Jessie's POV
Matagal bago ako nakabalik sa sarili.. Hanggang ngayon pala napapatanga parin ako sa mga halik nya.. Aaminin kong namiss ko rin ang mga halik nya.. Unang lalake sya sa buhay ko.. Sya ang pinaglaanan ko ng pagmamahal na hindi ko alam na kaya ko rin palang ibigay.. Pero kalakip ng paggunita ko nang nakaraan ang pagbalik din ng sakit.. Ang sakit na minsan ng sumira sa akin..
Ubod lakas ko syang tinulak saka sinampal.. Nakita ko ang pagpikit nya.. Alam kong masakit dahil ramdam ko din sa palad ko ang sakit.. But I don't give a damn.. Mas masakit parin ang ginawa nya.. Na akala ko kinalimutan ko na..
" What do you think your doing? " mahina kong tanong pero may diin.. I have to composed myself.. Ayokong nakikita nyang naaapektohan parin ako ng presensya nya..
" I.. I'm sorry.. I just miss you Jessie.. " para namang may biglang tumahip sa puso ko sa sinagot nya sa akin.. Mapakla akong tumawa..
" Pinaglalaroan mo ba ako Illos?.. Hanggang ngayon ba gusto mo parin akong paglaroan? " sunod sunod kong tanong sa kanya.. Nakita ko ang pag'iling nya.. Huminga ito ng malalim bago nagsalita ulit..
" Hanggang ngayon ba hindi mo parin ako napapatawad? " what?! Nagpapatawa ba sya?.. Hindi ko mapigilang matawa.. Kitang kita ko ang pagtataka sa mga mata nya.. Bakit hindi ako matatawa?.. Talagang tinanong nya pa?
" Wag mong hingin ang isang bagay na mahirap ibigay Illos.. Oo alam kong matagal na yun pero ang sakit na binigay mo nandito parin.. Nasasaktan parin ako.. " hindi ko alam kung papanong hindi ako umiyak o pumiyok sa harap nya.. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya.. Alam kong nasasaktan ko rin sya sa pamamagitan ng mga sinabi ko.. Pero hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan ang lahat..
" Alam kong kasalanan ko Jessie.. Hindi ko itinatanggi yun.. But let me make it up to you please.. I want to be with you.. I want to be with my son.. I love you Jessie.. I still am.. " parang gusto kong tumawa nalang ng tumawa.. Pero may bahagi din ng puso ko na gusto syang paniwalaan.. Pero alam mo yung basta puso na ang nadurog parang nandoon na yung kapaguran pang umasa at magtiwala.." Papano mo nagagawa ito ha Illos?.. Papano mo nagagawang humarap pa sa akin na para bang wala kang ginawang mali five years ago?.. You want to be with me?.. You want to be with my son?.. And love.. Yah love.. That's bullshit!.. Kung mahal mo ako hindi mo magagawa sa akin ang lahat ng 'to! " pinalis ko agad ang luhang tumulo sa mga mata ko.. Ayokong makita nya akong mahina.. Pinaghirapan ko ang kinalalagyan ko ngayon.. Pinaghirapan ko ang tatag na nabuo ko para sa sarili ko.. All I want is just happiness.. Pero nagkamali lang pala ako sa nabigyan ko ng tiwala..
" I'm sorry.. " yun lang ang nasabi nya.. Nararamdaman ko ang sakit sa bawat salita nya.. But words are not enough..
" Umalis kana Illos.. Umalis kana.. " hindi ko sya tinitingnan.. Ayokong magkaroon pa ng kahit kunting awa sa kanya.. Tama na ang nangyari noon.. Matagal lang syang nakatayo.. Hindi sya nagsasalita at nakatingin lang sya sa akin.. Hanggang sa narinig ko ang pagbuntong hininga nya..
" Hindi ko alam kung papano ko papatunayan sayo na nagsisisi na ako.. But I won't give up.. I didn't give up Jessie.. And I never will.. Tapos na ang limang taon na hindi ko kayo nakapiling.. I will do my best to make it up to you sa ayaw mo man o hindi.. Hindi katulad ng libro na basta mo nalang winakasan ang kwento natin Jessie.. No.. I won't allow it.. Hangga't nabubuhay pa ako gagawin ko ang lahat makapiling ko lang kayo ulit.. By hook or by crook.. " he gave me last look before he got out.. At doon na ako napahagulhol.. May bahagi ng sarili ko na parang nagkaroon ng kasiyahan sa mga narinig ko sa kanya.. Pero may bahagi na natatakot na.. Alam ko kung sakali man na gagawin nya yun masisira ang tatag na matagal kong binuo ulit.. Alam kong bibigay ako ulit sa kanya.. At yan ang ikinatatakot ko.. Dahil sa limang taon na nakalipas, hanggang ngayon mahal na mahal ko parin sya..
BINABASA MO ANG
Somebody's Me (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series I The Aguilos Monreal and Jessie Dantes Story