Illos's POV
Kanina pa ako gising pero hindi muna ako bumangon.. Inaalala ko ang nangyaring pag'uusap namin ni Jessie kagabi.. She wants me to let her in.. To let her in into my life.. Hindi ako nakasagot.. Letiral na napanganga ako sa kaprangkahan nya.. Alam ko nacha'challenge lang sya sa mga sinabi ko kagabi tungkol sa pagmamahal.. Nadala ako sa pinag'usapan namin.. Nasabi ko tuloy sa kanya ang tungkol sa pinagdaanan ko.. Well hindi naman lahat pero parang bigla nalang na pinagkatiwalaan ko sya.. At yan ang ikinatatakot ko.. Ang magtiwala na naman.. Ano ba ang dapat kong gawin para maiwasan sya? Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kakaibang nararamdaman ko sa kanya? Alam ko ang klase ng pakiramdam na ito at iyan ang mismong ikinatatakot ko..
Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit agad na akong bumaba para mag'almusal.. Balak ko kasing maglibot ngayon sa hacienda dahil matagal narin ng huli ko yung gawin sa kadahilanang busy ako sa negosyo sa maynila..
Napakunot noo ako ng marinig ang mga tawanan sa kusina kaya dumeritso ako doon.. At nakita ko nga ang babaeng laman ng isip ko kanina lang.. Nakasuot ito ng simpleng white shirt na pinarisan ng hapit na hapit na maong pants.. Nakikipagtawanan ito kay Aling Cecil habang nagluluto.. Pati pagtawa nya nakakagaan ng loob.. Pero agad ko iyong ipinalis sa isip..
" What are you doing? " seryuso kong tanong na nagpalingon sa kanilang dalawa..
" Ay Sir Illos nandyan na ho pala kayo.. Tinulungan lang ho ako ni Jessie na magluto ng agahan nyu.. " sabi ni Aleng Cecil.. Napatingin naman ako kay Jessie na nakayuko habang kagat kagat ang labi..
" G-good morning I-illos.. " bati nya sa akin.. Gusto ko tuloy mapangiti dahil alam kong nai'intimidate sya sa akin.. Asan na ang matapang na Jessie na humarap sa akin kagabi?.. Ang malakas ang loob na patunayan sa akin na may tunay pang pag'ibig sa mundong 'to?..
" Good morning.. " walang imosyon kong bati at umupo na sa hapagkainan.. Alam kong nakatingin sya ngayon sa akin pero hindi ko na sya tiningnan pa.. Baka kasi hindi ako makapagpigil at lapitan ko nalang sya at halikan.. Ugh!! What the hell am I thinking?!..
Pagkatapos na ihain ni Aleng Cecil ang pagkain ko ay nagsimula na akong kumain.. Hindi ko na sya tinapunan pa ng tingin kahit gustong gusto ko na syang tingnan.. Narinig ko ang pagpaalam ni Aleng Cecil at ang pag'aya nito kay Jessie na lumabas na sila.. Nang tumalikod sya saka ko lang sya tiningnan hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.. Inilapag ko ang kutsara at tinidor saka bumuntong hininga..
Ito naman ang gusto mo diba?
Napapailing nalang ako sa sinabi ng isip ko.. This is the right thing to do right?.. Right?..
Pagkatapos kong kumain kinuha ko na ang susi at lumabas na ng mansion pero natigil ako ng makitang nakatayo doon si Jessie na parang may hinihintay.. Nagpatuloy ako sa paglakad at nilagpasan ko sya..
" Illos teka lang.. " narinig kong tawag nya sa akin.. Mariin akong napapikit.. Nang makahuma ako ay seryoso ko syang hinarap..
" May gagawin pa kasi ako.. Pakibilisan lang.. " nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nya sa sinabi ko.. O mas tamang sabihing sa inasal ko..
" A-anong nangyayari sayo? " nauutal pa niyang tanong.. Kumunot ang noo ko kahit alam ko ang ibig nyang sabihin..
" What are you talking about? " nagmamaangang tanong ko.. Lalong napakunot ang noo nya..
" D-diba okay naman tayo kagabi? " tanong niya.. Bakas sa mga mata ang pagkadismaya.. Tumawa ako ng mapakla..
" Nag'usap lang tayo Jessie.. Wag mong bigyan ng ibang kahulogan iyon.. " nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nya.. Para pa syang maiiyak dahil sa sinabi ko.. And I want to kick myself bcoz of that.. Pero nasabi ko na.. Ayoko nang bawiin pa..
" Y-yung sinabi ko- " pinutol ko agad ang sasabihin nya..
" Don't be too naive Jessie.. Sa tingin mo talaga papatol ako sa mga walang kwentang bagay na sinabi mo? Sa tingin mo may mababago pa sa pananaw ko tungkol sa pagmamahal na yan? No Jessie.. It doesn't make sense.. Kaya pwede ba wag mo nang ipilit pa.. " saka ko sya tinalikuran at sumakay na sa sasakyan ko.. Habang papalayo ako hindi ko maiwasang tingnan sya sa side mirror ng sasakyan ko.. Nakita ko pa syang nakatayo doon habang nakatingin sa papalayo kong sasakyan.. Gusto ko syang balikan at aloin.. Pero natatakot naman ako.. Napahampas ako sa manibela.. Im so stupid!!
Jessie's POV
Pinilit kong wag maiyak sa inasta ni Illos ngayon.. Pero aaminin kong nasaktan ako sa mga sinabi nya.. Akala ko talaga okay na kami kagabi.. Nilonok ko pa ang pride ko para lang patunayan sa kanya na mali ang pananaw nya sa pagmamahal.. Na may pag'asa pa syang lumigaya.. Gumising pa ako ng maaga kanina para lang ipagluto sya ng agahan.. Pero laking dismaya ko ng hindi man lang nya ako nginitian.. O nagpasalamat man lang.. Ibang'iba sya sa Illos na nakausap ko kagabi..
Alam ko napakaaga pa at kakakilala pa lang namin.. Pero napatunayan kong love at first sight really do exist.. Hindi lang ito simpleng paghanga lang dahil alam ko naman ang kaibahan ng paghanga sa pagmamahal.. At aaminin kong nagmamahal ako.. Nagmamahal ako sa kanya..
Sa pagpunta ko sa lugar na ito isa sa mga dahilan ko ang hanapin ang sarili ko.. Pero iba ang nahanap ko.. Si Illos.. Ang mapupungay nyang mga mata ang bumihag sa akin.. Ang kalungkutan ng buhay nya na gusto kong bagohin.. Pero sa nangyari sa araw na ito parang wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya.. Hindi ako nagagalit dahil alam ko na may pinagdadaanan lang sya.. Nagtatampo lang ako dahil akala ko pinagkatiwalaan na nya ako..
" Hey Jessie! " naputol ang pag'iisip ko ng may marinig akong tumatawag sa akin.. Paglingon ko si Erros pala.. Pilit akong ngumiti sa kanya..
" G-good morning po Sir Erros.. " bati ko sa kanya.. Ngumiti naman ito dahilan para makita ko na naman ang dimple nito..
" Erros nalang.. Masyado mo naman anong pinapatanda.. At wag mo na akong i'po'po okay.. " napangiti nalang din ako.. Malaki talaga ang pagkakaiba nila ni Illos.. Kasi si Erros parang magaan lang kasama at hindi pa paiba'iba ng mood.. Di katulad ni Illos na napaka'bipolar.. Daig pa ang babae nireregla..
" Hey.. Are you crying? " tanong nito sabay punas ng kung ano sa pisngi ko.. Hindi ko pala napansin na tumulo na pala ang luha ko sa mata.. Pilit na naman akong ngumiti at pinunasan ang mukha ko ng likod ng palad ko..
" N-napuwing lang siguro E-erros.. " sabi ko nalang.. Ayoko ng magkwento pa tungkol sa nangyari kanina sa pagitan namin ni Illos..
" You know what I like you.. You're really cute when you're blushing.. " nakangiti nitong sabi.. Hindi ko naman napansin na namumula na pala ako.. Ang gwapo naman kasi ng kaharap ko.. Pero mas gwapo parin si Illos.. Ipinilig ko nalang ang ulo ko.. Sa ngayon ayoko muna syang isipin.. Kung gusto nya talagang magpakalunod sa kalungkutan bahala sya..
" May magagalit ba kung anyayahan kita mamaya sa party? " tanong nito sa akin na nakangiti pa..
" Party? Hindi naman ako mahilig sa party.. " totoo naman talaga.. Kahit taga maynila ako, ako yung tipo ng tao na taong bahay lang.. Kung kinakailangan lang talaga ako nakakadalo pero kung hindi naman mas gugustohin ko pang nasa bahay nalang.. Kaya din siguro hanggang ngayon wala parin akong nagiging boyfriend..
" Don't worry I'll take care of you.. Promise.. Please sige na samahan mo lang naman ako eh.. " nagpapacute pa talaga ito sa harap ko.. Napailing nalang ako habang nakangiti.. Well wala naman sigurong masama kung subukan ko naman na ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko.. Kahit mas gusto kong si Illos ang makasama kung ayaw nya rin naman sa akin bakit ko pa ipipilit ang sarili ko? Nakangiti akong tumingin kay Erros..
" Sige.. Sasama ako.. " siguro naman may oras pa ako para bumili ng damit mamaya sa bayan.. Papasama nalang ako kay Nay Maming.. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Erros dala siguro ng kaligayahan..
" Yes!!.. Thank you Jessie.. Susundoin kita mamaya sa inyo okay.. 7pm okay? " masaya nitong sabi.. Nakakadala din ang kasiyahan nito kaya napapangiti ako.. Nakalimutan ko na tuloy ang masamang nangyari kanina..
" Okay .. " nakangiti kong sagot.. Siguro nga mali lang ang nararamdaman ko kay Illos.. Baka masyado lang akong nadala sa kanya kagabi.. Baka hindi talaga sya ang nakatadhana para sa akin..
-----------------------------------------
A/N: bukas na ang UD sa AHWF.. Ito nalang muna sa ngayon.. Salamat!!!
BINABASA MO ANG
Somebody's Me (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series I The Aguilos Monreal and Jessie Dantes Story