Ikawalong Tagpo

8 1 0
                                    

Luna's
Ikawalong Tagpo

Notify

"Happy birthday, Juanchi Babes!"

Sumimangot ako kasi hindi ko s'ya nabati ng personal. Next month pa ako makakauwi kasi may competition ako sa China. Kakainis kasi hindi ako pinayagang umuwi man lang.

Buti na nga lang dahil pinayagan akong gumamit ng cellphone ngayon.

"Thank you." I heard his deep sighed. "Hindi ka ba uuwi?"

"Sorry! Sorry talaga. Hindi ako pinayagan ng Director namin eh. Dapat daw focus na ako this time kasi next week aalis na ako."

We stayed like that for the past months. Minsan nakakauwi lang ako ng ilang oras tapos balik na ulit sa dorm. Mas focus kasi sila sa akin ngayon. Ang dami ng nakuha sa akin at ang dami ko ng nilalabanang competition.

Kinukuha na din ako sa mga play kaya mas naging hectic na ang schedule ko. Halos hindi ko na nga s'ya masyadong nakakausap. Sina Mommy naman nadalaw minsan pero hindi ko na din sila matawagan masyado.

"Nagpadala akong gift. Sorry, Juanchi. Promise babawi ako."

"Really? Make sure na hindi lang isang oras, Ysabella Aevha."

I smiled. Noong last ko kasing uwi, kakadating pa lang n'ya after basketball training ay pauwi na ako ulit sa dorm. Inis na inis s'ya kasi hindi na ako nakakapagstay sa bahay.

Pero mabilis naman ang oras eh. Siguradong ilang tulog na lang, mausisa ko ikakasal na ako sa kanya. Sana lang talaga. Sana.

"Oo na. Wala ka bang kwento sa akin?"

"Hmm? I just want to listen to your stories."

This is one of the things that I really like about Juancho. He gives time and attention to me. Inaalam n'ya ang mga nangyayari sa buhay ko at may puwang ang opinion n'ya sa mga ginagawa kong desisyon.

Parang kami pero hindi. Parang m.u. din pero hindi. Basta magulo. Magsesettle na lang muna ako sa pagiging best friend n'ya.

Best friends muna kasi wala pa kami sa timing.

Next year kapag 16 na ako, p'wede na.

Nagreklamo ako kay Juancho ng mga pinapakain sa akin. Hindi kasi p'wedeng malalangis and such. Dapat din maintain ang timbang ko. Ang paggising ko ng maaga para magpractice o kaya ang pagtulog ng late.

Buong araw din kailangan kong magpractice na halos napapabayaan ko na ang modules ko online.

"Ang dami mo atang kaibigang lalaki ngayon?'

"Kaibigan?" Tumawa ako ng malakas. "Juancho, mga nakakausap ko lang 'yan. Hindi kaibigan. Ikaw lang ang kaibigan ko."

He sighed again. "Sumisikat ka na masyado, Seya. Baka makalimutan mo na ako?"

"Hello! Juanchi, ako makakalimutan mo pero ikaw hindi ko makakalimutan."

"You're so busy nowadays."

"Isipin mo na lang na para sa future natin 'to."

Cheering, clapping, different emotions... ang maliwanag na stage. This competition determines who's gonna be the Prima Donna. Ang bagong tatanghalin na reyna ng mga ballerina.  I smirked and went to the stage to get my gold medal. I won again. I won!

Lumapit agad ako sa Manager ko at sa Director namin na niyakap agad ako. Naiiyak sila at tuwang tuwa sa karangalang dinagdag ko muli.

"That was splendid!" Saad ng Manager ko. "Its perfect."  

A Rendezvous At The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon