Luna's
Ikapitong TagpoLucky Charm
"Hmm... you see uhm..."
Habang naglalaro kami ng online game sa kanyang computer, he stopped and stared at me-hesitating. Tinigil ko din ang paglalaro at tumingin sa kanya.
"What is it?"
He bit his lower lip and stared at me. "Uhm...My Dad already found us."
Nagulat ako sa sinabi n'ya at napatayo. Edi, lilipat na naman ba kami? Tinago kasi ni Tita Marga si Juancho sa Tatay n'ya at hindi ko alam kung bakit. Hindi din alam ni Juancho kung bakit. O siguro sinabi lang n'yang hindi n'ya alam pero ang totoo ayaw n'yang sabihin sa akin.
"Saan tayo lilipat?"
"Ha?"
"Nahanap na kayo 'di ba? So, lilipat ulit tayo?"
At kung nahanap na sila, pati kami kasali sa pagtatago. It is fun noong maliliit pa kami pero ngayon? Parang nauumay na ako. Lipat dito. Lipat doon. Nakakapagod din mag-adjust.
Tumitig lang s'ya sa akin na parang may gustong sabihin pero umiwas din agad. "Hindi naman." Bulong n'ya. "Uhm he... he don't actually care."
Kumirot ang puso ko para sa kanya. Kahit na sabihin kong wala na akong pakialam kung hindi ko na makilala ang tatay ko, may part pa din sa akin na gusto ko kahit papaano. S'yempre nangungulila din naman ako sa tatay.
I am sure that he also feel it. Afterall, we both grew up without one so I know that he has lots of what ifs.
Pero 'yun din ang masakit. To hear someone don't care about your existence. Kaya natatakot akong makilala ang tatay ko. Pero mas kakatakot na mawala si Mommy. Ayaw kong masaktan si Mommy kaya kahit 'di ko na makilala ang tatay ko ayos lang.
"He don't deserve you talaga." Pagtataray ko. He's down eh. "Kaya siguro tinago ka ni Tita!"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya. Damn he is really gwapo. "Its alright. You still have us."
Later on, napili naming manood na lang ng performance ko sa Russia. He was just silent. I can tell that something is bothering him but cannot open up. I sighed.
Kumikirot ang puso ko. At times, nagseselos ako kay Seyo dahil ang close nila ni Juancho. They are bestfriends. Always together. Alam nila ang sikreto ng bawat isa. Samantalang ako, alam nila ang lahat sa akin pero konti lang ang nalalaman ko sa kanila.
I wish that they would share everything to me because I love them.
"Juancho. I have dreams."
Nilingon lang n'ya ako kaya nagpatuloy na ako pagsasalita. "But before I tell you, promise me one thing hmm?"
Tumango tango lang s'ya. See? Tinatamad na naman s'yang magsalita, I swear. "Kapag may nagustuhan kang iba, sabihin mo agad sa akin ha?"
Nagdilim ang aura ng mukha n'ya. "What would you do with her then?"
Parang kumirot ang dibdib ko. Wala pa akong iniimik magagalit na s'ya agad.
Don't worry bulong ko sa isip ko. Siguro sisindakin ko lang but definitely won't hurt her. Hurting the person you'll love will hurt you and hurting you means hurting myself too.
"I'll be immature and selfish and bitch and insensitive and witch." Nakangiti kong saad. "Pero if its true, I'll let her go."
Kumunot lang ang noo n'ya at supladong iniwas na ang tingin sa akin. Kinurot ko ang braso n'ya dahil don.
BINABASA MO ANG
A Rendezvous At The Horizon
RomansaSaavedra No.1 (Solieluna Elirieyella Ysabella Aevha Saavedra) "Just one night of fucking and then the next morning around, you broke up with me. How heartless you can be?" - Luna Saavedra If there is one thing certain in her world, it is Juancho who...