Illos's POV
Walang pagsidlan ang kasiyahan na nadarama ko ngayon.. Alam kong unti unti na nya akong napapatawad.. Hindi ganun kadali pero gagawin ko ang lahat bumalik lang ang pagmamahal at pagtitiwala nya sa akin..
Nang makita ko sya kagabi sa bar ni Erros gusto ko agad syang yakapin.. Pero kasama ko si Sera.. Wala na naman kami at tanggap na nito na hanggang kaibigan nalang ang maibibigay ko.. Hindi ko naman ito pwedeng baliwalain nalang dahil ito ang kasama ko noong nag'uumpisa ulit ako.. She never leave me.. Pero alam nitong si Jessie ang mahal ko..
Habang umiinom lang sya kagabi sa bar nakatingin lang ako sa kanya.. Pero napakuyom ako ng mga kamay ng lumapit si Sef.. Yusef Ibarra.. Kaibigan din namin sya ni Erros.. But seeing him with my wife make me pist off.. At napakasakit makita na tumatawa si Jessie habang kausap ito.. Dahil hindi na ako nakapagpigil nilapitan ko na sila at hindi ko na inisip na may kasama ko.. I just want to claim what's mine.. Kaya nga nandito kami ngayon..
Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha.. Nakayakap parin sya sa akin habang natutulog.. Para pang napaka payapa ng pagkakatulog nya.. Hiniling ko sa kanya kagabi na bigyan nya ulit ako ng chance na mahalin sya.. Hindi man sya direktang sumagot pero ng mahigpit na nya akong niyakap alam kong binibigyan na nya ako ng pag'asa.. At hinding hindi ko iyon sasayangin.. Kahit pa araw araw at habang buhay kong papatunayan sa kanya ang katapatan ko hinding hindi ako magsasawa..
Maingat akong bumangon para hindi magising si Jessie.. Balak kong ipagluto ng almusal ang mag'ina ko.. At excited na din akong makita ang anak ko.. Kinuha ko sa kotse ang damit ko saka ako bumalik ulit sa kwarto ni Jessie para maligo.. Hindi na din ako nagtagal at bumaba na ako.. Nadatnan ko pa ang isang katulong doon na gulat na gulat pa pagkakita sa akin.. Naka'boxer short lang naman kasi ako at nakasando..
" Asawa ako ni Ma'am Jessie mo.. Ako nalang ang magluluto para sa kanila.. " alam kong naniwala sya dahil wala naman siguro sa hitsura ko ang gagawa ng masama.. Tinulungan nya nalang akong kuhanin ang mga kailangan ko..
" Ahm Sir ikaw ho ba yung Papa ni Illas? " tanong nito.. Hindi naman ito katandaan at hindi rin naman bata.. Siguro nasa mga med 30's na sya.. Ngumiti ako habang gumagawa ng pancakes.. Sabi kasi nito ito raw ang paboritong kainin ni Illas..
" Yup.. Ako nga.. " sagot ko..
" Kaya po pala ang gwapo ni Illas.. Nagmana sa inyo Sir.. " sabi pa nito na kinangiti ko pa lalo.. Excited na akong makita ng malapitan ang anak ko..
" Yaya.. Who is he? " agad akong napalingon ng marinig ang maliit na boses na yun.. And there I saw the small version of me.. Nagtataka itong nakatingin sa akin saka napakunot noo.. Pati pagkunot noo nakuha nito sa akin.. Magsasalita na sana ang yaya nito ng pinigilan ko..
" Let me talk to him.. " sabi ko.. Tumango lang ito saka iniwanan kami.. Actually kung kinabahan ako na nakikipag'usap kay Jessie.. Lalo naman sa nasa harap ko.. Ang dami kong pagkukulang sa kanya noong lumalaki na ito.. Kahit pa sabihing para ko naring nasubaybayan ang paglaki nya dahil kahit sa malayo tinatanaw ko sila ni Jessie, iba parin kapag nagkakasama talaga kami.. He's still waring his pajama's.. Lumapit ako sa kanya saka pinantayan ang laki nya..
" Hi.. I'm Illos.. " mas lalo pa itong napakunot noo ng magpakilala ako.. Gustong gusto ko na syang yakapin ng mahigpit.. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko.. Baka kasi mabigla ito at matakot sa akin..
" Kapangalan nyu po ang Taytay ko.. Pero sabi ni Naynay nasa malayong lugar sya at baka hindi na bumalik.. " parang kinurot ang puso ko sa narinig.. So akala pala talaga ni Jessie hindi ko na sila babalikan.. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at niyakap ko sya ng mahigpit.. Alam kong nagulat sya pero hindi naman pumalag.. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko.. I am just happy.. Finally, nayakap ko na din ang anak ko..
BINABASA MO ANG
Somebody's Me (COMPLETED)
RomansaHaciendero Series I The Aguilos Monreal and Jessie Dantes Story