Jessie's POV
Napangiwi ako sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko.. Ilang beses ba ako pinabugbug ni Sera sa mga tauhan nya.. Napakawalang hiya talaga.. Mas lalo tuloy na hindi ko ibibigay sa kanya si Illos.. Baliw na sya.. Sobrang baliw.. Buti nalang talaga at hindi nila napansin ang baril na nasa likod ko lang.. Ang masaklap lang nakatali ako ngayon..
Muli kong pinilit na makabangon kahit sobrang sakit na ng katawan ko.. Ang pag'asang makita ko pa sila Illos ang tanging nagpapatatag sa akin kaya siguro kahit sobrang pambubugbug na ang ginawa ng mga tauhan ni Sera nakuha ko paring magising..
Nang makaupo ako sa papag huminga ako ng malalim at inilibot ang paningin sa kwartong nilagyan nila sa akin.. Naghahanap ako ng pwedeng malabasan oras na makalas ko ang tali sa kamay at paa ko.. Kailangan kong mag'isip ng mabuti sa gagawin ko kung gusto ko pang mabuhay..
Hinay hinay kong kinakalas ang tali gamit ang papag.. Kung di rin lang kasi sila mga tanga talagang manipis lang na lubid ang pinangtali nila.. Nang makalas ko ang tali pinigilan ko ang sarili kong humiyaw sa tuwa.. Alam kong nasa labas lang ang mga kalaban.. Sunod ko namang kinalas ang nasa paa ko.. Kahit masakit ang katawan pinilit kong tumayo at kinuha ang baril na nasa likod ko.. Nang makalapit ako sa pinto idinikit ko pa ang tainga ko sa pinto at pinakirandaman ang nasa sa labas..
" Tang'ina pare ang ganda nung pinabugbug ni Ma'am sa atin.. Ang sarap tikman.. " napangiwi ako sa narinig.. Mga ganitong tao talaga ang kinakasalamuha ni Sera? Mga halang ang kaluluwa..
" Bawal yun pre.. Magagalit si Ma'am sa atin.. Ang sabi nya lang pahihirapan lang natin hindi natin pwedeng pagsamantalahan.. " narinig ko pa na sabi ng isa..
" Tsk.. Hindi naman nya malalaman eh.. Bakit sasabihin mo ba? " sabi pa nung isa.. Matagal pa bago nakasagot ang isa parang nag'iisip..
" Hindi naman.. Pero kasi- "
" Yan naman pala eh.. Tara na pasokin na natin.. " napahigpit ang hawak ko sa baril nang makarinig ng mga yabag patungo sa kinaruruonan ko.. Mukhang sa kanila ko pa unang mapuputok ang baril ko..
Bahagya akong lumayo sa pintoan ng marinig kong nag'click ang seradura.. Kasabay ng pagbukas ng pintoan ang pag'umang ko sa baril sa mga pumasok.. Nakita ko ang pagkabigla nilang dalawa.. Hindi talaga ako magdadalawang isip na ipaputok ito sa kanila..
" Tang'ina pano ka nagkabaril? " tanong ng isa na parang wala ngang gagawing maganda ang hitsura.. Napangiti ako na parang nang'uuyam.. Mga bobo..
" Hindi ako katulad nyu na mga tanga! Tumabi kayo dyan at dadaan ako! " hindi parin sila tuminag kaya mas lalo ko pang itinutok ang baril sa kanila.. Itinaas nila ang kanilang mga kamay na parang sumusuko.. Dapat lang kung ayaw nilang mamatay.. " Akin na ang susi.. " sabi ko sabay kuha sa susi na inabot ng isa.. Nakatutok parin sa kanila ang baril habang lumalabas ako ng pinto.. Nang maisara ko ang pinto agad ko itong isinara at kinandado.. Nagpalinga linga agad ako.. Mabuti na yung maingat.. Alam ko hindi lang sila ang mga tauhan ni Sera.. Mahina akong naglakad palabas.. Kailangan kong maging alisto..
Nakita ko na sana ang pinto nang makarinig ako ng putok sa labas.. Agad akong nagtago pero nang paglingon ko nakita ko si Sera na may hawak na baril at nakatutok na sa akin.. Itinutok ko narin ang baril ko sa kanya.. Kataposan ko na yata..
" Where do you think you're going? " tanong nito.. Ang sarap lang talaga kalabitin ng gatilyo dito para matapos na..
" Kung ako sayo Sera susuko na ako.. Dahil alam ko nandyan na sa labas ang mga pulis para hulihin ka.. " nakita ko ang pagtagis ng bagang nito..
BINABASA MO ANG
Somebody's Me (COMPLETED)
Roman d'amourHaciendero Series I The Aguilos Monreal and Jessie Dantes Story