New day

50.6K 823 7
                                    


Jessie's POV

Napabuntong hininga ako ng makababa na ako sa bus.. Nasa San Martin narin ako sa wakas.. Personal kong pinili ang lugar na ito dahil bukod sa konti lang ang populasyon sa lugar ay dito ko rin balak na simulan ang sinusulat ko.. Im a freelance writer.. At dito ko din balak na kalimutan ang trahedyang nangyari sa pamilya ko..

Nag'init na naman ang sulok ng mga mata ko ng maalala ang pangyayaring yun kaya bago pa ako magdrama sa lugar nato ay minabuti ko ng kunin ang maliit na traveling bag ko at lumabas na ng terminal.. Malayo ito sa maynila.. Malayo sa reyalidad ng buhay.. Alam kong dapat kong harapin ang kalungkotan ko pero sa ngayon hindi ko pa kaya.. Gusto kong magpakatatag at maging malakas lalo pa't ako nalang ang naiwan sa buhay..

Napagpasyahan kong maghanap muna ng makakainan dahil gutom narin naman ako.. Papatawid na ako ng may makasabay akong ale.. Marami syang dala na mga malalaking supot at alam kong nahihirapan syang dalhin iyon lahat kaya nilapitan ko sya..

" Ahm ale tulongan ko na ho kayo " sabi ko.. Napatingin sya sa akin at ngumiti..

" Naku iha hindi ko talaga tatanggihan ang alok mo.. Salamat.. " sabi niya.. Agad ko naman binitbit ang isang malaking supot at sabay na kaming tumawid..

" Saan ho kayo ale? " tanong ko ng makatawid na kami..

" Dito nalang ako sa sakayan iha.. Salamat ulit.. Ikaw ba saan ang punta mo? " tanong nito sabay tingin sa dala kong bag..

" Kakarating ko lang po.. Naghahanap pa ho ako ng matutuluyan eh.. Galing pa ho kasi akong maynila.. " sabi ko..

" Talaga.. Ibig sabihin wala kapang mapupuntahan? " tanong nito ulit.. Tumango ako.. Para pa itong nag'isip sandali at maya maya'y ngumiti sya sa akin..

" Doon ka nalang kaya sa akin.. Total tinulungan mo naman ako.. Medyo malayo layo pa dito ang Hacienda Monreal pero masasabi kong maganda din naman doon.. " sabi nito..

" Talaga po? Ok lang po iyon sa inyo? " tuwa kong sabi.. Ang swerte ko naman.. Tingin ko naman kasi kay manang ale ay mabait..

" Oo naman.. Ano sama kana ngayon sa akin? "

Hindi na ako nagdalawang isip na sumama sa kanya.. Ang maayos na matutuluyan ang pinaka importante ngayon at napaka swerte ko dahil nakilala ko sya..

Mahaba habang byahe din ang tinahak namin bago kami makarating sa bayan ng Hacienda Monreal.. Kwento pa sa akin ni Aleng Maming ang lahat ng nasasakopan ng bayang ito ay pagmamay'ari ng mga Monreal.. Mababait raw ang pamilya simula pa sa kanuno'nunoan nila.. At halos lahat ng mga tao dito ay sa kanila nagtatrabaho.. Isa na doon si Aleng Maming na nasa taniman ng iba't ibang bulaklak sa hacienda.. Talaga ngang mayaman ang mga Monreal dahil sa lawak ng pag'aari nila.. Nakakalula siguro kung may ganito din akong yaman..

Isang maliit lang na bahay ang tinitirhan ni Aleng Maming.. Minsanan lang daw sya umuuwi rito dahil doon sya natutulog sa bahay na para sa mga trabahador ng hacienda.. Nagkataon lang na day off nya ngayon kaya nakauwi sya at ang mga binili nya kanina ay pra sa kunsumo nila doon.. Kaya pala ang dami..

" Nasa maynila na din kasi ang nag'iisa kong anak na babae.. May asawa na sya doon.. At noong nakaraang taon lang eh namatay na din ang asawa ko kaya minsanan nalang talaga ako makauwi dito.. " kwento pa nya habang papasok kami sa bahay nya..

" Nakikiramay po ako Aleng Maming " sabi ko.. Naalala ko tuloy sila Mama at Papa..

" Naku matagal na yun.. Tanggap ko na naman.. Ganun naman talaga ang buhay.. " hindi ako umimik..

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon