Foolish Heart

28.9K 658 1
                                    


Illos's POV

Isang linggo na ang lumipas ng sinundo ko si Nay Maming sa bahay nito.. Isang linggo na mula ng makita at makilala ko si Jessie.. Isang linggo na.. Isang linggo na pero bakit hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang mukha nya?.. Mas naging busy pa naman sana ako sa trabaho ko dahil nagkaroon ng maraming investment ang kompanya sa maynila.. Pero at the end of the day naiisip ko parin ang maamo nyang mukha..

Nababaliw na yata ako.. I just only meet her for godsake.. Pero bakit ganito na ang ipekto nya sa akin.. This is the first time.. Sanay na naman ako sa pakikipagharap sa iba't ibang babae dahil simula noong...

Ugh!!!.. I hate this.. Ayoko nang balikan ang pangyayaring iyon sa buhay ko.. Its been fucking years!.. Dapat nakapag move on na ako sa pangyayaring yun..

My parents died two years ago.. Pareho silang namatay sa isang aksidente.. Napakasakit yun sa part ko dahil nag'iisa lang akong anak nila at hindi pa ako ready mag'isa.. Halos hindi ako makausap ng matino ng mga kasambahay pati na ang mga katiwala sa negosyo ni Papa.. Until nakilala ko si Sera.. Sya ang nagbalik ng kasiglahan sa buhay ko.. Akala ko okay na ang lahat.. Akala ko sya na ang makakasama ko sa habang buhay.. But she betrayed me.. Niloko nya ako.. Pinagpalit nya ako sa pangarap nya.. Simula noon ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako magpapaloko pa sa isang babae.. They just use me.. Pare pareho lang silang lahat..

Natigil ang pag'iisip ko ng may kumatok..

" Pasok " sabi ko.. Bumungad sa pinto si Eros.. Bestfriend ko..

" Hey dude.. Binuburo mo na naman ang sarili mo sa apat na sulok ng opisina mo.. Why don't you join me tonight.. Governor Carlos throw a party for his daughter.. " sabi nito.. Kung may kaibahan man sa amin ni Eros yun ay ang pagiging mahilig nito sa night life.. Mas gugustohin ko pang magtrabaho buong araw kisa makipagsosyalan at makipagplastikan sa kanila.. Lalo na kay Gov Carlos.. Matagal na itong may interes na ipartner sa akin ang anak nito.. If I know gusto lang nitong kumalap ng suporta para sa pagtakbo nito sa susunod na taon..

" Alam mong hindi ako mahilig sa ganyan.. " walang gana kong sabi..

" C'mon dude.. Hindi kana bumabata.. Ang kailangan mo ngayon init ng katawan.. " natatawa pa nitong sabi.. Gago talaga..

" Tang'ina mo.. Wag mo akong itulad sayo.. " sabi ko sa kanya.. Tumawa nalang ito..

" Okay hindi na kita pipilitin dahil baka tadtarin mo na naman ako ng mura.. Basta walang sisihan kung sa akin mainlove ang anak ni Gov ha.. " natatawa nitong sabi..

" Sayong sayo na dude.. Ayoko ng mainvolve sa kahit sinong babae.. " sabi ko.. Tumango tango ito.. Alam nito ang mga pinagdaanan ko..

" By the way.. May bago ka palang trabahador sa Catalins Flower Farm? " napakunot ang noo ko..

" Wala.. Hindi naman ako nagpapahanap ng trabahador.. " sabi ko..

" Talaga.. Akala ko kasi trabahador mo sya dahil kasama sya ni Nay Maming.. Nakilala ko nga kanina eh.. Grabe dude ang ganda.. Jessie ang pangalan nya.. " pagkarinig pa lang ng pangalan nya sa dalaga ay agad nyang naramdaman ang kaba sa dibdib nya.. How can I forget her name? Sya lang naman ang laman ng isip ko sa mga nakaraang araw..

" Nandito sya? " tanong ko..

" You know her? " balik tanong ni Eros..

" Yah.. Nakilala ko lang nung sinundo ko si Nay Maming sa kanila.. " sagot ko.. Ano namang ginagawa nya rito sa hacienda?..

" Kamag'anak ba sya ni Nay Maming? " tanong pa nito.. Nakibit balikat lang ako.. Ayoko ng magbigay ng mahabang impormasyon tungkol sa dalaga.. Noong papauwi na kami ni Nay Maming dito sa hacienda naikwento nito na isang writer si Jessie.. Nandito raw ito ngayon sa bayan ng San Martin dahil nagsusulat sya ng magandang storya at ang San Martin ang napili nya..

" Ang ganda nya diba? " narinig ko pang tanong ni Eros.. Tiningnan ko ito..

" Alam ko ang iniisip mo.. And Im telling you wala akong interes sa kanya.. Alam mo yan.. " sabi ko.. Napailing iling ito..

" Its been a year dude.. Ito na yung tamang oras para makahanap ka ng tunay na pagmamahal " umiling ako..

" Mahirap ng maloko ulit.. Ayoko na.. " sabi ko..

" Isang beses ka lang niloko.. "

" Oo isang beses lang akong naloko Eros.. Pero dalawang beses akong naiwan.. Sa lahat ng tao ikaw dapat ang nakakaalam nyan " hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko.. Walang sino man ang nakakaalam ng nararamdaman ko at pinagdaanan ko ng mga panahong yun.. Nakita kong itinaas ni Eros ang dalawang kamay na parang sumusuko na ito..

" Okay okay.. Hindi na kita pipilitin.. Intindihin mong nag'aalala lang ako sayo.. Kaibigan mo ako Illos.. " hindi na ako umimik.. Alam ko naman yun.. Isa si Eros sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.. Isa sya sa hindi umalis sa tabi ko sa panahong lugmok na lugmok ako.. Hindi ko naman sya masisisi kung bakit ganun nalang ang pagkagusto nitong magkarelasyon na ako.. Pero hindi ko pa talaga kayang magtiwala sa ngayon..

Pagkatapos naming mag'usap ni Eros lumabas muna ako sa may beranda sa opisina ko.. Langhap ko agad ang sariwang hangin ng makalabas ako.. Kaya gustong gusto ko dito sa probinsya dahil sa sariwang hangin.. Tahimik at walang gulo.. May sarili akong bahay sa maynila pero mas pinili kong dito mamalagi.. Ginagamit ko lang iyon kapag nagpupunta ako sa manila para asikasohin ang negosyo namin na nakabase doon.. Tumingin ako sa baba kung saan kita ko ang mga trabahador na busy sa kanilang mga gawain.. Pinalaki ako ng nga magulang ko na maging mabuti sa mga nagtatrabaho sa amin.. Pamilya na ang turing ko sa kanila mula noon pero mas napahalagahan ko pa sila ng mamatay nga ang mga magulang ko.. Naramdaman ko sa kanila ang tunay na simpatya..

" Magandang araw ho Sir Illos " bati sa akin ng isang trabahador.. Tumango ako at ngumiti.. Pero nahagip ng paningin ko ang isang babaeng giliw na giliw na nakipag'usap sa nag'uumpukang trabahador.. Si Jessie.. Masayang masaya sya na nakipag'usap.. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya.. Hindi naman kalayoan ang pinag'umpukan nila kaya kitang kita ko ang kabuoan nya.. Simpleng maong na pantalon at lose na tshirt ang suot nya pero bakas parin ang simpleng kagandahan nya.. Parang slow motion na hinahangin ang hanggang balikat nyang buhok.. Ang mga ngiti nya na nakikita ang pantay pantay nyang mga ngipin.. Bakit sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko?.. No! This can't be.. Yumuko ako at mariing ipinikit ang mga mata.. Mali ang nararamdaman ko.. Isa syang estranghera lang dito sa hacienda.. I don't even know her well.. Ugh!! Nasisiraan na talaga ako ng bait.. Kailangan ko itong pigilan kung hindi ako rin ang masasaktan bandang huli.. Ako rin ang maiiwan.. At yun ang hindi ko na dapat maranasan..

Nabaling ang pansin ko sa nagri'ring kong cellphone.. Agad ko iyong sinagot at pumasok na ako sa loob ng opisina..

" Hello Judy? " sekretarya ko sa maynila.. At sinabi kong tatawag lang ito kapag may problema..

" Sir nagresign na ho ang editor assistant natin.. " sagot nito.. Napahawak ako sa sentido ko.. Limang beses na itong nangyayari..

" What is it the reason this time? " tanong ko..

" Si Ma'am Lalaine po kasi pinahiya po si Ms Abella kanina kaya nagresign na ho sya.. " mas lalo yatang sumakit ang ulo nya.. Ito ang ayaw nya sa lahat.. Ang magkasabay sabay lahat ng problema lalo na sa negosyo nila.. Pansamantala nya tuloy nakalimutan ang naramdaman nya kanina..

------------------------------------------------

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon