Jessie's POV
Everything is perfect.. Mula nung naging kami hanggang sa nagpakasal kaming dalawa.. At wala nang mas sasaya pa nang sabihin nyang mahal nya rin ako.. I feel it.. At masasabi kong nagtagumpay ako dahil napatunayan ko sa kanya na may pag'asa pa syang magmahal ulit.. Maswerte ako dahil ako ang minahal nya.. I'm so bless to have him in my life.. Sya ang puno't dulo ng kaligayahan ko ngayon.. Until the past is back.. Sera..
" Sera.. " nakita ko ang gulat sa mukha ni Illos ng mapagsino ang bisitang sinabi ng katulong.. Ngiting ngiti pa ang babae sa kanya.. Sa tantya ko matangkad lang ito ng kunti sa akin.. At masasabi kong napakaganda nya.. Mula sa pananamit nya hanggang sa kilos nito masasabi mong mayaman nga ito..
Napanganga ako nang inilang hakbang nya lang si Illos at niyakap ng mahigpit.. Ito namang asawa ko parang hindi na nakagalaw.. Ang kaninang bilogan kong mata ay naniningkit na.. Nakalimutan ba nilang nandito lang ako? At itong magaling na lalaking 'to hindi man lang ako naalala? Anak ng..
" And who are you? " nakataas pa ang kilay nito habang nakatingin sa akin.. Doon naman ako binalingan ng magaling kong asawa.. Para pa syang nataranta.. Nakatingin sya sa akin kaya pinaninkitan ko sya sa mata.. Lagot ka sa akin mamayang hayop ka!
" O-oh sorry.. " Aniya sabay akbay sa akin.. " Jessie this is Sera, " ngayon Jessie nalang ako? Ugh! " and Sera this is Jessie- "
" His Wife.. " hindi ko na sya pinatapos.. Para kasing napipilitan lang sya na ipakilala ako.. Napatingin agad sa akin si Illos pero hindi ko sya tiningnan.. Diretso akong nakatingin sa babaeng nasa harapan ko ngayon at kung makatayo parang at home na at home.. Siguro nga minsan na syang nandito noon.. Pero noon yun.. Akin na itong lahat ngayon lalo na ang lalaking nasa tabi ko lang.. Akin lang si Illos..
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Sera sa huli kong sinabi.. Bahagya pa syang napanganga at pabaling baling ang tingin sa aming dalawa ni Illos.. Oh ano ka ngayon?
" May.. May asawa kana? " para pang hindi makapaniwalang sabi nito.. Pektusan ko kaya 'to ng mataohan..
" Yes.. 3 months ago.. " sagot naman ni Illos.. Para pang may lungkot na kalakip sa sagot niya.. Mahal nya parin ba si Sera? Muli na naman itong nagpabaling baling ng tingin sa amin.. Nang makahuma ito ay nagpilit itong ngumiti..
" Well.. Congrats sa inyong dalawa.. " aniya.. Akma pa sana itong hahalik sa pisngi ni Illos pero agad kong kinalabit ang huli kaya napilitan syang bumaling sa akin kaya naiwan sa ere ang tangka sanang paghalik ni Sera.. Serves you right bitch!
" Love tikman mo nga kung okay naba ang lasa ng salad na ginawa ko.. " sabi ko.. Walang nagawa si Illos kundi ang tikman ang ginawa ko.. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Sera.. Sorry ka nalang hindi ako papatalo.. Kung bitch ka mas bitch ako..
" Hi! " sabay sabay kaming napabaling sa may pintoan.. Sina Erros at Ana pala ang dumating.. Nawala ang ngiti sa mukha ni Erros ng makita kung sino ang kasama namin sa kusina.. Pati si Ana natigilan din..
" Erros.. Oh my god is that you? " sabi pa ni Sera.. Alanganing ngumiti si Erros na napatingin din sa akin.. Nginitian ko lang ito ng tipid saka binalingan ang salad na ginawa ko.. Ngayon pa lang nakakaramdam na ako ng matinding kompitisyon.. Alam ko hindi dapat ako mababahala dahil asawa na naman ako ni Illos.. Pero sa nakita kong reaksyon kanina ng asawa ko parang nagdadalawang isip na ako kung talaga bang minahal na nya ako..
Ang masaya sana naming selebrasyon ay naging isang nakakabadtrip na picnic.. Nagpumilit naman kasing sumama itong malantod na babaeng parang pinaglihi sa isa't kalahating badtrip.. Nagpupuyos talaga ang loob ko sa inis.. Bakit naman hindi eh kanina ko pa napapansin na sinasadya nya talagang dumikit sa asawa ko.. At ito namang asawa ko parang gustong gusto pa.. Para tuloy akong naging chaperon nilang apat at itong babaeng 'to ang asawa ng asawa ko.. Great.. Just great..
BINABASA MO ANG
Somebody's Me (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series I The Aguilos Monreal and Jessie Dantes Story