Love

23.3K 573 11
                                    

A/N: Im sure ung ibang author makakarelate sa akin.. Ayaw tlgang sumapi ni Illos.. Tsk.. Kaya si Jessie muna ang i'intertain sa inu.. Haha.. Chow!

---------------------------------------------

Last night was magical.. Iyon agad ang pagsasalarawan ko sa nangyari kagabi.. Napakabilis man ng mga pangyayari pero hindi naman yun malaking isyu sa akin.. Ang importante naging kami na.. Well hind naman talaga kami.. Walang pangalan ang relasyon namin.. At alam kong nacha'challenge lang sya kaya sya sumang'ayon sa gusto ko.. Hindi ko lang sure kung totoo ba talagang nagseselos sya kagabi sa amin ni Erros.. At yung lalaking ding yun hindi ko na nakita pa mula noong nagsayaw kami ni Illos..

Nang maalala ko naman ang halikan namin kagabi hindi ko mapigilang mapangiti nalang.. Akalain mong umabot pala yun ng ilang minuto.. Na kung hindi pa nagpalakpakan ang mga tao hindi kami maghihiwalay.. Napasiksik tuloy ako sa dibdib ni Illos.. At ang lalakeng yun tumawa lang naman.. Nakakahiya tuloy sa parents ni Erros.. Gulat na gulat pa si Mrs Gabriel nang malamang hindi naman talaga ako ang tinutukoy ni Erros na special someone nya..

" Sayang iha gusto pa naman sana kita kay Erros.. " natatawa pa nitong sabi.. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Illos sa baywang ko..

" Sorry tita nagkaproblema lang ho kami ng girlfriend ko kaya kay Erros sya sumama.. Right love? " pakiramdam ko mas lalo yatang namula ang mukha ko sa tawag nya sa akin.. Love?.. Kailan pa?.. Kakainis naman 'to hindi man lang nagpapaabeso kung magpapakilig..

At mula nga ng gabing yun hindi na nya ako iniwan.. Sya na nga ang naghatid sa akin.. Nang tinanong ko naman kung papano si Ana isa lang ang sabi nya..

" You're more important.. "

O sino ang hindi kikiligin sa kanya? Para tuloy akong bumalik sa pagiging teenager nito..

At ngayon nga maaga pa lang nandito na ako sa kusina ng mansyon.. Maaga talaga akong pumunta dito para ipaghanda sya ng agahan.. Gulat na gulat nga si Manang Cecil sa pagdating ko.. Pati si Nay Maming wala nang ginawa kundi ang tuksohin ako..

Kasalukuyan akong gumagawa ng pancakes ng may yumakap sa akin mula sa likuran.. Muntik pa akong mapaso.. Sa pabango pa lang alam ko na kung sino ang yumayakap sa akin.. Bakit ba napaka'clingy ng lalakeng 'to ngayon?.. Isiniksik nya pa ang mukha sa leeg ko at parang inaamoy amoy pa..

" Ano kaba baka makita tayo nila Manang Cecil.. " saway ko sa kanya na mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa baywang ko..

" Good morning love.. " napangiti naman ako sa itinawag nya sa akin..

" Kung maka'love ka dyan para namang naging tayo.. " sabi ko.. Doon na sya kumalas sa akin at iniharap nya ako.. Rinig ko pa ang pagtunog ng stove sa likod ko.. Malamang pinatay nya.. Nakakunot noong Illos ang bumungad sa akin.. Napanganga pa ako dahil wala man lang itong suot na pang'itaas at tanging boxer short lang ang sa baba.. Binabalandra talaga ang six pack na abs at nakakapanlunok na V-line.. Kaya pala ang aga aga ang init na..

" Why? Hindi pa ba tayo? " tanong naman nya..

" Hindi mo pa ako nililigawan.. " nakangiti kong sabi sa kanya..

" Niligawan mo na ako kaya okay na yun.. " literal akong napanganga sa sinabi nya.. Sapol ako dun ah.. Kainis 'to pinaalala pa.. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nya sa nakaawang kong labi at bahagya pa iyong kinagat.. Para tuloy may isang milyong boltahe ang dumaloy sa buong katawan ko.. Nakita ko din na parang natigilan sya..

" Naramdaman mo rin ba? " tanong ko nang maghiwalay ang labi namin.. Imbis na sagotin ako hinalikan nya pa ako ng tumagal naman ng ilang minuto.. Nang matapos kami pinagdikit nya lang ang noo namin at napapikit sya.. Napapakagat labi tuloy ako.. Bakit ba abg sarap nyang humalik? Ngunit ganun nalang ang pagkagulat ko sa sunod nyang sinabi..

Somebody's Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon