Jessie's POV
Ilang oras nalang at susundoin na ako ni Erros.. Kanina bibili na sana kami ni Nay Maming ng susuotin ko ng may dumating na malaking kahon.. Sabi ng driver na nagdala kay Erros raw yun galing.. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.. Napaka bait na nga nya napaka generous pa.. Sabi pa nya sa card gusto nya raw na magkakulay kami ng damit kaya nya iyon ipinadala.. I will remind myself to thank him later.. Kahit papano nawala ang kalungkutan ko kanina ng dahil sa kanya.. Well, kung si Erros ang nakatadhana sa akin kahit wala akong nararamdaman sa kanya na espesyal tulad ng kay Illos tatanggapin ko.. Kisa naman masaktan nalang ng taong hindi mo naman alam kung marunong ba man lang magmahal..
Isang katok ang nagpabalik ng isip ko.. Nakita kong si Nay Maming ang bumungad doon.. Mabuti nalang at nagkataon na rest day nya pala ngayon kaya sinamahan nya ako at sya pa ang nag'ayos sa akin.. Simpleng pagkakaayos lang naman.. Hindi na ako naglagay ng maraming kulay sa mukha dahil baka ikailang ko lang yun..
" Iha.. Nandyan na si Erros.. Ang gwapo nya bagay kayo.. "
Para pa itong kinikilig.. Nang malaman nya kanina na isasama ako ng binata sa party parang ito pa ang excited para sa akin.. Panay pa ang biro nya na baka raw after ng gabing to magkakamabutihan na kami ni Erros.. Pero ayokong humantong sa ganun ang pag'iisip ko.. Baka naman kasi nakikipagkaibigan lang sya sa akin..
Tumayo na ako at lumapit sa pinto..
" Ang ganda mo talaga Jessie.. Bagay sayo ang pulang damit.. " sabi pa nito.. Napailing nalang ako na nakangiti.. Kanina pa kasi ito puri ng puri sa akin..
Sabay na kaming lumabas at pumunta sa may sala.. Nakita ko nga doon si Erros na nakatalikod pa.. Humarap lang sya ng tumikhim si Nay Maming.. At kitang kita ko ang pag'awang ng bahagya ng bibig nya.. Sinipat pa ny ako mula ulo hanggang paa na ikinapula naman ng pisngi ko.. Narinig ko pa ang paghagikgik ni Nay Maming sa gilid ko..
" Wooaah Jessie.. You are so damn beautiful.. "
" Ang galing mo naman mambola.. Tsaka dahil ito sa damit na pinadala mo.. " nakangiti ko pang sabi.. Umiling iling sya at lumapit sa akin..
" No.. You are really beautiful Jessie.. Palagay ko pagkakaguluhan ako ngayon sa party dahil sayo.. " natatawa pa nitong sabi.. Kitang kita ko na naman ang biloy niya sa pisngi.. Ang cute lang talaga.. Pero mas gwapo parin naman si Illos.. Yun nga lang suplado.. Ipinilig ko nalang ang ulo ko.. Hindi ko dapat iniisip si Illos ngayon dahil kasama ko si Erros..
" Ikaw din naman ang gwapo mo rin sa suot mo.. Match na match nga tayo eh.. " hinawakan nya ang kamay ko at ikinawoit sa braso nya.. Kahit kinakabahan pilit parin akong ngumiti sa kanya..
" Just relax and enjoy Jessie.. Okay? " anya.. Huminga ako ng malalim saka matamis na ngumiti sa kanya.. Alam ko hindi naman nya ako pababayaan..
Pagkatapos namin magpaalam kay Nay Maming inalalayan na nya ako palabas.. Napanganga pa ako ng makita ko ang kotse niyang dala.. Isa lang namang BMW.. Hindi naman ako mangmang sa mga mamahaling sasakyan dahil yung kasama ko sa apartment sa maynila may manliligaw na mayaman at iba ibang kotse ang dinadala kapag dumadalaw rito..
Inalalayan nya akong makasakay.. Pinanood ko lang lahat ng kilos nya at pagtumitingin sya sa akin ngumingiti lang sya kaya napapangiti narin ako.. Napaka gentleman nya talaga.. Kinikilig naman talaga ako kaya lang iba parin talaga ang epekto kung si Illos ang kasama ko.. Hay hanggang kailan ko ba sya iisipin? Ipinilig ko nalang ulit ang ulo ko.. Jessie wag ka ngang timang dyan..
" Okay ka lang ba? " ani Erros ng makasakay narin sya.. Kita ko ang bahagyang pag'aalala sa mga mata nya.. Pilit akong ngumiti.. Napaka gentleman na nga napaka maalaga at maalalahanin pa.. Napaka swerte ng magiging girlfriend nya..
BINABASA MO ANG
Somebody's Me (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series I The Aguilos Monreal and Jessie Dantes Story