Saw You Again

22.5K 591 16
                                    

Jessie's POV

Sabi nga nila kung hindi ka successful sa lovelife paniguradong successful ka sa career.. Yan ang nangyayari ngayon sa akin.. I am now a successful writer.. May mga naisulat akong naisapelikula na.. Sa loob ng limang taon masasabi kong naka'move on na ako..

Masakit ang nangyari sa nakaraan.. Mahirap umabante at magsimula ulit.. But I'm bless dahil palaging nasa tabi ko si Erros.. Noong unang mga taon na nangangapa pa ako si Erros ang tumulong sa akin.. Noong nahihirapan akong magbuntis si Erros ang umalalay sa akin.. Kahit alam kong may sarili rin syang napagdadaanan kahit kailan hindi nya ako iniwan..

And speaking of my son.. Ang nagbibigay ligaya sa buhay ko ngayon.. Ang itinuturing kong swerte sa buhay ko.. Si Illas Earl Monreal.. Yes, apelido parin ng Papa nya ang ipinagamit ko.. Why not? After all kasal parin naman ako sa kanya kaya legal nya paring anak ang anak namin.. The last time I heard from him sila parin raw ni Sera.. And honestly, nasaktan ako.. Sino ba namang hindi.. Pinatunayan nya lang na si Sera talaga ang mas mahal nya kisa sa amin ng anak nya..

" Good morning Ma'am JD.. " napatingin ako sa pintoan ng bumungad doon si Mindy.. Ang sekretarya ko.. Dalawang taon na ang JD Publishing.. At si Mindy ang unang una kong naging sekretarya at kaibigan narin..

" Yes Mindy.. May kailangan ka? " nakangiti itong lumapit sa akin at inilapag ang isang folder..

" May gustong mag'produce ng isa mong libro.. Yung best selling mo.. " sabi nito.. Hindi na naman iyon nakakagulat sa akin.. Marami na talaga ang may gustong isapelikula ang bago kong gawang novel.. Ang Somebody's Me.. Malapit sa akin ang novel na ito dahil personal ko iyong karanasan..

" Pero may problema.. " napakunot noo ako.. Ito ang bago..

" The producer want you to revise the ending of the story.. " napanganga ako.. This is really the first time..

" Anong ibig nilang sabihin Mindy? " naiirita na ako.. Sino ba sila para magdemand ng ganun sa akin?..

" Masyado raw kasing malungkot ang ending ng story.. Baka kasi raw hindi pa talaga tapos ang love story nila Illos at Jess.. " mas lalo pa tuloy akong napakunot noo.. Ngayon lang may kumwestyon ng gawa ko..

" Hindi mo ba ipinaliwanag sa kanila na ganun naman talaga ang ending ng story na yun?.. Kaya nga nagustohan sya ng mga readers ko diba? " halos lumuwa na ang lalamunan ko dahil sa inis na nararamdaman ko.. Sa buong buhay ko bilang isang sikat na writer ngayon lang may nagdemand ng ganito sa akin.. Ayoko pa naman sa lahat ay yung pinapangunahan at kinikwestyon ang trabaho ko.. Nobody does that to me.. Ever..

" Ipinaliwanag ko sa kanya.. But he really insisted- "

" Wait.. He?.. You know very well Mindy that I don't do work with any men.. " pakiramdam ko tuloy kahit wala naman akong highblood magkakaroon na ako.. Totoong ayokong makipagtrabaho sa isang lalake.. Tanging si Erros lang ang lalakeng malapit sa akin ngayon.. May mga nakakasalamuha ako.. Pero kung sasabihing magkakatrabaho kami.. That's a big no no..

" Alam ko naman yun.. Sinabi ko narin sa kanya.. But he is really consistent JD.. Magbabayad pa raw nga sya ng doble para lang ibahin mo ang ending.. " what?! Dodoblehin nya? Ganun ba talaga ka'importante rito na magkaroon ng happy ending ang librong yun?

Noong nag'uumpisa pa lang akong umahon at habang nagbubuntis pa ako kay Illas, isinulat ko ang kwento namin ni Illos.. Habang isinusulat ko iyon noon wala akong ginawa kundi ang umiyak lang.. Sya naman kasi ang unang lalake na minahal ko at nilaanan ko ng buong buhay ko.. Kaya ng mangyari ang lahat ng yun parang nawalan narin ako ng buhay.. Malamang kung hindi ako buntis ng mga panahong yun hindi ko na siguro kakayanin pang mabuhay..

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon