Happy Wife

26K 569 6
                                    

Jessie's POV

Napagdesesyonan namin ni Illos na doon na manirahan sa Hacienda Monreal.. Doon narin nag'aaral si Illas sa isa sa skwelahan na pinatayo ng mga magulang noon ni Illos noong nabubuhay pa sila.. Sayang nga lang at maaga silang nawala.. Paniguradong kagigiliwan nila ang apo nila..

Hindi ko parin naman pinabayaan ang publishing na pinatayo ko.. Nagsusulat parin naman ako kapag may time ako at nagbibigay na din kami ng pagkakataon sa mga bagohang writer.. Si Mindy na ang pinamahala ko doon dahil alam kong maaasahan ko naman ito.. Gusto ko kasing alagaan ng full time ang mag'ama ko.. Gusto kong iparamdam sa kanila araw araw ang pagmamahal ko..

Paminsan minsan lumuluwas parin si Illos sa maynila para asikasohin naman ang negosyo na nandoon at dahil nga ayaw na nyang mahiwalay ako sa paningin nya as much as posible sinasama nya kami para narin makapag bonding.. Kahit napapraningan na ako sa kanya minsan iniisip ko nalang na sadya lang talagang ganun nya ako kamahal.. Araw araw syang bumabawi sa taon na hindi kami nagkasama.. And I'm so happy.. Very much happy..

Tuwang tuwa si Illas sa unang araw nya sa hacienda.. Manghang mangha sya sa mga hayop na nakikita nya at sa malawak na lupain na pag'aari ng ama nya.. They even tour the place kahit hindi pa sila nakapagpahinga.. Giliw na giliw sa kanya ang lahat ng mga tauhan sa hacienda.. Pati si Nay Maming tuwang tuwa rito.. At heto nga kami ngayon sa villa ng hacienda dahil nag'aya si Illas na mag'picnic.. Minsan nasabihan ko pa si Illos dahil ini'spoiled nya ang anak namin..

Natigil ako sa pag'iisip ng magring ang phone ko.. It's Sef.. Remember the guy na nakilala ko sa bar ni Erros?.. Yes, we are really good friends.. Nag'uusap narin kasi kami about sa libro ko na idi'direk nya.. Si Illos parin ang producer dahil sabi nya kwento raw namin yun.. Hindi ko iniba ang ending tulad ng gusto nya pero ginawan ko naman iyon ng sequel kaya pumayag narin sya.. Ayaw nya raw kasi na manatiling ganun ang ending na hindi kami nagkatuluyan..

And speaking of my handsome husband na nakakunot noo na naman ng malaman kung sino ang tumatawag ngayon sa akin.. Hanggang ngayon kasi nagseselos parin sya sa paglapit noon ni Sef sa akin sa bar.. Parang sira lang.. Gwapong sira actually..

" Hi Sef.. " masigla kong bati sa kabilang linya.. Nakangiti ako habang nakatingin kay Illos na hindi na maipinta ang mukha.. Sinenyasan ko pa sya na lumapit sa akin pero ngumuso lang ang labi niya.. Pinindot ko nalang ang loud speaker para marinig ni Illos ang pinag'uusapan namin.. Baka kasi mapraning na naman ang asawa ko..

" Hey beautiful.. " mas lalong napasimangot si Illos sa bati sa akin ni Sef.. Ganun kasi talaga ang tawag ng huli sa akin..

" Beautiful your ass Sef.. " sabi ni Illos na nagpatawa naman kay Sef.. Alam naman kasi nito kung gaano naapektohan si Illos sa pagtawag nito sa akin ng ganun..

" Illos.. " saway ko sa kanya.. " Napatawag ka Sef.. " sabi ko saka ako lumapit kay Illos at kumandong sa kanya.. Buti nalang at busy pa si Illas sa paglalaro kasama ang yaya nito.. Ipinulupot ko pa ang mga braso ko sa batok ni Illos saka sy kinintalan ng halik.. Ngumunguso parin sya..

" Wala naman.. Gusto lang kitang kumustahin.. " sagot naman nito..

" Seriously Sef? " hindi na naman napigilang sumabat ni Illos.. Tawa naman ng tawa si Sef.. Paborito talaga nitong inisin ang asawa ko..

" I'm serious dude.. Your wife is really beautiful.. Sayang nga lang at binalikan ka.. " pagbibirong sabi ni Sef na sinabayan pa nito ng pagtawa.. Sasagot pa sana si Illos pero agad ko namang hinalikan ang labi nya.. Alam na alam ko talaga kung papano patatahimikin ang lalakeng 'to.. Namalayan ko nalang na pinatay na pala nya ang tawag ni Sef saka tinugon ang halik ko.. We're both breathless ng maghiwalay ang labi namin..

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon