Luna's
Special Chapter
Christmas for the 17th BirthdayWARNING! THIS CHAPTER CONTAINS TRIGGERING EVENTS!
Nakapaglakad muli ako sa loob ng tatlong buwan sa tulong ng therapist. Nagsimula namang magkasakit si Mommy.
Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko noong past life ko dahil pinaparusahan ako ng ganito. Dahil ba 'yon sa kasamaan ng ugali ko? Dahil ba sa panghahamak ko sa mahihirap?
"Ayaw ko ngang kumain!" Sigaw ni Mommy at tinapon ang pagkaing inihain ng nurse sa kanya.
Dahil doon, we have to inject dextrose kapag ayaw n'yang kumain.
There are times that she would just vomit all her intakes kaya mas mahirap para sa amin. I saw Mom at her best but... once again, sinampal na naman ako ng katotohanan.
Hindi lahat ng araw ay masaya. At hindi lahat ng ayaw ko ay hindi mangyayari.
I also experienced Mom at her worst.
Seyo never called. Alam ko ding may pinagtalunan sila kaya naglayas si Seyo. Or maybe, napagod na din s'yang alagaan si Mommy.
I sensed that there is something wrong but I never thought it would be my Mother's cancer. She ignored my video calls so I won't see that she's in the hospital. I was too busy for my own dreams neglecting her.
She pushed me in Russia in order to hide her cancer from me.
I feel so guilty.
While I was reaching my dreams, may sakit na pala s'ya. Hindi din s'ya nagtravel dahil ang totoo ay nasa hospital s'ya. Habang nagsasayaw ako, habang masaya akong nagpeperform sa harap ng madaming tao, nasasaktan pala ang kapatid ko sa pag-aalaga sa nanay ko.
Habang nagpapakatanga ako kay Juancho, my Mom had to go home for me. Sacrificing her medication just to nurse my broken heart.
She had to go home, hide her pain, in order to be my leg. To be my strength and my source of hope.
I am so selfish.
"Seya... gusto ko ng magpahinga."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay n'ya at umiling. "Hindi p'wede, Momma. Malapit na akong mag17 'di ba? Magcecelebrate pa tayo. You have to be strong, hmm?"
"Seya, kung gusto mo ng umuwi, umuwi ka na."
Ang hapdi na ng mata ko. Wala naman akong uuwian don, Momma. Wala ka 'don. Wala si Seyo. Wala na din sina Tita Marga, Juancho at Nanay Ysabel. Gusto kong sabihin pero ayaw kong maging insensitive.
"Hihintayin kong gumaling ka, Momma." I smiled bravely. Pero gustong gusto ko ng magmakaawa sa harap n'ya at sabihing umuwi na kami kasi natatakot na ako.
That night, takot na takot akong matulog. Paano kung wala na s'ya paggising ko? Paano kung bumigay s'ya?
Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natutuliro na ako.
I secretly bought medicines for my insomnia simula noong naaksidente ako. A part of me is still haunted by Cara's death. Ngunit wala akong magawa.
Hindi ko masabi kay Mommy na natrauma ako kasi dadagdag pa ako sa isipin niya.
I feel it. Sobrang hina na ni Momma. She's weaker than yesterday! She's getting weaker everyday and I... I can't do anything about it! I feel useless and worthless once again. Wala man lang akong magawa para bawasan ang sakit n'ya. Its so annoying!
Hindi ko macontact si Seyo! Hindi n'ya sinasagot ang mga messages ko. Si Xayo Quintana naman ay busy pa. She said that she's searching for the best hospital for Mommy. But I feel like hindi din n'ya kayang makita si Mommy na nakahiga sa hospital bed.
BINABASA MO ANG
A Rendezvous At The Horizon
RomanceSaavedra No.1 (Solieluna Elirieyella Ysabella Aevha Saavedra) "Just one night of fucking and then the next morning around, you broke up with me. How heartless you can be?" - Luna Saavedra If there is one thing certain in her world, it is Juancho who...