Sacrifice

22.3K 486 10
                                    

Illos's POV

Kanina ko pa tinatawagan si Sera pero hindi nito sinasagot ang mga tawag ko.. Nag'aalala ako.. Not just for my son but also for Jessie.. Ni hindi ko man lang sya nakitaang umiyak.. She is quite the whole time.. Hindi ko mabasa ang iniisip nya dahil wala naman akong makitang ekspresyon sa mukha nya..

Nakipag'ugnayan na ako sa mga kakilala kong mga pulis.. Even Sera's family.. Nasa ibang bansa ang mga ito at wala akong ibang naririnig sa kanila kundi ang humingi ng paumanhin sa ginawa ng anak nila.. I can't blame them.. Wala silang alam.. Ako ang may kasalanan.. Ako ang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Sera.. Gustohin ko mang panghinaan ng loob, hindi ito ang panahon.. Kailangan kong magpakatatag para sa anak ko.. Para kay Jessie.. Para sa pamilya ko..

Hindi ko mapigilang mapasabunot sa buhok ko.. Gusto kong gumawa ng paraan na hindi maapektohan ang pamilya ko.. Pero isa lang naman ang hinihingi ni Sera.. Ako..

" Illos.. " agad akong napalingon sa nagsalita.. Nandito kami ngayon sa bahay ni Jessie.. Pareho kaming naghihintay sa tawag ni Sera.. Kanina nagpunta na rin dito ang mga pulis para sa mga detalye.. Mula kanina ngayon lang ako kinibo ni Jessie.. Mapait akong ngumiti sa kanya..

" I'm sorry.. " iyon lang ang nasabi ko.. Hindi ako makatingin sa kanya.. Ayos na sana ang lahat pero hindi ko naman inakala na ang pagtalikod ko kay Sera ang syang magiging metsa ng lahat ng 'to.. Naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin na bahagya kong ikinagulat.. Isiniksik nya pa ang mukha sa dibdib ko.. Napapikit ako at niyakap rin sya..

" This is my fault Jessie.. " mahina kong sabi sa kanya.. Hinalikan ko ang buhok nya.. Hindi ko maisip na ang kaninang masayang tagpo namin sa opisina nya ay mapapalitan ng napakasakit na pangyayari.. Naramdaman ko ang pag'iling nya saka nya ako hinarap pero nanatili paring nakayakap sa akin ang braso nya..

" Walang may kasalanan Illos.. Pareho nating hindi alam na mangyayari ito.. Alam ko hindi sasaktan ni Sera si Illas.. At gagawin natin ang lahat para makuha ang anak natin.. " nakita ko ang determinasyon sa mga mata nya.. Bakit ko ba sya nasaktan noon? Bakit ba ako naduwag noon sa pagmamahal ko sa kanya? Papano ko tinalikuran ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin lang ako? Agad ko syang ginawaran ng magaang halik sa labi..

" Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama kay Illas Jessie.. " sabi ko.. Bumuntong hininga sya saka hinaplos ang magkabila kong braso na nagbigay naman ng kakaibang ginhawa sa akin.. Simula noong nawala sya sa akin ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito..

" Walang mangyayaring masama okay.. Alam ko ginagawa na ng mga pulis ngayon ang lahat para makuha si Illas.. " malumanay parin ang boses nya.. Papano nya nagagawa ito? Nakakunot noo akong nakatingin sa kanya.. " What? " may ngiti niyang tanong..

" You seem so relax.. " sagot ko.. Nakita ko ang paglikot ng mga mata nya pero agad din namang nawala.. Para bang may tinatago sya..

" Because I know everything will be alright.. Mababalik din lahat sa dati.. " hindi.. Parang may mali talaga.. Kanina ko pa sya napapansin na palaging nag'iisip.. Ngayon naman naniniwala syang maaayos din ang lahat.. May hindi ba sya sinasabi sa akin? Naramdaman ko ang labi nya sa labi ko na agad ko namang tinugon.. Nawala na ang iniisip ko dahil sa distraction na ginawa nya.. " Make love to me Illos.. " sabi nya sa pagitan ng paghahalikan namin.. Kahit pa may pagtataka ako hindi ko naman mahindian ang hiling nya.. Agad ko syang ipinangko at dinala sa kwarto.. Baka nga ito lang ang gusto nyang paraan para mabawasan ang pag'aalala nya.. Baka nga gusto nya lang maramdaman namin ang suporta sa ganitong paraan.. At sino naman ako para ipagkait iyon sa kanya.. I need her more than she needs me..

--------------------

Jessie's POV

Mahina akong napapabuntong hininga habang nakatitig kay Illos na nakadapang natutulog sa kama.. We just make love a countless times at alam kong napagod ko sya.. He is like a beast in bed.. No wonder kung bakit sya parin ang hinahanap ng katawan ko.. Pero ang main reason kung bakit kahit sa kabila ng pagod na nararamdaman ko ay gising na gising parin ako hanggang ngayon ay ang pagkikita namin ni Sera..

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon