Ikalabing Anim na Tagpo

5 1 0
                                    

Luna's
Ikalabing Anim na Tagpo
10 years

Kukusot kusot ang mata bago ko tuluyang sinagot ang kanina pang nagriring na cellphone.

Kakagulat pero matagal ang tulog ko ngayon.

"Hello--"

"I'm. Gonna. Kill. You. Solieluna Quintana!Iisang araw ka pa lang sa Pilipinas may issue ka na agad, Luna!" Bulyaw n'ya.

Napabangon agad ako sa tinuran ni Chelsea. Anong issue? Wala naman akong ginagawa? As long as I remember, dumiretso naman agad ako dito kagabi pagkaalis ni Juancho? Hindi din ako nagmaldita at nanggulo sa party?

"Ano bang sinasabi mo?" Nalilitong tanong ko.

"You're in relationship with Juancho!"

Nagising ata ang diwa ko at nagkabog ako sa kama ng marinig ang sinabi n'ya. Parang nagloading ang utak ko.

"Ahm wait! Am I still sleeping?" Sinampal ko pa ang sarili ko pero naramdaman ko ang kirot.

"I'm gonna follow you there! Wait for me and don't you dare move without any permission! We'll plan the action!"

Pinatayan na n'ya ako ng tawag kaya dali dali akong tumayo sa pagkakasilagmak at kinuha agad ang ipad.

Napakagat labi na lang ako ng makita ang text message ni Nanay Xayo. 'Kakauwi mo lang, nabingwit mo na agad si Juancho? Iba talaga ang kamandag mo. Pero sana sinabi mo agad sa aking bata ka! Ano pa't lola mo ako kung paglilihiman mo ako! At talagang sa public pa kayo naghalikan! Sa kotse pa kayo nag-ano? Hindi man lang sa hotel room kung saan may kama? Hindi n'yo na ba makontrol ang sarili Solieluna Elirieyella Ysabella Aevha Quintana Saavedra?'

Kumikirot ang ulo ko sa kagagahan ko. Dang. Sabi na nga ba at iba ang kutob ko kagabi eh. Sabi ko na sa kanyang huwag akong ihatid! Yan na nga ba!

Ang daming notifications.

I typed 'Luna Quintana' and there are so many results! Kagabi lang 'to! I clicked the first one.

'Luna Quintana kissing Juancho Ferragamo in a public place.'

May photo na nakatalikod ako at mukhang hahalikan ako ni Juancho. The fuck! If only they knew that he pinched my nose! He didn't kiss me! I didn't kiss him!

Then next to the second article.

'Luna Quintana's hidden secret.'

Hidden secret? And what's with the picture! I look so ugly in there! Juancho messed my hair there! And excuse moi! Hindi ko nakita si Juancho for almost 10 yrs! Paanong magiging hidden secret ko s'ya?

Napahilot na lang ako sa sentido.

Pero totoo din naman na hidden secret ko s'ya 'di ba? Kasi s'ya ang una kong ex na hindi ko pinangalanan sa kahit na anong tv shows and magazine interviews.

'Is Luna Quintana the reason why Juancho Ferragamo broke the engagement with Ella Rothschild?'

Its the other way around, bitches! He left me for that Ella! Paanong ako ang magiging dahilan!

'Luna Quintana quiting the runway for Juancho Ferragamo. The two are expecting their first child together.'

I rolled my eyes. I swear I'll gonna post photos of my flat belly with the caption 'Is this what pregnant woman looks nowadays?'. And paano ako mabubuntis, ano ako? Si Mary?

'Luna Quintana and Juancho Ferragamo caught on act.'

Its a picture of me and Juancho outside the car. Oh anong meron d'yan? Caught on act agad? Ano mukha ba kaming nagsex?

A Rendezvous At The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon