahal kita.. Pero minsan hindi sapat na mahal lang kita.. " halos hindi ko mailabas ng maayos ang mga salitang binitawan ko.. Masakit din para sa akin ang magiging desesyon ko.. Pero para din sa akin at sa anak ko ang gagawin ko.. " Maghiwalay na tayo.. " sabi ko sabay kagat sa ibabang labi ko.. Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa mga kamay.. Ibinaling ko sa ibang dereksyon ang mukha ko..

" Jessie please.. I'm sorry.. I'm so sorry.. Mahal kita.. Mahal kita.. Ayokong mawala ka please.. " nabasag na din ang tinig niya tanda ng pag'iyak.. Niyakap nya ako at isiniksik ang mukha sa leeg ko.. " Nagmamakaawa ako.. Wag mo akong iwan.. " dagdag pa niya.. Napapikit ako.. Hindi ko pa kayang magpatawad.. Hindi ko pa kayang kalimutan ang ginawa nya..

" Sana inisip mo yan bago mo ako pinagtaksilan.. Tama na Illos.. Wala na akong kayang maibigay na kapatawaran sa'yo.. Wala na tayo.. Wala nang tayo.. It's over.. " matigas kong sabi sa kanya.. Unti unti syang kumalas sa akin habang natitigilan sa mga sinabi ko.. Minsan nakakapagpabago din ng isang tao ang sobrang sakit na nararamdaman.. Na gusto mo nalang patigasin ang loob mo para maging manhid nalang..

" N-no.. You don't mean that.. " sabi niya.. Sinalubong ko ang mga mata nya at pinakatitigan sya.. Matalim ko syang tiningnan..

" Umalis kana.. Kalimutan mo na ako.. Kalimutan mo nang may anak ka.. Dahil kakalimutan na din kita.. Kakalimutan ka namin.. Isa kang bangungut sa buhay ko.. Kaya umalis kana! " tiningnan nya ako na para bang hindi makapaniwala.. Sinalubong ko lang ang mga mata nya.. Nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa mga mata nya pero hindi ko na pinansin iyon.. Mas masakit parin ang nararamdaman ko.. Umiling iling sya saka yumuko.. Pagkatapos tumingala at suminghot pa.. Nagpatango tango sya bago ibinalik ang tingin sa akin.. Mahina itong tumalikod saka nagpunta sa pintoan.. Bago pa sya lumabas lumingon pa sya sa akin..

" I'm sorry Jessie.. Alam kong habang buhay kong pagsisisihan ang lahat ng 'to.. At hindi totoong hindi kita minahal.. Dahil mahal na mahal kita.. I'm sorry again.. " pagkatapos ay lumabas na sya.. Kasabay ng paglabas nya ang paghagulhol ko.. Itinakip ko pa ang mga kamay ko sa mukha ko at nag'iiyak nalang.. Gustohin ko mang bawiin ang lahat pero buo na ang pasya ko.. Alam kong makakausad ako ng wala na sya sa piling ko.. Mahirap.. Pero para sa isang anghel na nasa sinapupunan ko ay kakayanin ko lahat.. Magsisimula ako ulit ng wala ng Illos sa buhay ko..

----------------------------------------

Illos's POV

Naglalakad ako na parang walang dereksyon.. Parang wala nang halaga sa akin ang buhay ngayon.. Ito na ang kabayaran sa lahat ng ginawa ko.. Sa isang beses na pagkakamali na nagawa ko, panghabang buhay na kaligayahan ang nawala sa akin.. Si Jessie.. At ang masaklap pa pati anak ko wala na din sa akin.. I deserve this.. Nararapat lang sa akin ang lahat ng 'to.. Kulang pang kabayaran ang buhay ko sa lahat ng sakit na idinulot ko kay Jessie..

Kung noong una nagugulohan pa ako sa nararamdaman ko kina Sera at Jessie, ngayon malinaw na malinaw na sa akin ang lahat.. Si Jessie ang mahal ko.. Sya lang ang mahal ko.. Pero huli na ang lahat.. Tuluyan na akong binitawan ni Jessie..

Natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng simbahan sa mismong hospital.. Hindi ako pala simba at hindi din ako pala'dasal.. Pero ngayon kailangan na kailangan kong malinawan sa lahat ng pangyayari sa buhay ko.. Kung bakit ito nangyayari sa akin ngayon.. Naramdaman kong may tumabi sa akin.. It was Erros.. Hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa may altar.. Good thing is wala masyadong tao sa simbahang yun..

" Napaka gago ko.. " sabi ko.. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa..

" Buti alam mo.. " sabi pa nito.. Naramdaman ko ang pag'agos ng mga luha sa mga mata ko.. Ngayon lang nagsusumiksik sa isip ko kung ano ang nawala sa akin.. At dahil iyon sa kagaguhan ko..

" Wala na sya sa akin.. " yumuko lang ako habang umiiyak.. Naramdaman ko ang kamay ni Erros sa balikat ko..

" Give her time.. Bigyan mo sya ng panahong makapag'isip.. Hindi sya nawala Illos.. Ikaw ang nawawala ngayon.. Hanapin mo muna ang sarili mo bago ka muling humarap sa kanya.. " sabi nito.. Tama sya.. May panghahawakan parin ako kay Jessie.. May anak ako sa kanya at asawa ko parin sya.. Tumingin ako kay Erros at ngumiti..

" Tama ka.. Babalikan ko sya sa tamang panahon.. Babalik ako na buo na ang sarili ko.. Babalik ako sa pamilya ko para buoin iyon.. " sabi ko na nararamdaman ang pag'asa.. Sisiguradohin ko na sa pagbabalik ko hindi na makakawala pa si Jessie sa akin.. Hindi ko na sya pakakawalan pa..

Nagkaroon ako nang pag'asa after kong makausap si Erros.. He really never failed me.. Para na syang kapatid sa akin.. Tama sya.. Dapat ko munang pabayaan si Jessie ngayon.. Pero sa susunod na magkikita kami sisiguradohin kong babalik sya sa akin at hinding hindi na ako mawawala pa sa kanya.. Napatingin ako sa may altar ng simbahan.. I mouthed thank you.. Alam ko hindi Nya ako pababayaan pati na ang mag'ina ko.. Gagawin ko ang lahat para mabuo ulit ang pamilya ko..

Please love, wait for me..

---------------------------------------------
A/N: short UD.. ;-)

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon