A/N: puro Jessie's POV muna tau ngaun ha.. Ayw kcng sumapi ni Illos sa katawan ko.. Hahaha.. So here it goes....
---------------------------------------------
Jessie's POV" You really did this on purpose.. "
Matagal bago ako nakahuma sa sinabi nya pero ng matauhan ako agad ko namang binawi ang braso ko na mahigpit nyang hawak.. Kunot noo akong napatingin sa kanya..
" Anong pinagsasabi mo? " tanong ko sa kanya..
" I know that you know what I'm talking about.. Akala mo kung sinong mahinhin.. " anya na mas lalong ikinanoot noo ko.. Ang tagal bago na'process ng utak ko ang sinabi nya..
" Alam mo kung may problema ka sa buhay wag mo akong idadamay.. " sabi ko sa kanya sabay talikod.. Anong akala naman nya sa sarili nya?.. Ang kapal!..
Pagkaupo ko pa lang sa upuan katabi ng inuupoan ni Erros uminom agad ako ng tubig.. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil iba ako pag nagagalit.. Oo nga mahinhin ako.. Mabait ako.. Pero may pinapakibagayan ang pagiging mabait ko..
Nakita ko din ang pag'upo ni Illos katabi ni Ana.. Matalim parin itong nakatingin sa akin.. Inirapan ko lang sya.. Wala akong pakialam kahit galit pa sya sa akin.. Dapat nga ako yung galit sa kanya eh dahil sa pagbabaliwala nya sa feelings ko kanina..
" What took you so long Jess? " narinig kong tanong ni Erros.. Pilit akong ngumiti rito.. Ayoko naman masira ang date naming dalawa ngayon dahil lang sa walang kwentang tao na nasa harapan ko ngayon at matalim parin na nakatingin sa akin..
" May bastos kasi sa may labasan ng wash room kaya medyo natagalan.. Pero okay na naman.. " sabi ko..
" Really? Are you okay? " anya sabay hawak pa sa pisngi ko.. Agad lumipad ang paningin ko sa mga nasa harap ko.. Nakatingin parin si Illos sa akin na para bang mas lalo pang nagalit sa nasaksihan.. Nakita ko naman na parang lumamlam ang mga mata ni Ana na nakatingin kay Erros.. Wait.. May hindi ba ako alam?.. Bakit parang nasasaktan si Ana?.. Para kanino?..
" Okay lang talaga Erros.. Salamat.. " sabi ko.. Ngumiti ito saka ginagap ang kamay ko na nagpasinghap sa akin.. Bakit parang may mali?
Maya maya lang ay nagsasayawan na ang mga couples.. Pati ang parents ni Erros nagsayaw din sa gitna na pinalakpakan naman ng lahat.. Nawala saglit ang inis na nararamdaman ko dahil nakakatuwa naman talaga sina Mr. and Mrs. Gabriel.. Kahit mga matatanda na ay napaka sweet parin sa isa't isa.. Patunay sila na may wagas na pag'ibig pa na nag'i'exist.. Bigla naman nabaling ang tingin ko kay Illos na nakatingin din pala sa akin.. Agad kong iniiwas ang tingin dahil pakiramdam ko namumula na ang mukha ko.. Bakit ba sya tingin ng tingin?..
" Jess sayaw tayo.. " aya sa akin ni Erros.. Natawa pa ako dahil sa klase ng pag'aya nya sa akin.. Pero okay lang dahil narin kasi sa ugali nito kaya napapalagay ako sa kanya..
" Hindi naman kasi ako marunong.. " sabi ko.. Lumapit sya sa akin at bumulong..
" Don't worry.. We're even.. " sabay kaming nagtawanan dahil dun.. Inilahad nya ang kamay at inabot ko naman iyon.. Inalalayan nya ako papunta sa gitna.. Ipinalibot ko ang dalawang kamay sa batok nya at hinawakan naman nya ako sa baywang.. Actually wala naman akong naramdaman ng magkadikit ang mga balat namin.. Para pa ngang isang kaibigan lang talaga ang kasayaw ko ngayon..
" Can I ask you something Jess? " mahina nyang sabi sa may bandang tainga ko..
" Hmmm.. Ano yun? " balik kong tanong sa kanya..
" May something ba kayo ni Illos? " napatingin ako sa kanya..
" Bakit mo naman nasabi? " balik ko namang tanong.. Niyakap nya ulit ako..
BINABASA MO ANG
Somebody's Me (COMPLETED)
RomanceHaciendero Series I The Aguilos Monreal and Jessie Dantes Story