Chances

19.5K 531 9
                                    

Jessie's POV cont..

Inilibot ko ang paningin sa kwarto namin ni Illos.. Malungkot akong napangiti.. Dito ko unang binigay kay Illos ang sarili ko.. Dito namin pinaramdam ang pagmamahalan namin.. Yeah namin.. Dapat kaming dalawa ang nakakaramdam ng parehong pagmamahal sa isa't isa.. Pero ngayon ko narealize na ako lang pala talaga ang nagmamahal.. Ang relasyon namin ni Illos ay parang naglalarawan ng isang linggong pag'ibig.. 3 months nga lang kami nagsama.. Pero parang ganun narin yun..

Napabuntong hininga ako bago ko ibinalik ang paningin sa pag'iimpake ng mga gamit ko.. Kung ano ang dinala kong gamit noong una akong lumipat rito ay sya lang ding dinala ko.. Iniwan ko ang mga ipinamili nya sa akin pati ang mga ipinanregalo nya.. Sapat ng alaala ang nasa sinapupunan ko sa kanya..

Ito sana ang magiging gift ko sa kanya ngayong araw na ito.. Pero sinira lang iyon ng katotohanang iba ang minamahal nya at hindi ako.. Napatigil ako sandali sa ginagawa ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.. Alam kong si Illos ang pumasok dahil amoy na amoy ko ang pabango nya.. Napapikit ako.. Mahaba habang proseso talaga ito kung papano ako makakausad sa buhay ng hindi ko sya mamimiss.. Sana'y na ako sa kanya.. Sana'y na ako sa ugali nya.. Pero nagsusumiksik parin ang katotohanang akin nga sya kung batas ang pagbabasihan.. Pero ang puso naman nya ay nasa iba..

Pinakiramdaman ko lang ang mga kilos nya.. Gustohin ko mang lingonin sya pinipigil ko lang ang sarili ko.. Aminado naman kasi ako na kahit nangyayari ito ngayon sa amin hindi parin nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya.. Ngunit mas nabigla ako nang maramdaman ko ang mga bisig nya na yumakap sa akin mula sa likod.. Isinandal nya ang noo sa likod ng ulo ko at paulit ulit na kinikintalan ng halik ang ulo ko.. Napapikit ako habang kagat ko ang labi ko.. Alam ko kasing sa simpleng pagyakap nya lang sa akin natibag na agad ang galit na naramdaman ko kanina.. Nag'unahan sa pagtakas sa mga mata ko ang luha na kanina ko lang pinipigilan..

" I'm sorry.. I'm sorry.. " paulit ulit nyang sabi habang mahigpit nya akong yakap yakap.. " Please don't leave me.. " dagdag pa nya.. Nabasag na din ang boses niya at sumisinghot na din sya.. Indekasyon na umiiyak sya.. Bakit? Bakit sya nasasaktan kung hindi naman nya ako mahal?..

" Sinasaktan mo na ako Illos.. " mahina kong sabi..

" I know.. I know.. And I'm sorry.. Nabigla lang naman ako kanina.. Please don't give up on me Jessie.. Please.. " napapikit ako ng mariin.. Ano ba ang dapat kong gawin?.. Give me a sign please.. At ganun nalang ang pagbilog ng mga mata ko nang maramdaman ko ang biglang pagpitik sa loob ng sinapupunan ko.. Napahawak ako sa hindi pa malaking puson ko.. Gusto mo pa bang bigyan ng chance ang Papa mo anak? At naramdaman ko ulit ang pagpitik nito.. Kaya napaiyak pa ako lalo.. Kahit ang walang kamuwang-muwang na sanggol na nasa sinapupunan ko gusto ding bigyan ng chance ang Papa nya.. Pero itatago muna kita sa kanya okay.. Ayoko naman kasing mas pilitin pa nyang maging okay kami dahil lang sa bata.. Gagawin ko ito para sa anak ko.. Bibigyan ko sya ng chance..

Hindi ako tumutol ng pinaharap nya ako sa kanya.. Pulang pula na ang mga mata niya sa kakaiyak.. Bakas din sa kanyang mga mata ang paghihirap.. Napapikit ako nang pinunasan nya ang magkabila kong pisngi..

" I'm so sorry love.. Please wag kang umalis.. " sinalubong ko ang mga mata nya.. May nakita akong senseridad sa mga sinabi nya.. Isang chance nalang para sa kanya.. Isang chance.. Umangat din ang mga kamay ko at pinunasan ang mga luha nya sa pisngi.. Kita ko ang pagkabigla nya at nagtatanong na mga mata..

" Last chance Illos.. Naiintindihan ko na may nakaraan kayo ni Sera.. Pero ang tapakan nya ang pagkatao ko ay hindi counted sa pag'iintindi ko.. Matuto syang makisama dahil nasa pamamahay natin sya.. " diniinan ko pa ang pagkakasabi ng natin.. Sa susunod na apakan nito ulit ang pagkatao ko makakatikim na talaga ito sa akin.. Nakita ko ang pagngiti ni Illos sabay yakap sa akin.. Napangiti narin ako.. Wala na ang galit..

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon