Heartbeat

26.1K 660 4
                                    

Jessie's POV

Dinala ako ni Nay Maming sa hacienda ngayon para raw hindi ako mabagot sa bahay.. At masasabi kong nag'enjoy talaga ako lalo na nang makita ko ang iba't ibang bulaklak sa Catalins flower farm.. Hango raw ito sa pangalan ng Ina ni Illos.. Si Senyora Catalina Monreal.. Mahilig raw kasi ito sa mga bulaklak kaya pinagawan ito ng asawang si Senyor Aguire Monreal ng malawak na pataniman ng iba't ibang bulaklak.. Nung nabubuhay pa raw ito personal raw itong umaasekaso dito sa farm.. Sigurado akong mahal na mahal ng Senyor ang Senyora..

Inilibot pa ako ni Nay Maming sa buong hacienda ng may makasalubong kaming isang lalake.. At masasabi ko talagang para rin itong hinugot sa isang romance novel sa kagwapohan.. Naka polo ito na tinupi ang mga manggas hanggang siko at maong na pantalon na pinarisan ng bota.. Magkasing tangkad lang yata sila ni Illos pero mas malaki ang katawan ng binata kisa sa papalapit sa amin na ngayon ay ngiting ngiti na..

" Magandang umaga Sir Eros " narinig kong bati ni Nay Maming.. Mas lalo itong ngumiti kaya kitang kita ang biloy nito sa kanang pisngi..

" Nay Maming talaga.. Eros nalang po para naman po kayong naiba sa akin.. " sabi nito sabay tingin sa akin.. Ngumiti lang si Nay Maming.. Masasabi kong malapit talaga si Nay Maming sa mga tao rito pati narin sa mga amo.. Kaano ano kaya ni Illos si Eros?

" And you are? " sabi naman nito na matamis na ngumiti..

" Ay Sir ay iste Eros si Jessie pala.. " pakilala ni Nay Maming.. Lalo pa itong ngumiti.. Kung may kaibahan man sila ni Illos yun ay ang pagkapalangiti nito.. Inilahad nito ang kanang kamay..

" Jessie.. Nice name.. Im Eros Gabriel.. " pagpapakilala nito.. Inabot ko naman ang kamay nito pero napanganga ako ng hinalikan nito ang likod ng kamay ko.. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan.. First time kayang may humalik sa kamay ko..

" J-jessie Dantes po Sir Eros " tumawa ito ng mahina..

" Eros is fine my lady.. Tsaka wag mo na akong po'po'in nakakasakit ng baywang " napangiti narin ako sa kakwelahan nito saka tumango..

" Ahm as much as I want to accompany you my lady kailangan ko pa kasing puntahan si Aguilos.. " dagdag pa nito..

" Naku ok lang.. Nandito naman si Nay Maming.. " nahihiya ko pang sabi.. Pero siguro kung si Illos pa ang gumawa nun sa akin hihimatayin siguro ako.. Pero ipinilig ko lang ang ulo ko.. Bakit ko ba palaging iniisip ang lalakeng yun?..

Nagpatuloy kami ni Nay Maming sa paglalakad ng makaalis na si Eros at pumasok sa malaking mansyon.. Itinuro din ni Nay Maming kung saan ang opisina ni Illos.. Nasa pangalawang palapag lang ito at may beranda sa labas.. Nakaharap ito sa malawak na lupain na pag'aari ng mga Monreal.. Grabe.. Ang yaman talaga nila.. Kanina kasi habang papunta kami rito itinuro na sa akin ni Nay Maming ang nasasakupan ng mga Monreal.. Nakakayanan ba niyang patakbuhin ito lahat?

Isa sa mga nagustohan ko ng araw na yun ay ang pagiging palakaibigan ng mga taga roon.. Nakikipagkwentohan pa ako sa mga trabahador.. Wala akong ibang narinig sa kanila kundi papuri sa pamilya Monreal.. Lalo na raw kay Illos na syang tumutulong talaga sa kanila..

" Nakakapanghinayang lang kasi wala man lang nag'aalaga dyan kay Sir Illos.. " sabi ni Aling Rosing.. Trabahador din ng Catalins Farm.. Kumunot ang noo ko..

" Wala man lang ba ho syang girlfriend? " pasimple kong tanong.. Pero sa totoo lang gustobg gusto ko talagang malaman kung may nobya na ba ito o wala pa..

" Noon meron.. Si Ma'am Sera.. Akala nga namin sila na ang magkakatuluyan eh.. Pero iniwan din pala si Sir.. " malungkot na sabi nito.. Napakunot noo ako..

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon