Fear of Losing U

23.6K 512 13
                                    

Illos's POV

Ito na siguro ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko kay Jessie.. Pero imbis na ako ang parusahan sya ngayon ang nagdurusa.. Sya ngayon ang nakikipaglaban kay kamatayan.. Nasa private room na sya ngayon at wala na sa ICU.. Nakadalaw na din sila Mindy at Nay Maming dito sa hospital.. Ang mga barkada ko naman ngayon ang nandito.. Maya maya lang pupunta narin dito si Illas galing sa school..

Hindi naman naapektohan ang anak ko sa pagkuha sa kanya ni Sera dahil ang sabi ng yaya nito hindi naman raw ito sinaktan.. Tinrato pa nga raw sila ni Sera ng maayos.. And speaking of Sera, unfurtunately nakakulong na ito ngayon.. Gustohin ko mang iurong nalang ang kaso pero sa sitwasyon ngayon ni Jessie hindi pa ako makakapag desesyon ng maayos..

It's been two weeks mula noong ma'coma sya.. Habang nakatingin lang ako sa kanya para lang naman itong payapang natutulog.. Umaliwalas na din ang aura nito at bumalik na ang natural na kulay ng mukha..

" Anong sabi ng doktor? " nilingon ko si Erros.. Sa aming lima ito ang pinaka matalik kong kaibigan siguro dahil narin nasa iisang bayan lang naman ang mga hacienda namin.. At matalik din na magkaibigan ang mga magulang namin..

" Okay na naman raw sya.. Every now and then minomonitor naman nila ang kalagayan ni Jessie.. " sagot ko.. Nagpatango tango ito.. " Si Ana? " tanong ko naman sa kanya..

" Umuwi muna.. Alam mo naman yung panganay namin hindi pwedeng hindi sya nakikita.. " nakikita ko sa mga mata nito ang kaligayahan habang binabanggit ang mag'ina.. Alam kong masaya talaga ito sa piling ni Ana.. Napangiti ako nang mapait saka tumingin ulit kay Jessie.. Sana gumising na sya.. I really missed her.. Naramdaman ko ang pagtapik ni Erros sa balikat ko.. " Everything will be alright bro.. " nagpatango tango ako.. I know.. I know she will come back to me.. Napalingon kami ng marinig namin ang pagtaas ng boses ni Zein..

" Will you please stop pistering me? " sabi nito sa katabing babae.. Ipinakilala na ito sa amin lahat ni Zein at nalaman naming kinuha pala si RC ng mama ni Zein para maging taga'tino ng huli.. Hindi ko naman kasi alam kung bakit bigla nalang nag'iba ang ugali nito..

" Woah wag mo nga akong sigawan.. Magkalapit lang tayo oh.. Ano 'to pabingihan? " sabi naman ni RC.. Napapailing nalang ako.. Mukhang nakahanap na nga ng katapat si Zein..

" Kung magbangayan naman 'tong dalawa parang walang pasyente dito ah.. Lumabas nga kayo.. " si Rain naman ang nagsalita.. Sa aming lima, ito naman ang playboy.. Artista kasi.. Pero nabalitaan ko din sa kanila na pinupormahan raw nito ang kapatid ni Sef na si Yilee kaya hindi nagpapansinan ngayon ang dalawa..

" Bakit kaya ikaw hindi narin lumabas? " si Sef naman ang nagsalita na hindi maikakaila ang pagkairita kay Rain.. Ito naman ang isa sa pinaka sikat na direktor ngayon.. Ito nga rin sana ang may gustong isapelikula ang libro ni Jessie.. Naiintindihan ko naman ito eh.. Kahit naman siguro ako hindi rin magtitiwala kay Rain dahil nga certified cassanova ito..

" Tang'ina nyu, pare'pareho lang kayo.. Mas mabuti pa umuwi na tayong lahat para makapagpahinga na si Illos.. Dagdag stress lang kayo eh.. " si Erros naman.. Napapangiti nalang ako.. Namiss ko din naman ang makipag'bonding sa kanila.. Sadyang busy lang talaga kami sa kanya kanya naming karera.. Isa isa na silang nagpaalam sa akin.. Maya maya lang ay ako nalang ang natira sa kwarto at muli ko na namang tiningnan si Jessie.. Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay nya..

" Alam mo gusto kong magalit sayo dahil sa pagiging selfless mo eh.. Yan kasi ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon.. Kung sana hindi mo ito sinarili sana wala ka ngayon sa kalagayang ito.. " nag'init ulit ang gilid ng mga mata ko.. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita..

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon